CHAPTER 22
Burn Against The ColdAlizarin
"Hindi ba't bukas na ang exhibit sa Museo?"
Tahimik kong sinandok ang kanin bago iyon isinubo sa matandang lalaking nasa harap ko. Kaagad niya naman iyong nginuya at nilunok at saka kinuha ang baso ng tubig at uminom mula roon. "Dapat ay inaayos mo na ngayon ang piyesa mo para maikabit na bukas."
Hindi ako sumagot. Kinuha ko mula sa mga kamay niya ang baso at inilatag sa isa pang mesang katabi ng kama at dextrose stand.
"Hindi ka ba sumali?"
I sighed and once again scooped the last bulk of rice on the plate and lifted it before his mouth pero itinagilid niya ang kaniyang ulo para tanggihan ang pagkain.
"Stop taking care of me too much, Alizarin. Imbis na pag-aaral at pagpipinta ang inaatupag mo ay nandirito ka." Mahina ngunit nakawiwindang ang kaniyang diksyon pero hindi iyon sapat para mabago ang direksyon ng isip at damdamin ko.
Bumuntong-hininga na lang ako tumayo para ayusin ang mga pinagkainan niya.
"Hindi rin naman ako magtatagal--"
"Please, Uncle..." I cut him off. I can't stand hearing those kinds of words from him anymore. I closed my eyes firmly as I take a deep breath. "Kaya nga nag-chechemo ka ngayon para... para makasama ka pa namin."
He's now in stage four of pancreatic cancer which also means that cancer has already spread in his liver. He can't teach and he can't paint as of now.
Ang bigat. Ang bigat kasi parang huli na. Parang wala na akong magagawa pa. Sobrang late na rin kasi noong nalaman namin ang kondisyon niya dahil hindi naman agad nagpakita ang mga sintomas ng sakit niya. At ayaw kong aminin. Ayaw kong amining hinihintay na lang namin ang bagay na hindi namin kailanman naisip na mangyayari agad.
"We have to accept, Alizarin."
"You know I can't lose you, Uncle!" Nanginginig ang mga kamay kong binitiwan ang pinggan. Natatakot akong mabasag ko ang mga iyon. "No... we can't lose you."
Alam kong kahit anong oras sa ngayon ay puwedeng siyang mawala and I am not prepared for it. I will never be prepared for it. I hold too much pain in my chest ngayong nandito pa siya. How much more if he'll be totally gone from my sight? I can't imagine living the next days of my life without my uncle. This is too hard to accept.
Minsan ay parang ayaw ko nang magising. Ayaw ko nang harapin pa ang bagong araw at makipagbunuan sa lahat-lahat ng mga negatibong pangyayari sa buhay. Gusto ko na lang matulog nang matulog hanggang sa tuluyan na lang akong mamuhay sa isang panaginip. Oo nga't hindi puro magaganda ang nangyayari sa kalupaan ng panaginip pero doon ay alam kong ang lahat ay pawang ilusyon lamang na puwede kong balewalain.
Dito kasi sa reyalidad, hindi eh. Kung ano mang pangyayari o sitwasyon ay wala akong ibang pagpipilian kundi tanggapin at harapin na lang. Hindi naman kasi ako habang buhay na matutulog lang. Kailangan kong bumangon dahil kailangan kong makita si Uncle at alagaan. Kailangan kong bumangon kasi kailangan kong mag-aral. Kailangan kong bumangon para magpinta dahil sa pagpipinta lang ng abstracts ako walang kinakailangang sundin o kinakailangang labanan.
Sa pagpipinta ng abstracts, hindi na ang mga bagay ang nagkokontrol ng emosyon ko kundi emosyon ko na ang nagkokontrol at sinunsundan ng mga bagay-- ng mga markang pinipinta ko, ng pag-agos ng makukulay na likido, at ng imaheng kalalabasan nito. My art frees me. It makes me breathe like nothing in this world can make me feel.
May mga naipinta akong piyesa nitong mga nakaraang linggo ngunit wala akong balak na isali sila sa exhibit sa Museo bukas. Wala na akong oras para sa gano'n at wala rin ako sa tamang pag-iisip para mag-asikaso ng mga bagay-bagay.
BINABASA MO ANG
Beyond Her Abstraction
RomanceHe was never a fan of an abstract art. He finds it too difficult and complicated. He prefers arts which are aesthetic and explicit. Iyong mga likhang sa unang tingin pa lang ay mabubusog na ang iyong mata at mamahalin mo na. But not all arts are lik...