Chapter 29

3 4 0
                                    


CHAPTER 29

"Girls! Meet us? Get together lang miss ko na kayo eh." Chat ni Raquel sa gc namin na Malapokgroup.

Si Raquel ay isang gay saaming magkakaibigan, actually dalawa sila pati si Raine. Iyan ang gusto nilang itawag namin sa sa kanila dahil ang tunay nilang pangalan ay masyado raw pang macho para sa kanila.

Anim kaming nasa isang circle of friends at naging magkaibigan lang kami dahil magkakaklase kami no'ng 10th grade.

Ang tatlo pang kasama namin ay sina Aizel na kasama ko rin sa P. Iskwad naming circle of friends at sina lottie at Joy.

Tuwing magkakasama kaming lahat na kumpleto ay masasabi mo nalang talaga na sana'y hindi na matapos ang araw. Sobrang saya nilang kasama na talaga namang magsisisi ka kapag kinalumtan mo iyong isa.

Sa aming anim ay ako ang nangunguna sa pakikipag-asaran at sasabayan pa nila Raquel at Raine. Madalas man kaming mag-asaran ay minsan lang naman kami magkapikunan.

Naalala ko pa nang isang beses naming asarin si Aizel habang abala siya sa pagco-complie ng mga activities niya ay bigla siyang napikon sa amin at hindi kami pinansin ng ilang araw. Natatawa pa ako no'n hindi dahil napikon siya kung hindi lahat kami ay nag-iisip ng paraan kung paanong makikipagbati sa amin si Aizel.

Kinabukasan ay may naisip akong plano na gagawin, naki-pagcooperate kaming lahat tapos atsaka namin pinatawag sa labas ng classroom si Aizel. Sumunod naman ito at nagulat ng bigla naming ilabas ang malaking banner na gawa naming magkakaibigan para sa kaniya. Sa isang banner may nakasulat ng 'I'm sorry" at kada isang letra ay may mga sentence kung bakit mahalaga siya sa amin. Ang sa isa namang banner ay may nakalagay na pangalan niya. Hindi lang iyon, naisip ko rin na bilhan siya ng mga candy na naka-heart shape at kantahan siya ng "sorry by Justine Bieber"

Kapag tapos ay nag-message kami at humingi ng tawad sa kaniya na naging dahilan ng iyakan naming lahat sa labas ng aming classroom kaya'y maraming nakiusyoso.

Sa huli ay nakipagbati rin naman siya sa amin.

"Oy! Ano game kayo? Kila Sha ulit tayo, kwentuhan lang" Pag-aaya ulit ni Raquel sa amin.

"Kayong bahala kung dito naman ay p'wedeng-p'wede naman palagi, pero kung sa iba ay baka hindi ako payagan" Reply ko sa kanila.

Nakasanayan na kasi namin na kapag gusto naming magkita-kita ay sila ang pumupunta rito sa bahay. Alam kasi nilang hindi ako pinapayagan na pumunta sa ibang bahay.

Nakakatuwa lang na kapag gusto nilang makipagkita ay silang lahat talaga ang maga-adjust para sa'kin.

"Tara na Raine, Aizel, Joy at Lottie." Chat ulit ni Raquel.

"Anong oras ba?" Tanong ni Aizel.

"After lunch?" Tanong ni Raine.

"Game ako." Sabi ni Lottie.

"Ako rin." Parehas na sabi ni Aizel at Joy.

"Nice, see you guys." Raquel.

Nang mag-ala una na ng tanghali ay isa-isa nang nagdadatingan ang mga kaibigan ko.

Nag-aasaran sila ng bigla nilang mapansin na hindi ako nakikisali sa kanila masyado.

"Oy, Sha? Hindi ka ata nangunguna sa pangangasar ngayon ah? Piinauubaya mo na ba samin? HAHAHAHHAHAHAH" sabi bigla sa akin ni Raquel na sinang-ayunan pa ng apat naming kasama.

"Baliw. Ikaw muna pumalit sa pwesto ko, malakas ka ring mang-asar eh. HAHAHHAHAHHAH" Sagot ko pa na sinabayan ng tawa ngunit halatang kulang sa sigla 'yung tawa ko kaya napansin nila agad.

"May problema ka ba? Ngayon ka lang namin nakita nang ganiyan ah?" Tanong agad sa akin ni Raquel.

"Wala, ano ba kayo, wala lang ako sa mood. Ituloy niyo lang nakikisali naman ako eh." Sabi ko sa kanila na ngumiti pa.

"LAH! GIRL, ANO 'YANG NASA PULSUHAN MO?! NAGLASLAS KA BA?!"



To be continued...

Beneath The MaskWhere stories live. Discover now