Chapter 16

5 4 4
                                    


Chapter 16- Part 1


We will meet a lot of people in our life. Some of them will leave, some of them will stay. It depends on the situation. They will make you happy or leave you in pain... or both.

"Good Morning! Have a nice day. Hope you're doing fine." Ito ang bumungad sa aking message pagbukas ko ng aking cellphone.

Buti hindi siya napapagod kaka-message sa'kin sa araw-araw ng ganiyan. Taray napaka-consistent ha. Bulong ko sa sarili ko.

Siya si Ejay ang matagal ko nang manliligaw. Hindi ko pa siya sinasagot dahil kailangan ko munang makatapos ng college bago magkaroon ng boyfriend. Iyan kasi ang parating pinapaalala sa akin ni papa. Tuwing kami'y nasa hapagkainan hindi mawawala ang linya niyang "Magtapos muna kayo bago kayo magjojowa-jowa, ha? Mahirap ang buhay, Unahin ang pag-aaral. Pag nagkatrabaho na kayo saka na kayo mag ganiyan." Iyan, tapos kapag sasabihin pa ay sa akin parati ang tingin,

1 year ago nang magkakilala kami ni Ejay. Nagkakilala kami sa Facebook. May isang post doon akong nakita at nag-comment ako, nag-reply naman siya sa comment ko. At dahil do'n in-add niya ako sa facebook at kaagad ko naman siyang in-accept. Nagchat siya sa akin no'n, siyempre dahil bata pa at gusto ng atensyon ay nagre-reply ako kung sino mang nagcha-chat sa akin. Simula no'n ay parati na kaming magkausap. Masaya siyang kausap at kakulitan dahil madali siyang makisama.

Habang tumatagal ang aming pag-uusap ay marami na kaming napag-usapan tungkol sa buhay naming pareho. Hindi ko namamalayan noon na masyado ko na siyang pinagkakatiwalaan sa mga impormasyon ng buhay ko, at gano'n din naman siya sa'kin. Dahil do'n ay mas lalo kaming nagkakilalang dalawa. Sa kaniya na ako mas kumportableng magkwento kaysa sa mga kaibigan ko.

Hindi rin nagtagal ay umamin siyang may gusto siya sa akin. Napaisip ako no'n. Napatanong ako sa aking sarili. May chance bang magkagusto ka sa taong hindi mo naman kilala personally? 'Yung hindi mo pa naman nakikita niisang beses. P'wede bang magkagusto kahit sa online mo lang naman nakilala? May gano'n ba? Paano 'yon? Napakalayo niya. Siya'y nasa Oriental Mindoro at ako'y nasa Antipolo. Posible kaya iyon?

Pero hindi rin nagtagal ay nagkaroon na rin ako nang nararamdaman sa kaniya, doon ko nasagot ang aking tanong. Oo, posible iyon.

Sinabi ko rin sa kaniya na may nararamdaman ako sa kaniya. Natuwa siya siyempre akala niya na siya lang ang nakakaramdam no'n. Tinanong niya ako kung p'wede siyang manligaw. Nagdalawang isip ako, ang sabi ko pa sa kaniya no'n "Paano ka manliligaw eh napakalayo mo?" nang hindi siya makapag-reply agad ay nag-chat ulit ako sa kaniya at sinabi kong hindi pa ako p'wedeng magka-boyfriend, at ang sabi niya ay kaya niya naman daw maghintay hanggang sa makatapos kaming pareho at pupuntahan niya ako rito sa amin para opisyal na makapanligaw. Pumayag ako, sabi ko ay sana mahintay niya ako. Sana ay hindi siya mapagod at magsawa dahil matagal pa ang hihintayin namin. 7 years pa. Hindi ko alam kung makakaya niya pero–

Sana.




To be continued...

Beneath The MaskWhere stories live. Discover now