16

192 47 0
                                    

Amica's Point of View....

Parehas kaming nandito sa sala. Kanina pa tahimik. Akala mo'y may namatay sa sobrang tahimik namin. Walang kibuan simula pa kanina.

Akala mo'y hindi magkasama sa iisang bahay. Akala mo'y hindi kami magkakilala dahil sa pwesto namin ngayon.

Nasa kanang sofa siya at ako nandito sa kaliwang sofa. Kanina ko pa napapansin na tinitignan kami ng mga kasambahay namin dahil sa pwesto namin.

Alam kong normal sa kanila dati dahil kinamumuhian talaga ako ni ate pero ngayon hindi na. Hindi na niya ako sinisigawan at inuutusan.

Tinatrato na nila akong tao. Tinatrato na bilang kapatid at pamilya. Hindi na tulad dati. Kaya na nila ako iharap sa business partner at sa mga kaibigan nila.

Nilingon ko ulit si ate. Tutok na tutok sa pinapanood. Hindi naman romance yung pinapanood namin pero titig na titig siya.

Ang hilig niya lang panoorin ay romance at action. Wala namang kakilig kilig at kaaksyon aksyon sa pinapanood naming dalawa.

Pagkabukas pa lang ng tv, hindi na siya agad namili. Hindi kagaya dati na namimili talaga siya ng magandang panoorin at romance ang pinipili niya. Pero ngayon hindi.

Kanina pa kami ni ate ganito, walang kibuan, simula kaninang umaga hanggang ngayong gumabi na. Hindi ko alam kung may nagawa ako sa kanya na hindi niya nagustuhan. I think, wala naman dahil kanina pa ako puro k-pop at k-drama.

Siguro ay hindi niya nakita si Benedict ngayong araw kaya sa akin ginaganti. Ganyan naman siya e, kahit iba yung may kasalanan, sa akin pa rin isisisi. Kaya hinahayaan ko na lang siya gusto niya.

May nasabi ba ako nakaraan na ikakasama ng damdamin niya? Hindi naman kami madalas mag usap. Saglitan lang naman lagi ang pag uusap namin.

May nagawa na naman ba ako? Gulong gulo na ako sa kinikilos ni ate lalo na nila Benedict. Kila Benedict wala akong pake pero kay ate meron.

"Hindi ka ba pinansin ng bebe love mo? Kaya pati ako ay dinadamay mo?" sambit ko habang nakatingin sa IPad ko. Hindi siya sumagot, tamang buntong hininga lang ang narinig ko galing sa kanya.

Kaya inis akong tumayo at naka ngusong naka harap sa kanya. Walang emosyon niya akong tinignan. Akala mo'y ibang tao ang kanyang kaharap. Kahit pag galaw lang ng kilay, wala. Kahit lagi niya naman 'yong ginagawa 'pag lalapit ako sa kanya.

Ilang araw na rin akong walang balita sa tatlong yun. Kahit pa kay Gillian at sa mga kaibigan nito. Wala nang usap usapan tungkol sa pambubully nila. Siguro ay nadala na sila.

Kahit sino naman ay mapapagod mambully. Wala na rin ata silang mabully dahil wala pang bago rito sa school. Since third quarter na ng school year na 'to.

Patapos na ang paghihirap ko bilang grade 10 student. Akala ko nung una ay matatapos ito ng malungkot, bully at iyak, pero hindi matatapos ito ng masaya. Okay na yung first and second grading na pambubully atleast naranasan kong lumaban at may mga beses na kasama ko ang ate ko sa laban na 'yun.

Laban sa iba't ibang estudyante ng school na 'to. May mga junior at senior high student kaming nakalaban dahil sa fake news na kinalat ni Gillian, noong nakaraang buwan.

Pinagkalat kasi nito na may relasyon ang ate ko at si Benedict. I don't think it is a jealous or what. Basta tinulungan ko si ate sa issue na yun. Hindi na namin pinaabot kila daddy, dahil natatakot kami sa pwedeng gawin ulit nila.

"Nitong mga nakaraang araw, napansin ko ang paglayo mo sa akin, may problema ba?" tanong ko habang nakatingin sa walang emosyon niyang mukha.

Umayos siya ng upo at tinignan ako. Ayon na naman yung mabigat niyang buntong hininga. Umupo na rin ako sa tabi niya at tinignan siya. Ilang oras bago siya nag salita.

ENEMY | ✓Where stories live. Discover now