"Thank you" pasasalamat ko habang nagpupunas ng luha. May nilahad siya sa akin kaya tinignan ko yun at tumingin sa kanya.
"Sige na, kunin muna" kinuha ko naman agad yung panyo.
"Maraming salamat" pasasalamat ko pa ulit.
"Alis na ako" tumango ako at umalis na siya. Dumeretsyo na ako sa parking lot dahil baka nandon na si ate.
Pagkarating ko ay nasa labas siya nakasandal.
"Oh buti naman nandito ka na" inirapan niya ako at pumasok sa loob ng kotse. Pumasok na ako sa loob.
Hindi pa man ako naka seat belt ay pinaandar na niya.
"Ate naman" sambit ko habang kinukuha yung salamin ko na nahulog sa sahig.
"First day na first day Amica, ano na naman kaguluhan ang pinasok mo?" sinamaan ako ni ate ng tingin. Palabas pa lang kami ng school.
"Hindi naman ako ang nagsimula" pagsasabi ko ng totoo.
Hindi naman talaga ako ang nauna. Yung lalaking yun na ang yabang yabang.
"Amica si Benedict yun! Benedict Albertine!! Alam mong crush ko yun! Bakit?" pinukpok niya ang manibela at tinigil ang sasakyan. Hinarap niya ako sa kanya at sinampal.
"Ate" naiiyak na sambit ko. First time niya akong sinampal sa tanang buhay ko.
Kahit lagi kaming nagaaway hindi niya ako sinaktan ng physical. Emotional oo pero physical hindi. Ngayon lang.
"Hindi lang yan ang aabutin mo sa akin, Amica" dinuro duro niya ako hanggang sa madikit ako sa bintana. Hindi ko nagawang sumagot.
Sa lahat ng dahilan na sasaktan niya ako tungkol pa sa crush niya. Tungkol pa kay Benedict.
Oo lagi niya yung kinukwento sa akin pag okay kami pero hindi naman niya pinapakita ang mukha nun sa akin.
Malay ko bang yun taong nambully sa akin yung crush niya.
Bakit parang kasalanan ko na naman?
Tahimik kaming dalawa habanh bumabyahe pauwi sa bahay. Pinagbuksan kami ng kasambahay namin kaya dineretsyo na agad ni ate sa garahe.
"Ayusin mo itsura mo, your so ugly" sambit niya at bumaba. Gusto kong humagulgol. Gusto kong umakyat sa bundok at isigaw lahat ng gusto kong sabihin.
Lahat ng nasa puso ko. Lahat ng hinanakit ko sa mundo. Lahat ng hinanakit ko sa pamilya ko. Lahat lahat.
Ginusto ko bang mabuhay? Ginusto ko ba? Choice naman nila kung bubuhayin ako o hindi.
Mas gusto ko na nga patay na lang ako para hindi ko ito nararamdaman. Para hindi ko ito nararanasan.
Pagod na ako sa nangyayari sa buhay ko. 17 years hindi ko naramdamang belong ako sa pamilyang ito. 17 years feeling ko mag isa ako.
Gusto ko lang naman ng masayang buhay pero bakit ganito? Bakit ganito yung saya na binibigay sa akin?
Ang pangit ng saya na ito. Puro sakit at puro iyak na lang lagi.
Wala akong masabihan ng problema ko. Lagi ko na lang sinasarili. Walang nagtatanong kung okay ako o hindi.
"Ma'am Amica" pagtatawag ni ate Marites sa akin, isa sa mga maid. Inayos ko ang sarili ko at huminga ng ilang beses.
Pinunasan ko na din ang luhang pumatak sa mga mata ko. Bumaba na ako at bumungad sa akin si ate Marites.
"Tulungan na po kita. Kanina ka pa po hinahanap nila ma'am" tinanguan ko na lang siya at nagpaunang maglakad.
Tatlong floor yung bahay namin. Nasa third floor ang kwarto ko parehas kami ni ate. Nasa second floor naman ang kwarto nila kuya, mommy tyaka daddy.
YOU ARE READING
ENEMY | ✓
Novela JuvenilAmica Villarreal, the only nerd in their house. The simple, humble, smart, kind, approachable and beautiful woman in the earth. A k-pop fangirl. But during the seven years he lived on earth, he felt that his parents treated him differently. A woman...