"Ginagawa niyo rito?" yun lang ang tanging lumabas sa bibig ko dahil sa mga nakikita kong tao dito.Maaga pa lang pero yung mga suotan nila, kabog na. Hiyang hiya yung suot kong uniform dahil sa kanila.
Sana ay sinabihan na lang nila ako na may ganito pa lang event, edi sana nakapag ayos ako. Sana katulad ko rin yung mga suotan nila ngayon.
Nandito ang magulang ko, si daddy at si mommy pero wala si ate't kuya. May kasama rin silang isang lalaki, asawa niya ata yung babae at dalawang bata.
"Kuya Quinton" sigaw ng bata kaya nilingon ko si Quinton. Kumaway ito sa bata, kapatid niya?
"Anong meron?" tanong ko sa kanila maya maya pero nag kibit balikat lang sila sa akin.
Alam ko ng may plano sila pero gusto ko pa rin magtanong. I'm curious.
Buti na lang ay hindi oil ngayon ang mukha ko. Ang suot ko ngayon ay uniform, salamin at naglagay din ako ng kunting make up na tama lang sa kulay ko.
Yung hindi mahahalata ng kahit sinong lalapit sa akin, kung meron man. Hindi rin naman bagay sa akin ang mga make up.
Hindi naman nila ako sinasama 'pag may ganitong ganap sa buhay nila kaya imposible talaga 'tong nakikita ko ngayon.
Anong nakain nila at kailangan pang idamay yung tatlong mokong para sundin at bwicitin ako sa bahay.
"Mommy... daddy...." sambit ko at nag mano sa kanila. Ngumiti rin ako sa pamilyang katabi nila. Ngumiti rin SILA sa akin. "Hello po" magalang na bati ko dahil first time ko lang sila makita.
Pero yung matandang lalaki ay familiar sa akin. Kahawig din siya ni Benedict, ibig sabihin tatay niya 'tong kaharap ko at 'yong kasama niyang babae ay yung maid niya dati na naging step mom niya na ngayon.
Kaya pala tinawag ng dalawang bata si Quinton kanina. Kamukha ni Quinton yung batang babae at medyo kahawig naman ni Benedict yung batang lalaki.
Hindi nagkakalayo mga mukha nila, parang iisa lang ang nanay na pinanggalingan.
"Kay gandang bata" napatingon ako sa likod dahil sa sinabi niya pero walang tao naman sa likod ko.
Imposible naman si mommy ang sabihan niya eh, baka masapak pa siya ni daddy dito.
"Oo nga, honey bagay na bagay sa anak mo" nakangiting sambit ng ginang habang nakatingin sa akin. Nakakailang man ay ngumiti na lang ako sa kanila.
"Maganda talaga ang mga anak ko. Mana sa akin eh" sambit niya habang hawak ang bewang ko.
"Magkalayo ang itsura ni Anaiah at nitong si Amica" sambit ng ginang habang hawak ang kamay ng dalawang bata.
"Mana si Anaiah sa daddy niya. Yung panganay ko ay nagmana sa akin. Itong si Amica ay pinaghalo sa aming mag asawa" nakangiting sambit ni mommy.
"Oh siya, maupo na tayo. I rent this restaurant kaya kahit saan p'wede umupo" sambit ng matandang lalaki.
"Oh, Amica. D'yan ka sa gilid at dito kaming apat dahil may importante kaming paguusapan" sambit ni daddy kaya umupo ako sa tinuro niyang lamesa.
Nasa kabilang table ako, mag isa. Si daddy, mommy at yung mag asawa ay nasa harap, naguusap. Yung dalawang bata ay kasama na nila Quinton, naglalaro sa iPad nila. Yung tatlong lalaki naman ay naguusap.
Kaya kinuha ko na lang ang cellphone ko. May nareceive akong text na kanina pa pala nag text. Unknown number, hindi nakalagay sa contact ko.
From: 0912*******
How are you? Can't wait to see you later. I love you.
"Pinagsasabi nito?" yon lang ang tanging lumabas sa bibig ko bago mag type ng isasagot sa kanya.
YOU ARE READING
ENEMY | ✓
Teen FictionAmica Villarreal, the only nerd in their house. The simple, humble, smart, kind, approachable and beautiful woman in the earth. A k-pop fangirl. But during the seven years he lived on earth, he felt that his parents treated him differently. A woman...