Chapter 23

3 4 0
                                    


Chapter 23- Part 3


...

Maya-maya lang ay nagsidatingan na rin ang iba pang magulang. Dumating na rin ang sa mga kaibigan ko at katulad ko ay sumali rin sila sa meeting.

Bago nagsimula ay bumati muna ang adviser namin sa mga magulang namin at gano'n din ang ginawa ng ibang magulang sa adviser namin. At pagkatapos ay nagdasal kaming lahat.

Ipinaliwanag lang ang ilan sa mga issues ng mga estudyante patungkol sa grado. Marami pang sinabi at nang matapos ay ibinigay na rin isa-isa ang card namin alphabetically. At dahil nagsisimula sa letter 'B' ang apelyido ko ay ako ang pangatlo sa tinawag. Agad na kinuha ni mama ang card ko at tiningnan ang mga grado.

Kinakabahan man ay alam kong matutuwa si mama sa resulta ng mga pinaghirapan ko.

'yun ang akala ko. Bigla akong nanlumo ng bigla siyang humarap sa akin at tinanong kung bakit may 90 lang ako which is 'yung pinakamababang grade na nakuha ko para sa quarter na iyon. Tiningnan ko kung anong subject ito at nang makita kong sa math ito ay hindi na ako nagtaka. Oo nga pala't hindi naman ako pumasa sa exam dito bakit nga ba ako masyadong naging masaya. Pero hindi ba ay mataas na rin naman iyan? Para sa akin kasi ay mataas na iyan lalo pa't iyan lang naman ang pinakamababa ko.

Nakita ko kay mama ang pagkadismaya sa grading nakuha ko. Mukhang hindi siya naging masaya. Hindi man lang na-appreciate 'yung pagpapakahirap ko para makuha ang mga gradong iyon. Hindi naman gano'n kadaling makakuha ng gradong iyan. May mas matataas pa akong grades bakit iyong pinakamababa lang ang napansin niya?

"Kumusta grade ni Sha?"




To be continued...

Beneath The MaskWhere stories live. Discover now