May pasok ngayon kaya maaga ako nagising. Ako na lang mag isa ngayon dito sa bahay dahil maagang namili ng pagkain sila Manang. Yung iba naman ay umuwi sa mga pamilya nila. Hindi ko alam kung hanggang kailan sila don, basta umalis sila.Nag text sa akin si ate kanina na maaga siyang aalis dahil may pupuntahan siya. Alam ko namang sa bahay lang ni Benedict yun kaya hindi na ako nag reply pa.
Uuwi ngayon sila kuya kasama ang asawa't anak niya. Sila daddy din ay uuwi ngayon. Siguro para sa nalalapit na kasal ng pangalawa nilang anak. Baby girl nila kaya dapat ay enggrande yung kasal.
Nung 18th birthday nga ni ate ay enggrande, ito pa kayang kasal na. Hindi naman sila papayag na simple lang yun, kailangan mas maganda pa sa kasal nila Marian Rivera at Dingdong Dantes. Hindi magpapatalo.
Pumasok na ako sa banyo at naligo. Wala si Manong ngayon kaya magta-taxi na lang ako pupuntang school. Wala naman kaming ibang driver kundi yung asawa lang ni Manang Gelle, na si Manong Anton.
Binilisan ko ang pagkilos ko dahil mahirap makahanap ng taxi, kailangan pang lumabas ng village. Mahirap kasi makapasok ang mga taxi o mga pedicab dito.
Nung hindi pa sila mommy ang president ay pwede pang pumasok ang kahit anong sasakyan o kahit sinong tao na hindi taga rito, hindi mismo nakatira. Pero nung sila na ay pinagbawal nila.
Dahil hindi rin namin alam kung mabubuti o masasamang tao sila. Nalooban kasi yung katapat naming bahay. Isa pa naman yun sa officer ng village, secretary siya ng village.
Kasambahay at siya lang kasi ang nakatira don. Nasa abroad ang mga anak kasama ang tatay nila na Americano. Dalawang lalaki at dalawang babae ang kanyang mga anak. Halos lahat ay kamukha ng tatay.
Buti na nga lang ay hindi nag mana sa kanya. Ubod ng sungit, akala mo'y pinaglihi sa sama ng loob at maasim na mangga. Laging nakakunot ang noo. Asim na asim agad kay aga aga.
Matanda na rin kasi kaya ganito ang ugali, lalo na yung mukha. Halos lahat ng mga anak ay maarte, lalo na yung dalawang babae.
"Ginagawa niyo rito?" tanong ko pagkababa ng makita sila Karter, Bevin at ang kuya ni Benedict na si Quinton. Walang sumagot sa kanila. "Wala rito si ate at si Benedict, kaya pwede na kayo umalis" nakangiting saad ko.
"Hindi siya ang pinunta namin dito, kundi ikaw" si Karter ang nagsalita. Tumayo siya at lumapit sa akin.
"Ang utos ni Benedict at Anaiah sa amin ay ihatid ka ng maayos sa school" si Bevin ang nagsalita.
Mukha ba akong bata na hindi marunong pumasok mag isa sa school? What the heck. Nasa junior high na ako kaya, kaya ko na ang sarili ko.
"Kaya ko ang sarili ko. Hindi ko kayo kailangan" yun lang ang sinagot ko at dumeretsyo sa kusina para kumuha ng yakult.
Hindi ko alam kung susunod sila o hindi basta pumunta na lang ako ng kusina.
Wala akong ganang kumain ngayon. Para ngang hindi pa bumababa yung kinain ko simula kahapon dahil sa mga narinig ko, sa nalaman ko.
"Napaka tigas ng ulo mo. Flat chested at payat ka na nga tapos matigas pa ulo mo. Grabe yung binigay sayo ng may kapal" si Karter pa rin.
Nakakailan na 'to ngayong araw sa pang aasar. Wala ako sa mood para makipag asaran sa pangit na 'to.
"Grabe rin yung binigay sayo, kapangitan. Umalis na lang kayo, 'pag ako nainis sisigaw ako ng magnanakaw dito" pananakot ko pero walang gumalaw kahit isa sa kanila.
"Kilala ako ng mga officer at ng guard dito" si Quinton na ang sumagot.
"Bakit dati ka bang akyat bahay dito kaya kilala ka na nila?"
YOU ARE READING
ENEMY | ✓
Roman pour AdolescentsAmica Villarreal, the only nerd in their house. The simple, humble, smart, kind, approachable and beautiful woman in the earth. A k-pop fangirl. But during the seven years he lived on earth, he felt that his parents treated him differently. A woman...