Chapter 3

80 3 3
                                    

CHAPTER 3
No Need

Phthalo

"Kumusta?" agap na tanong ni Lean the moment I entered his car. We're heading to the hall. Maybe he noticed that I don't seem to be alive early this morning. Matamlay at mabagal ang paggalaw ko.

I'm wearing a black-fitted shirt and ripped maong jeans. I looked at my silver watch to check if we are going late.

It's 7:30 in the morning. Apat na oras lang yata ang tulog ko. Damn.

Inayos ko ang seat belt at tumingin sa side mirror ng sasakyan.

"Puyat," matiim kong tugon sa sinabi niya habang inaayos ang buhok sa harap ng salamin. I also checked if I have visible pimples on my face. Inumaga na kasi ng tulog which don't usually happen.

I just couldn't stop thinking about the frustration and humiliation I had last day. Frustration because of that freakin' abstract artist na ang hirap kausap and humiliation because of that disagreement na kumalat sa organization. I received lots of messages about it last night. Nakakaumay.

"Ano bang pinag-iisip mo at kinulang ka sa tulog?" Umaandar na naman ang pagka-tsismoso ng kasama ko ngayon.

At bakit ko naman sasabihin sa kaniya ang dahilan ko? I will look heavily affected by that small and unimportant matter. That would look weird.

"Random things," tinatamad kong sagot.

"Like Alizarin?"

I glared at him.

"I don't know what you're talking about," depensa ko. Halos dumikit na sa isa't isa ang mga kilay ko. "There's nothing to think about her."

Malakas siyang tumawa at mahinang hinampas ang manibela.

Nawala sa kaniya ang atensyon ko nang tumunog ang cellphone ko sa loob ng bulsa ko.

Sender:

Come over here. I would suggest something again.

Kumunot ang noo ko habang binabasa ang mensahe galing sa unknown sender.

Sino ba 'to? Hindi man lang siya nagpakilala.

Nagtipa ako ng mga salita.

Me: Wrong send.

Bago ko pa man masend iyon ay muling matinid na tumunog ang cellphone ko.

Sender:

It's Alizarin, by the way.

Mabilis kong binura ang mga salitang sana ay ipadadala ko na.

"Magkatext na kayo? Tangina. Bilis mo naman, pre. Parang kahapon lang kayo nagkasagutan!"

Huli na nang nakita kong nakasilip pala ang katabi ko sa cellphone ko. Naka-focus siya sa pagmamaneho pero nagawa niya pa ring makasulyap.

Halos maibato ko 'yon sa kaniya. Agad naman siyang nagkunwaring umiwas.

"Chill lang, bro. Pangalan lang naman nakita ko. Hindi buong conversation ninyo." Malapad siyang ngumisi. "Kaya pala puyat ka kagabi, ha," nanunuksong pahayag niya.

"It's not like what you think," inis kong saad.

"If you say so," he said.

Bumaba kaming dalawa sa sasakyan. I gripped the strap of my backpack at sinuot sa kanan kong braso. Lean walked straight towards the entrance.

Pagdating namin sa loob ay ang pigura agad ng babae ang nakita ko. Nakita ko rin si Mauve na nakasuot ng glasses sa harap ng babae. Magkausap silang dalawa.

Beyond Her AbstractionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon