Chapter 18

4 4 0
                                    


Chapter 18- Part 3


Nasasaktan man at walang gana ay pinilit ko pa ring bumangon sa aking pagkakahiga. May pasok pa kasi ako at hindi p'wedeng hindi ako papasok dahil lang sa nasasaktan ako. Hindi p'wedeng ihinto ko ang mga ginagawa ko. Kailangan ko pa ring magpatuloy. Hindi hihinto ang oras para sa'kin. Hindi ito ang maga-adjust.

Pagkabangon ay tumingin ako sa salamin dito sa aking kwarto. Halata ang pamamaga ng mata ko, sana'y walang makapansin nito. Lalo na sila mama dahil ayaw ko nang magsinungaling.

Matagal akong nakaharap sa salamin habang tinitingnan ko ang sarili. Tinapat ko sa electric fan 'yung mata ko nagbabakasakali na mawala ng konti 'yung pamamaga. Malaki na rin ang eye bags ko marahil sa pagpupuyat ko kakaiyak nitong mga nagdaang araw. Nakakaawa. Naaawa ako sa sarili ko na ganito nalang ako kung humabol sa lalaki.

Nasasaktan din kaya siya ngayon? Ano kayang naramdaman niya kapag tapos niya akong iwan? Kung nasasaktan siya, kanino naman kaya siya humingi ng karamay? Paano niya kaya ipinapakita sa ibang tao na nasasaktan siya o kung hindi niya ba ito ipinapakita. Katulad ko kaya siya na ganito? Umiiyak din kaya siya? Okay lang kaya siya ngayon? Sana'y ayos lang siya.

Iyan lamang ang ilan sa mga tanong na paulit-ulit na tumatakbo sa aking isipan. Kahit hindi na ako okay basta maging okay lang siya. Sana masaya siya sa naging desisyon niya.

Tiningnan ko pa 'yung conversation namin sa hindi na mabilang na beses. Tiningnan ko baka in-unblock at chinat niya na ako. Umaasa pa rin ako. Kaso paulit-ulit lang din akong nasasaktan kapag nakikita kong hindi pa rin.

Wala na akong nagawa kung hindi ang tuluyan nang lumabas ng kwarto, siguro'y hindi nalang ako titingin sa mga tao rito sa bahay para hindi nila mapansin 'yung mata ko.

Dumeretso akong banyo upang maghilamos at dere-deretso ring pumunta ng kusina upang makapagluto na ng agahan naming lahat. Patuloy kong nilalayo 'yung tingin ko sa mga kasama ko rito tuwing dumadaan sila sa akin o nagtatanong.

Pagkatapos kong magluto ay nag-asikaso naman ako papasok ng eskwela.

"Ma, alis na po ako." Sabi ko na hindi tumitingin sa mata niya.

"Bakit namumula 'yang mata mo? Anong nangyari riyan?" Gulat kong saad niya.

Ang akala ko'y hindi niya na mapapansin ito, siguro'y masyado pang halata.

"Natalsikan po ng mantika kanina habang nagluluto ako." Iyan agad ang naisip kong kasinungalingan kaya ayan din ang agad na nasabi ko.

"Oh, ito ang baon mo." Sabi niya na iniabot ang trenta pesos sa akin.

Mabuti nalang ay hindi na siya nagtanong pa dahil baka kapag nagtanong pa siya ay maiyak nalang ako bigla.




Beneath The MaskWhere stories live. Discover now