"Are you okay?" nag aalalang tanong ni ate.
"Yes" sagot ko. Kanina pa siya nandito sa kwarto ko.
Alam kong may gala silang magkaibigan ngayon dahil araw ng linggo. Lagi naman nilang ginagawa ang pag gagala sa kung saang saang lugar.
"I'm sorry, sana hindi ko na lang ginawa yung kagabi napahamak ka pa"
"Okay lang ako. Hindi pa naman ako namatay. H'wag kang excited"
"Hindi ko sinabing namatay ka, h'wag kang shunga. Ang sinabi ko napahamak. Magkaiba yung namatay sa napahamak, balik kita sa tiyan ng nanay mo tamo"
"Hindi mo nanay?" lumapit siya sa akin at hinampas ako sa hita. Natawa na lang ako.
May sweet side rin pala si ate kapag may kasalanan siya. Kapag walang kasalanan may 'pag ka demonyita.
Nag paalam siyang bumaba para kumuha ng makakain. Buti nga nag stay siya ng ilang oras dito sa kwarto ko kahit puro mukha ng kpop yung background.
Hate na hate niya ang kpop. Gusto niya mga tugtugan ng mga Pinoy artist. Mas gusto niya rin naman yung International, 'wag lang kpop.
"Oh kumain ka na" sambit niya 'pag karating. Kanina ko pa iniisip kung sino yung tumulong sa akin kagabi.
Imposible naman si ate dahil lasing na siya kagabi. Baka 'pag siya yung nagligtas eh siya yung mas unang sagipin kaysa sa akin.
"Sino yung tumulong sa akin?" tanong ko maya maya. Nanood lang si ate sa tv ko na minsan ko lang gamitin.
"Si Ax---" naputol ang sasabihin ni ate ng bumukas yung pinto.
"Me" masayang sigaw ni Axer, my boy best friend.
"Ikaw?"
"Yes"
"Kailan ka pa bumalik? Ang sabi mo 'pag babalik ka itetext mo'ko!"
Lagi niya kasing sinasabi sa akin kapag may pupuntahan siya. Para niya akong nakakatandang kapatid kapag nagsasabi siya o may kaaway kahit siya naman yung mas matanda sa akin. Tatlo lang agwat namin.
Last year kami huling nagkita dahil nagpunta siya ng Thailand, for vacation. Kasama niya buong pamilya niya. Lima silang magkapatid, pang-apat siya, puro lalaki.
Yung bunso nila nasa 10 or 11 pa lang ng umalis dito. Matangkad rin kahit bata pa. Nasa lahi na ata nila. Matangkad rin naman sila tito.
"Gusto kitang surpresahin eh. Anong magagawa mo" kinuha ang upuan sa closet area ko at umupo sa gilid.
"Labas muna ako. Tawagin niyo 'ko o yung mga maid kapag may kailangan kayo" tinanguan namin siya. Nang makalabas si ate agad kong hinampas sa braso si Axer.
Axer Fern Stevinna, ang nagiisang lalaking nambubwisit sa akin kapag kasama ko. Siya lang din naman ang boy best friend ko.
Kung pwede nga lang siya palitan ginawa ko na kaso hindi pwede. Nabiro ko nga ito nung paalis siya na may nahanap na akong kapalit niya dahil taon siyang wala dito sa Pilipinas.
Ito namang kumag na ito ayaw ng umalis dahil sa sinabi ko. Kaya ang ending sinabi ko ng prank dahil tinignan na ako ng masama ng nanay niya. Attitude si tita eh.
"Kaso baligtad ako yung nasurpresa mo" ngumuso siya kaya tinapik ko yun. Ang pangit niya kasi kapag nakanguso. Parang pato na natalo.
"Kasalanan ko ba yung nangyari?" hinampas ko siya ulit.
Yari ka sa akin Benedict, makikita mo ang bangis ng isang Amica Villarreal!
YOU ARE READING
ENEMY | ✓
Teen FictionAmica Villarreal, the only nerd in their house. The simple, humble, smart, kind, approachable and beautiful woman in the earth. A k-pop fangirl. But during the seven years he lived on earth, he felt that his parents treated him differently. A woman...