5

228 83 127
                                    

"Paano ka makakapag palit?" nagaalalang tanong ni Ellie sa akin.

"Wag na magpalit, tara na" nagaalangan pa siyang tumango sa akin.

"I have a perfume on my bag, don't worry" mukha kasi niyang iniisip yung sasabihin ng mga kaklase o ng mga taong dadaanan namin.

"Amica, don't offense okay?" tinignan ko siya habang nakasandal sa sink.

"Ang baho mo kasi" naiilang na sambit niya.

Inamoy ko naman ang blouse ko at totoo ngang ang baho ko. Yawa.

"Uuwi na lang ako, pumasok ka na" sambit ko. Hindi ko na siya hinintay magsalita at lumabas na ako.

May iilang tao pa rin dito kahit may klase na.

"Hi, ito t-shirt suotin mo muna" sambit ng lalaki sa likod ko maya maya. Ang tagal naman kasi ni Ellie, jusko.

"H-ha?" nautal na sambit ko habang nakatingin sa t-shirt na hawak niya.

"Ito t-shirt suotin mo muna" paguulit niya habang nakapoker face.

"Hindi na, uuwi na lang ako" nakangiting sambit ko.

Nakita kong nagbago ang itsura niya kaya hinablot ko na agad yung t-shirt.

"Salamat" nahihiyang sambit ko habang hawak sa likod ko yung t-shirt.

"I'm Acel Jaiden Chaz" pagpapakilala niya.

"Amica" sambit ko at nakipag shake hands sa kanya.

"Amica" tawag ni Ellie sa akin kaya bumitaw ako kay Acel para tumingin sa kanya.

"Sino siya?" tanong niya pagkalapit sa amin.

"Acel Jaiden Chaz" nakangiting pagpapakilala niya kay Ellie. Ngumiti din sa kanya si Ellie at nakipag shake hands.

"And you?" nakangiti pa ding sambit niya.

Bakit sa akin hindi nakangiti nung nagpakilala pero kay Ellie nakangiti? Luh?

"Ellie Grace Wright" pagpapakilala din ni Ellie habang nakangiti.

"Nice to meet you, Ellie" sambit ni Acel.

"Magpapalit lang ako" sambit ko at pumasok sa cr. Binilisan ko ang pagpapalit.

"Ellie let's go, habol tayo" sambit ko pagkalabas. Naguusap sila ni Acel.

"Uwian na" sambit ni Acel sa akin habang naka poker face.

"E?" sabay na sambit namin ni Ellie. Pinakita niya ang oras sa amin kaya nasapo ko ang sarili kong noo.

1 o'clock.

"Yung gamit natin" sambit ni Ellie.

"Alis na kami" sambit namin kay Acel. Tumango lang siya sa amin kaya tumakbo na kami.

"Gwapo si Acel ano?" nakangiting sambit ni Ellie habang tumatakbo kami.

"Oo kaso naka poker face lang habang kausap ako. Akala mo may galit sa akin na kausap o sa mundo" sagot ko. Nasa first floor na kami.

"Sa akin hindi. Nakangiti lang siya" mukhang kinikilig si Ellie dahil kahit tumatakbo kami nililingon ko siya. Namumula yung pisngi.

Hindi na ako sumagot. Nagpatuloy lang kami sa pagtakbo. Hingal na hingal kami pagkarating sa room.

May tatlo pang tao sa loob kaya pumasok na kami. Kailangan ko umuwi ng maaga dahil mag lilinis pa ako ng bahay.

"Buti naman nakarating na kayo" masungit na bungad ng babae sa harap.

ENEMY | ✓Where stories live. Discover now