Chapter 14

69 3 2
                                    

CHAPTER 14
Feel My Heartbeats

Alizarin

Pabalik-balik ang tingin ng tatlong lalaki sa akin at sa babaeng kalalabas mula sa kuwarto. They might be confused why I stopped walking but I am not in my right mind to care about their reactions.

Hindi nagtagal ay lumabas din ang isang pamilyar na lalaki mula sa kuwarto.

"Doc, heto na po 'yong hinihingi n'yo," aniya. He's looking at the papers on his hand.

The woman did not respond to his statement kaya naman inangat ng lalaki ang kaniyang ulo. There, he saw me and I saw him.

When his eyes and mine locked for a while, napagtanto ko na siya ang lalaking nurse na nakita namin ni Mauve sa exhibit. Makalipas ang ilang segundo ay naging mailap ang mga mata niya at tumikhim.

Ibig sabihin... magkakilala sila ng babaeng nasa harap ko ngayon? Kung ganoon, does it also mean that he knew me already when the exhibit happened?

"I was just planning to visit the brother of my husband's ex-wife but look what I have encountered, Cesar," sambit ng babae habang matiim na nakatingin sa akin. Pinagsiklop niya ang kaniyang bisig at dahan-dahang naglakad palapit sa akin.

Nanatiling nakatikom lang ang aking bibig. Hindi ko alam ang mga salitang dapat kong sabihin o kailangan ko pa bang magsalita.

Bakit sa tinagal-tagal ng panahon ay ngayon ko pa siya nakita? Kung kailang nasa proseso na ako ng unti-unting pagbitaw sa mga alaala ko sa nakaraan, saka siya lilitaw. Bakit? Bakit ngayon pa?

She flew away with her children, Clea, Renee and David after the incident. Akala ko ay hindi na sila magbabalik dito sa Iloilo at hindi ko na sila muling makikita pa pero nagkakamali ako.

Unti-unti na namang bumabalik ang lahat sa akin. Ang madilim kong nakaraan at ang lahat ng pagpapahiyang ginawa niya sa'kin sa harap ng maraming tao sa probinsya na siyang naging dahilan ng pagkamuhi nila sa akin. Ang rason kung bakit hanggang ngayon ay hindi ko pa rin magawang umuwi roon.

Oo, lumayo ako, thinking that I would be at peace pero hindi. Tumakas lang ang katawan ko ngunit ang isip at damdamin ko ay nananatiling naroon pa rin sa lugar na iyon.

"Oh, here you are, Cerulean. Binatang-binata ka na, ah! First born of Mayor Hondrad, right?"

Mas lalo akong kinabahan nang kausapin niya si Lean.

"Ahh, hello po. Opo," Cerulean answered awkwardly from the back.

"How's your dad?"

"Ganoon pa rin, ho. Abala pa rin."

Tumango ang babae. "I see, you're with your friends," anito kay Lean at lumakbay ang mga mata kina Mauve at Phthalo. She smiled at them. "May I know their names?"

"May I know you first po, doc? Hindi na po kasi kayo pamilyar sa'kin."

Umawang ang bibig at kumurap-kurap ang mga mata ng babae. "Oh! I'm sorry. I'm Dr. Mildred Ladi. We met during you graduation in high school! Hindi mo ba natatandaan? I even treated you once before when you were seven," nakangiting pagpapakilala nito, "when your mom, Bernadette, was still alive," dagdag nito at nakakalokong pang ngumiti.

Was still alive? So, Lean's mother is dead now?

Tumango si Lean. Randam ko ang pilit na ngiti nito pabalik. The woman is always insensitive of her statements.

"Phthalo Cipasco," ani Lean at itinuro ang kaibigang nasa tabi niya, "Mauve Vicandi," pagpapakilala niya kay Mauve.

"Quinta and Leandra's sons?"

Beyond Her AbstractionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon