CHAPTER 19
The DownfallPhthalo
Lupaypay ang katawan ko habang sinasalin sa baso ang malamig na tubig mula sa pitsel. Segu-segundong kumakawala ang hikab mula sa bibig ko na nag-iiwan ng mumuntiing butil ng luha sa aking mga mata. Nanghihina ang kamay at daliri ko at halos hindi ko na mahawakan pa ang baso para lagukin ang laman nitong tubig.
This is probably the first time in my life where drinking a glass of water is a goddamn major challenge.
I frustratingly placed the empty glass on the sink and went out from the kitchen with dense feet.
Minasahe ko ang ulo ko at hinila ang iilang hibla ng buhok doon para buhayin ang walang enerhiyang kong kaluluwa at katawan habang pumapanhik papunta sa kuwarto para matulog ulit.
My head is spinning around and I can't almost take a grip of the staircase's handrail. Ikaw ba naman ang pagod na pagod na sa biyahe, pagod pa sa trekking tapos wala pang tulog! I feel like someone or something is tearing up my skull into two pieces right now. Damn.
I am about to take one more heavy step when I heard a doorbell.
Ang kaninang pumipikit-pikit kong mata ay sandaling bumilog.
Wait... parang wala naman akong inorder na pagkain? Could it be Cerulean or Mauve?
With squinty eyes, messy hair, loose sando, and completely exhausted face, I lazily opened the front door.
Agad kong nabitiwan ang doorknob at pumirmi ang mga paa ko sa sahig. Ang kaninang matamlay kong katawan at isip ay tila naging bato.
"M-mom."
Nakasuot ito ng knee-length white floral print dress at kulay beige na fall hat.
"Surprise!" she exclaimed with a wide smile on her face. The next thing I knew, she was already hugging me tightly.
I awkwardly smiled.
Damn, talagang na-surprise ako.
"How have you been, son?"
Lumipat ang paningin ko sa lalaking katabi niya. He's in a blue plaid shirt and slim tampered pants. His hair is pure gray but his face does not look that old kung ikukumpara sa mga kaedaran niya.
"Dad," iminutawi ko. Biglang nablangko ang isip ko nang makita sila. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. "I'm... I'm alright."
"I miss you so much, iho! Why are you so so so tall na?" Bumitiw sa'kin si mommy at pinisil ang magkabilang pisngi ko.
I held her hand on my cheeks and gently pulled them away. "Mom..."
"Pumasok muna tayo, Leandra," Dad commanded at pinasok ang isang maleta sa loob ng bahay.
I was left in my stance speechless! Ilang beses akong napakurap-kurap upang makumpirmang ang mga magulang ko nga ang nakita ko ngayon. Mahina ko pang itinampal ang pisnge ko para maisigurado kung nananaginip lang ba ako o totoo na talaga 'to.
"Hmm..." Tumango-tango si mommy nang isa-isang inusisa ang mga gamit pati na rin ang sahig pagkapasok nito sa bahay. "Glad that you maintained cleanliness and order here in our home, Phthalo. You really listen to your mom." Umamo ang kaniyang mukha. She sat on the L-shaped gray fabric sofa set and put her hat beside her.
"Wala ka namang dinalang babae rito habang wala kami, Phthalo?" usisa sa'kin ng ama ko. He's arranging the luggages in their bedroom just across the stairs. Ako naman ay pinapasok ang mga maleta nila mula sa labas ng pintuan.
BINABASA MO ANG
Beyond Her Abstraction
RomanceHe was never a fan of an abstract art. He finds it too difficult and complicated. He prefers arts which are aesthetic and explicit. Iyong mga likhang sa unang tingin pa lang ay mabubusog na ang iyong mata at mamahalin mo na. But not all arts are lik...