12

182 62 58
                                    

R18 slight

*******

Benedict's Point of View......

"Pre mukhang iba na tama sayo nung babae na yun ha?" sambit ni Karter, kaibigan ko.

Limang buwan na ang lumipas simula ng pag tripan ko siya. Gusto ko lagi nambubully ng bago. Tawag nila ay transferee.

Bago sa paningin ko si Amica nung unang kita ko sa kanya. Maganda siyang nerd hindi kagaya ng ibang nerd na napagtripan ko.

Maganda siya kahit naka salamin. Payat ding babae.

"Si Gillian ang gusto ko" deretsyong sambit ko. Nandito kami sa bahay nag iinuman.

Wala naman si daddy nasa ibang pamilya niya. Patay na si mommy, 4 years na ang nakalipas. Cancer ang kinamatay niya, stage 3.

Wala naman akong kapatid sa mommy ko. Sa bagong pamilya ni daddy meron, tatlo. Isang lalaki at dalawang babae.

Minsan lang naman ako dalawin dito kapag gusto niya lang. Nilalagyan niya naman yung bank account ko kaya walang problema.

Maliliit pa naman yung tatlo. Yung panganay nasa 20. Yung pangalawa nasa 8 at yung bunso nasa 4. Mga bata pa.

Mga kapatid ni kuya Quinton. Kaya ayaw na ayaw ko sa kanya dahil anak lang naman siya sa labas pero pinapakelaman ako sa mga bagay na gusto ko.

May condo na din naman siyang inuuwian. Mukhang galing din sa pera ni daddy. Kahit sino naman binibigyan nun ng pera. Kahit hindi niya kilala.

Nakikita ko naman yung dalawa kapag dadalhin ni daddy dito sa bahay ko. Pero minsan lang. Ayaw kong nakikita yung bagong asawa ni daddy.

Nakakaasar yung pagmumukha. Masyadong maarte sa katawan. Buhay pa si mommy ng mag landian sila. She's my ex maid.

Maid namin yung asawa ngayon ni daddy dati. Maharot na babae kaya napatulan ng tatay kong babaero. Nasa apat o lima ang asawa ni daddy.

Kaya marami din akong kapatid sa labas. Itong huli lang ang kilala ko. Wala naman akong pake sa iba. Hindi naman nagpapakita. Hindi rin naman pinakilala ni daddy sa akin. Wala rin naman ako balak alamin pa.

Gillian Jane Castellan ang babaeng nililigawan ko ng isang taon. Ayaw niya pa akong sagutin pero gusto niya lagi niya akong kasama.

Ayaw niyang may lumapit sa aking ibang babae kaya inaaway niya. Akala niya ata hindi ko nalalaman.

Kilala ko rin naman ang pamilyang Castellan dahil may share sila sa school kung saan pamilya ko ang nagpatayo. Kaya parehas naming ginagawa yung kahit anong gugustuhin namin.

Dahil hindi naman kami papaalisin. Baka sila pa yung mapaalis at hindi kami.

"Sure ka bang ikaw lang din ang gusto ni Gillian?" natatawang sambit ni Bevin. At may kinakalkal sa cellphone niya.

Ang lalaking babaero at basagulero pero masipag mag aral. Takot bumagsak. Kaya kapag nag cu-cutting kami kumukuha siya ng special project para hindi siya bumagsak.

Hindi naman ako natatakot bumagsak. Kaya ko naman bayaran yung mga guro o ang Dean para taasan ang grado ko kahit wala akong ginagawa sa klase nila.

"Tignan mo" sambit niya ng mahanap yung gusto niyang ipakita sa akin. Agad ko namang hinablot yung iPhone 11 niya.

Nasa picture si Gillian at may kasamang lalaki. Nakapatong siya sa taong yun at naghahalikan.

"Saan mo ito nakuha?" sambit ko ng hindi tumitingin sa kanya. Naghanap pa ako ng iba at may nakita akong video.

ENEMY | ✓Where stories live. Discover now