Anaiah's Point of View.....
"I love you, love" nandito kami ngayon ni Axer sa park. Anniversary namin ngayon.
Kaibigan niya ang kapatid ko. Kaya thanks a lot for my sister. Kung hindi dahil sa kanya hindi ko makikilala si Axer.
Sobrang bait ni Axer kahit hindi niya kilala ay binibigyan niya ng pagkain. Lalo na kapag may bata siyang nakikita. Binibigyan niya ng lollipop or candies.
"I love you too, love" sambit niya maya maya. Kanina ko pa napapansin na malalim ang kanyang iniisip.
Kanina pa ako usap ng usap pero ang iiksi ng sagot na natatanggap ko sa kanya.
"May problema ba? Pwede mong ishare sa akin. Naging girlfriend mo pa ako kung hindi mo ako sasabihin ng problema mo. Problema mo ay problema ko na din" nakangiti kong sabi habang hawak ang kamay niya.
Gustong gusto ko ang paghahawak ko ng kamay sa kanya. Malambot ang kamay niya.
Si Axer yung tipo ng lalaki na maginoo. May respeto sa kapwa lalo na kapag babae ang kaharap. May respeto sa nakakatanda. May respeto sa magulang ko at magulang niya.
"Ilang araw ko na itong iniisip, Anaiah" kinakabahan ako sa sasabihin niya. Aalis na naman ba siya? Iiwan na naman niya ako dito?
"Ano ba yung gumugulo sa isip mo?"
"Tapusin na natin ito"
"Yung ano?" naiiyak na sambit ko. Kahit alam ko naman ang totoo.
"Itong relasyon natin" sambit niya at tumayo. Tinignan ko lang siya habang nakatingin siya sa akin. Kahit masilaw ay gusto kong makita siya.
"Hindi sabihin mo nagbibiro ka. Pwede mo ng sabihin na prank lang. Sabihin mo please" I begged.
Lagi niyang ginagawa ang pagbibiro. Ang pag paprank sa akin. Hindi naman siya YouTuber pero ginagawa niya yun kahit walang video. Kahit walang camera.
"Please" sambit ko at niyakap ang hita niya pero agad niya namang hinila.
"Hindi ito prank, Anaiah. Totoo itong sinasabi ko. Gusto ko ng makipag hiwalay sayo"
Sa huling sinabi niya ako mas lalong nasaktan. Gusto na nga niya talaga makipag hiwalay.
"Hindi lang ikaw mag dedesisyon, Axer. Ako rin! Hindi lang ikaw! Parehas tayong mag dedesisyon. Ang desisyon ko hindi! Hindi tayo maghihiwalay. Aayusin natin ito sa ayaw at sa gusto mo"
Wala na akong pake kung pagtinginan kami ng mga tao dito. Ayaw kong mawala sa akin si Axer. Ayaw ko.
"Nakapag desisyon na ako, Anaiah. I breaking up with you"
"No... please.... No....." paulit ulit na sambit ko.
"I'm breaking up with you, Anaiah" sambit niya at iniwan ako.
******
Nagtitimpi akong nakatingin kay Axer ngayon na nakaupo sa harap ko. Nakakaasar yung palitan namin ng salita na hindi matapos tapos.
Hindi na ikaw yung Axer na kilala ko dati.
"Hindi ako aalis" pagpapatuloy niya pa.
"Edi don't. Jan ka hangga't gusto mo" sambit ko at pumunta sa sofa. Nakita kong nakatingin lang si Amica sa akin.
YOU ARE READING
ENEMY | ✓
Novela JuvenilAmica Villarreal, the only nerd in their house. The simple, humble, smart, kind, approachable and beautiful woman in the earth. A k-pop fangirl. But during the seven years he lived on earth, he felt that his parents treated him differently. A woman...