Chapter 17

85 2 0
                                    

CHAPTER 17
Gorgeous Rendezvous

Phthalo

It's almost 11 PM. It's dark and silent and it made a way for my thoughts to overpower my will to sleep.

Sa hindi ko maibilang na pagkakataon, muli kong sinalinan ng red wine ang wine glass sa maliit na circular table sa harap ko. Lean is at the hospital, sleeping soundly on the couch of Sir Sebb's room. Habang ako naman ay lumabas muna at bumiyahe rito sa isang private resto bar.

Matiim kong tinitigan ang marahang paggalaw ng pulang likido sa loob ng wine glass habang pilit na kinakalma ang isip ko. Ngunit makalipas ang iilang segundo ay muli na naman akong napahilamos sa mukha at napabuntong-hininga.

Damn. I can't stop thinking about Alizarin.

Muli kong nilagok ang wine hanggang sa maubos ito. Parang may gumuhit na linya sa pagitan ng lalamunan ko. It tasted bitter but not as bitter as the things that the girl might have experienced. Pilit ko mang maiwala siya sa isip ko pero hindi ko magawa. Hindi ko magawang kalimutan ang mga tanong kung anong mga nangyayari sa kaniya. Hindi ko maiwasang hindi isipin ang maaaring kalagayan niya.

I have never known this feeling before towards other girls that I have been with. This feeling of care. It's too much that it brings me scare.

Kinakabahan ako sa bawat segundong naiisip ko siya dahil wala sa ni isang segundong iyon kumalma ang damdamin ko. Masyadong akong nabubulabog. Masyado akong nag-aalala. I feel like I'm close to being insane.

Binunot ko ang litratong matagal-tagal na ring nakatago sa wallet ko. It is the dark and deep-eyed girl with the family portrait on her back. I kept this for a while and waited for the right time to give this to her.

I looked at her number on my phone. Ang numero kung saan aksidente ko siyang naitext dati. May umuusig sa'king tawagan ko siya ngayon o 'di kaya'y i-text. I want to talk to her as who I really am and not as a fake ten-year-old child. I want to check her but who am I in her life anyway?

Tiniklop ko ang wallet ko at nilapag na rin ang cellphone sa mesa. Ngunit laking gulat ko nang biglang may nagsalita mula roon.

"Hello?"

That deep and modulated voice. Parang binuhusan ako ng sangkatutak na yelo sa inuupuan ko.

"Fuck," I silently cursed.

"Phthalo?"

Did I just accidentally hit the call button?!

Hindi ko muna kinuha ang cellphone. Dahan-dahan ko itong sinilip at hindi nga ako nagkakamali sa naisip ko nang marinig ko ang boses na 'yon.

Nanginginig man ang kamay ay pinilit kong kinuha ang telepono.

"A-ah," pagtataranta ko, "sorry, napindot."

Nablangko na ang isip ko at wala na akong pake sa kung magmukha mang tanga ang maisagot ko sa kaniya.

"Gano'n ba?" she asked on the phone.

Hindi ko siya sinagot ngunit nananatili ang telepono sa tainga ko.

"Baba ko na lang," muling mungkahi niya sa kabilang linya.

Muli na naman akong nataranta. Damn. "Wait," pagpigil ko sa pagbaba niya ng telepono. "Ah... I have s-something to give you."

"Ano?"

"I'll tell you when we meet." I quickly said so I won't have second thoughts on not saying it to her.

Mabilis akong umalis mula sa kinauupuan ko. I hung my gray sweater on my shoulder and headed outside of the resto-bar as soon as I could.

Beyond Her AbstractionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon