20

214 52 9
                                    

"Potang*na"

Napatakip na lang ako sa bibig ko ng nakitang lumuhod sa akin si Benedict, luhod na parang magaabot ng singsing. Parang magaalok na ng kasal.

I do

"Ginagawa mo?" nagugulat ko pa ring tanong sa kanya. Wala akong tugon na natanggap sa kanya.

Ano lahat ng sinabi ko ng gabing umamin sa akin si ate na ikakasal siya sa taong 'to, makakain ko? Parang nalunok ko lahat ng sinabi ko.

Hindi talaga 'to para kay ate o para kay Benedict, para sa akin? Wala akong alam, kahit isang detalye wala.

Walang about sa pera? Walang pamimilit? Walang bentahan ng anak kapalit ang pera?

Gulong gulo na ako. Hindi ko alam kung kanino ako maniniwala, kung maniniwala pa nga ba ako sa kanila. Trust issues?

Akala ko ay may perang involved dito. Akala ko ay binenta nila daddy si ate na parang hayop. Lahat ng akala ko ay hindi totoo. Maling akala.

Nilingon ko ang lahat, halos lahat ng mga may isip ay nakatingin sa amin. Sa ganitong pwesto. Ang mga bata ay naglalaro sa may gilid. Nakatulog na rin si Aleia dahil sa pagod.

May ibang kinikilig at natutuwa, pero ako 'tong t@nga na hindi makapaniwala sa nangyayari. Akin ba 'to? Akin nga ba talaga 'to?

Kung para sa akin talaga ito. Sana bago niya o nila ito pinlano ay sana manlang nanligaw muna siya sa akin o sa mga magulang ko.

Kahit 'wag na kay ate baka si ate pa ang sumagot, edi naging sila pa. Magkakaroon pa ako ng kahati, kapag nangyari 'yon.

Mas lalong 'wag na kay kuya. Baka wala pang nangyayari ay nasapak na siya. Nakauwi pa siya ng 'di oras.

Madamot ako kapag alam kong akin, akin. Walang pwedeng umagaw. Madamot na kung madamot.

Mag 18th pa lang ako. Hindi ko pa nga naiisip kung magiging excited pa ba ako. Dahil mukha namang walang balak ang pamilya ko. A teen no more.

Ngayon pa nga lang ay hindi ko na nararamdaman na masaya ako. Bukas pa kaya.

Hindi ako 'yong tipo ng anak na gusto ng enggrandeng debut. Gusto ko lang ang simple. Magkakasama kaming buong pamilya, kompleto kami.

Sa handa naman ay gusto ko lang ay pizza, shanghai, chicken joy at spaghetti. Kahit ayan lang ay masaya na ako.

Hindi ko naman ang gusto ang maraming handa dahil baka masira at mapanis lang. Wala naman akong kaibigan na pupunta. I don't have friend.

Me and Ellie is now a stranger. Hindi na kami nakapag usap, simula nung mangyari 'yon. Hindi man lang kami tumagal ng isang buwan.

Feeling ko tuloy ay walang tatagal sa akin dahil sa ganitong nangyayari sa buhay ko. Hindi ko naman gustong maranasan niya 'yong naranasan ko.

Kahit sino naman ay hindi gugustuhing maging kaibigan ako.

Hindi pa ako handa sa maagang pagpapakasal. Hindi pa ako naka senior high at mas lalong hindi pa ako nagco- college. Hindi pa ako nakakahanap ng trabaho.

Magga-graduate pa lang ako, this year. Malapit na matapos ang school year na 'to sa amin.

Hindi pa ako ready sa pagaasawa, lalo na't hindi kami dumaan sa prosesong ligawan at pagiging magkasintahan. Maging m.u nga wala.

Gusto ko kapag pumasok ako sa isang relasyon ay may hanap buhay na kaming parehas ng partner ko. May bahay at lupa, kung maaari ay may kotse kami parehas. Parehas kaming may sariling sahod.

ENEMY | ✓Where stories live. Discover now