Chapter 10

75 3 0
                                    

CHAPTER 10
Their Charm

Alizarin

I nimbly walked towards the fast-food chain without any second thoughts. Maamo lang siyang nakasunod sa likod ko. Sometimes I feel like he wants to ditch me here but he's hesitating.

A swarm of people welcomed us. Their noises are here to there. The clinking sound of plates and utensils adds to the existing clamor. What a busy view. Mukhang dadagsain pa ito dahil weekend.

"Ako na rito. Puwede ka nang mauna kung gusto mo."

Tumigil ako nang marinig ko siyang magsalita.

What? Kung kailan nandito na kami saka niya ako papaalisin?

"Can you look for a seat for us?" pagbabalewala ko sa sinabi niya. Hindi ko pa rin siya nililingon. Diretso lang ang tingin ko sa itaas ng counter kung saan naka-display ang mga pagkain.

"You don't have to-"

"Nagugutom rin ako," pagpuputol ko sa gusto niyang sabihin. "I would order now whether you like it or not."

He let out a sigh. "Fine. Bahala ka," sabi niya. Naramdaman ko ang pag-alis niya mula sa likuran ko.

"Saan ka pupunta?" I stopped him for a minute. Kumunot ang noo niya. "You'll ditch me?"

"I'll find a seat."

Tumango ako at ibinalik ang mga mata sa counter. I grinned without him seeing it.

Hindi nagtagal ay pumila ako. I ordered a combo meal for the two of us. Masyadong busy ang crew kaya ihahatid na lang doon sa table namin ang mga pagkain.

I stepped out from the counter and roamed my eyes to search for my colleague.

Dumayo ang mga mata ko sa pangdalawahang table na nakadikit sa transparent walls ng fast-food chain. I saw the guy there. Nakapatong ang kaniyang dalawang siko sa ibabaw ng mesa. Magkatabi ang mga iyon habang ang kaniyang kamay ay magkasiklop. I can see his silver watch from here. Nasa labas ang tingin niya na parang inaaliw ang sarili sa mga sasakyan at mga taong dumaraan.

Dumiretso ako sa kinaroroonan niya at dahan-dahang umupo sa kaniyang harap. Inilapag ko ang backpack ko sa aking mga hita.

His eyes shifted at me without moving the side of his face. Nakatuon pa rin iyon sa labas.

When I smiled a little at him, agad niyang binawi ang tingin niya sa'kin at muling ipinukol ang atensyon sa labas.

Nakakabinging katahimikan ang namagitan sa amin. Kung wala lang ang ingay ng mga tao rito ay talagang mabibingi ako.

"Do you have my picture?" I broke the silence then I looked through the transparent walls as well.

Gusto kong kunin iyon. Iyon lang ang tanging litrato kong kasama ang mga magulang ko. Iyon nga lang, nakatayo ako habang sila ay nasa canvas.

I saw him look at me from my peripheral vision. "What picture?"

"In the exhibit," I said without looking back at him. Ipinalandas ko ang mga daliri ko sa glass na pader sa gilid ko.

"That's dirty. Stop it."

"What?" Napalingon ako sa kaniya.

"Huwag mong hawakan. Baka kung ano-anong bacteria ang nakadikit diyan," matiim niyang sabi. Wala na sa ibabaw ng mesa ang kaniyang mga siko.

Mangha akong tumingin sa kaniya. "You're such a germaphobe," I jokingly said. He pshawed. "So where's the picture?"

"Nasa camera ko pa. Hindi ko pa natatransfer sa laptop."

Beyond Her AbstractionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon