Chapter 1

121 5 0
                                    

CHAPTER 1
Sa Litrato

Alizarin

Sa bawat kumpas ng aking kamay, libo-libong istorya ang nabubuo. Mga istoryang hindi ko alam kung tungkol sa ano at kung saan patungo.

Without a vivid destination, I just let the paint flow on the clean canvas from the tip of my nylon brush. I just let the flow decide the images. I just let the flow create something that I and the people would come to see.

The finished piece of art could look dark, enticing, jolly, mysterious, sad, or painful but it is not for me to decide. The painting itself has a million stories and emotions and I let the people decide which story it is and which emotion it has. It is the task of the people to unveil what lies beyond those thick paints. It is they who interpret the art. It is they who tell the stories in accordance with their perceptions.

I think that's the beauty of the art that I do. It's meaningful but only to the eyes of people who try to understand and seek its underlying concept. You won't appreciate it unless you take some effort.

I find it interesting and I enjoyed it. That is the reason why I ended up as an abstract artist.

Ngunit sa loob ng maikling panahon, nagdesisyon akong isantabi muna ang mga pinta, brush at iba pang gamit. Using other medium, I finally decided to do the piece that I could not do in my eight years as an artist.

Hinipan ko nang marahan ang mga nag-iitimang pulbong kumakalat sa aking canvas. Dinampot ko ang matulis na lapis na gawa sa charcoal at naglapat ng mga linya sa piyesang nakaharap sa akin.

"Kumusta, Rin? Malapit nang matapos, ah?"

Si Hasa, pinsan ko at kasama sa apartment na tinutuluyan namin dito sa lungsod.

Nilebel niya ang kaniyang mukha sa canvas at matiim na tinitigan ang mga maliliit na detalye rito. Ang dalawa niyang kamay ay nakasiklop sa kaniyang likuran.

Sinandal ko ang aking likod sa upuan dahil nakaramdam na ako ng pangangawit. Ibinaba ko ang lapis at hinilot ang nangangalay kong balikat.

"Ang ganda talaga, Rin. Hindi ko aakalaing magagawa mo 'to gamit ang tatlong magkaibang litrato. Grabe," sabi ni Hasa at mukhang bilib na bilib sa guhit na namamalagi sa canvas.

"Gutom na'ko, Has. Baka may pagkain doon sa ref?" pagbabalewala ko sa papuri niya. Uunahin ko pa bang isipin ang maisasagot ko roon gayong kumakalam na ang sikmura ko?

"Ay teka!" bulyaw niya at kumaripas ng takbo mula rito sa maliit na kuwarto na nagsisilbi kong studio papunta sa kusina. "Wala pa palang naibibigay na allowance si Uncle Sebb! Ubos na pagkain natin dito. Bili lang ako, ha? Tapusin mo na 'yan!" pamamaalam niya habang sinisipat ang tsinelas na gagamitin niya sa labas.

Napapikit ako ng mata at nagbuntong-hininga. Sa pagmulat ko ay dumapo ang aking paningin sa tatlong larawan na nakalatag malapit sa easel kung saan nakatayo ang canvas.

"Sigurado ka ba d'yan, Alizarin?" Hindi makapaniwalang tanong ni Uncle Sebb nang sabihin ko sa kaniya ang pinaplano kong gawin.

Si Uncle Sebb ay isang professor sa state university dito sa Iloilo at artist na gumagawa ng mga portrait paintings at drawings. Isa rin siya sa namamahala sa organisasyon ng mga pintor at mangguguhit ng portrait dito sa lungsod, ang Artfacade. Ayon sa narinig ko ay maglulunsad sila ng isang artists' convention at exhibit ng mga portrait paintings and drawings sa mga darating na susunod na linggo.

"Opo, Uncle. Matagal ko na rin po 'tong pinaplano. Ngayon lang ako naglakas loob," paliwanag ko.

Naglabas ng buntong-hininga si Uncle. Nakita ko ang pagsuko sa kaniyang ekspresyon. Parang kanina kasi ay hindi siya kumbisido sa inaalok ko.

Beyond Her AbstractionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon