"Gumising ka na" boses ni ate. Kinusot ko ang mata ko at tinignan siya. Naka school uniform na.
"Ate wait, hintayin mo'ko maliligo lang ako" aalis na kasi siya agad.
Mukhang hindi talaga ako hihintayin dahil nagtuloy tuloy lang siya papasok sa bahay.
"Amica" pagtatawag ni kuya sa akin ng makita ako.
May dala siyang tray na may mga nakapatong na plato at baso na may mga laman.
"Papasok ako" pagpupumilit ko ng hawakan niya ako sa braso.
"Kumain ka muna. Ihahatid na lang kita sa school niyo" umiling ako sa kanya. Tinanggal ko ang kamay niya sa braso ko at umakyat na sa taas.
Hindi ko na siya nilingon kahit tinatawag niya ako. Wala akong gana kausapin sila dahil sa nangyari kagabi.
Hindi masama loob ko sa kanila. May tampo, oo pero galit wala. Iba yung galit sa tampo.
Kasalanan ko naman talaga yung nangyari kagabi. Nag sinungaling lang si kuya kay mommy at sumabat itong pinaka magaling kong ate.
Ewan ko kay ate kung kakampi ko ba siya or hindi. Mukha namang oo. Mukha ding hindi. Naka depende ata kapag may kailangan siya sa akin o wala.
Pagkapasok ko sa kwarto ko ay dumeretsyo agad ako sa banyo. Kailangan kong makapasok sa first sub ko ngayon.
Kahit kunti na lang maabutan ko sa lesson, ayos lang. Basta lang makapasok ako.
Binilisan ko ang pagaayos sa sarili at bumaba na. Nakita ko si kuya na naghihintay sa sala. Tumayo siya ng makita ako.
"Kumain ka muna" sambit niya ng makalapit ako sa kanya.
"Hindi na, sa school na lang ako kakain. Malalate na ako lalayo, kuya" sambit ko. Bumuga siya ng pagkalalim lalim. Akala mo'y may nasabi akong hindi maganda.
Panay ang tingin ko sa wall clock namin dahil 7:30 am na. Matraffic na ngayong oras sa daan.
Mukha namang hindi na ako hinintay ni ate dahil wala na yung sasakyan niya sa garahe.
"Let's go" sambit niya ng makasakay kaming dalawa sa sasakyan niya.
Tumango ako at panay ang tingin sa cellphone ko ng oras.
"Kuya" pagtatawag ko sa kanya dahil traffic. 7:50 am na rin mukhang late na talaga ako sa first sub namin.
"Hmmmm" tinignan niya lang ako sa rear view mirror ng sasakyan.
"Is mommy still mad at me?" Hindi ko kasi makita sila mommy sa bahay kanina. Mukhang umalis or nasa kwarto lang nila.
Ganun naman lagi e. Mas gusto nila umalis o nasa kwarto lang nila kaysa kasama ako.
Ayaw nga nila ako kasama ng matagal. Makausap pa kaya ng matagal.
"I don't know. May pupuntahan daw sila ngayong dalawa. Gusto pa nga ako isama ni daddy." pagkukwento niya na.
"Paano nalaman ni ate na nasa garden ako?" Alam ko naman yung sagot pero gusto kong malaman mismo sa bibig ni kuya.
Hindi naman kasi mahirap maghanap ng tao o bagay sa bahay. Hindi naman kalakihan para sa akin yung bahay.
Siguro dahil dito na ako lumaki at sa ulo ko na yung bawat sulok ng bahay.
Kahit para sa iba malaki yung bahay. Kahit sa mga kaibigan ni ate. Si ate't kuya pa lang kasi ang nag dadala ng kaibigan sa bahay.
Ako kahit isa wala. Hindi ibig sabihin, wala akong kaibigan. Ayaw lang talaga nila mommy.
I have boy best friend. Nasa state na siya ngayon. Ilang taon na rin kaming hindi nagkikita o nagkakausap. Parehas na kasing na busy.
YOU ARE READING
ENEMY | ✓
Teen FictionAmica Villarreal, the only nerd in their house. The simple, humble, smart, kind, approachable and beautiful woman in the earth. A k-pop fangirl. But during the seven years he lived on earth, he felt that his parents treated him differently. A woman...