6

208 72 128
                                    

"Ma'am Amica" rinig kong tawag sa akin ng isang maid.

Nakahiga na ako ngayon sa kama dahil ang sakit na ng katawan ko.

Gabi na ako ng matapos puro junk food lang kinakain ko dahil hindi pa ako bumababa.

Kahit naman bumaba ako ay hindi naman ako kakausapin. May sarili silang mundo.

"Ma'am Amica tulog na po ba kayo?" kumakatok na sambit ng isang maid. Hindi pa din ako tumayo at nagsalita. Pumikit na lang ako ulit.

"Hindi pa ba sumasagot?" habang nakapikit ay narinig ko ang boses ni daddy.

"Hindi pa po. Ayaw din po ni Ma'am Amica buksan yung pinto" mukhang nakayuko yung maid.

Wala naman nakakatingin ng deretsyo kay daddy at kay mommy. Kahit kaming tatlong magkakapatid ay ilag sa mga mata nila.

"Amica" boses ni daddy kaya dumilat ako at tumingin sa pinto.

Tinatamad akong tumayo dahil sa sakit ng katawan ko.

"Tulog na po ata si Ma'am" sambit ng maid. Boses ni Sarah, anak ni Ate Marites.

Sarah Daizy Abay, 19 years old. Anak ni Ate Marites. Hindi na siya nag aaral. Maganda, matalino, masipag at matangkad si Sarah.

Hindi kami close totally dahil may rules si daddy sa kanila.

Una bawal silang makipag usap sa amin na amo nila.

Pangalawa kailangan malinis ang buong bahay lalo na kapag nandito sila.

Pangatlo kailangan diligan ang mga halaman sa garden dahil kapag may namatay doon patay din sila kay mommy.

Pang apat kailangan laging masarap ang ulam dahil kapag pangit ang lasa ay sa kanila ipapakain.

"Hindi pa yan tulog" sambit ni daddy at kumatok. Napipilitang tumayo ako at binuksan ang pinto.

"Kumain ka na, late na masyado" sambit niya at iniwan kami.

"Ma'am ito po kumain na po kayo" nakangiting abot ng tray ni Sarah sa akin.

"Thank you" sambit ko. Tumango siya sa akin at bumaba na.

Pumasok na din ako at nilagay sa table ng mini sala ko ang tray.

Adobong manok, kanin at sinigang na baboy ang nakalagay sa tray kaya kumain na ako.

Mabilis kong naubos ang pagkain dahil na din ata sa gutom.

"Ma'am" Sarah again. Hindi ba siya napapagod kakaakyat baba? Tumayo ako at binuksan yung pinto. May dala siyang cake at slice ng pizza.

"Pinapaakyat po nila Sir" sambit niya at inabot yung tray.

"Salamat pakisabi na rin kila mommy" nakangiting sambit ko. Tumango na siya at bumaba.

Pumasok na din ako. Nilapag ko ang tray at kumuha ng coke sa mini ref ko.

Uminom ako at umupo ulit. Kanina ko pa tapos yung assignments ko at nakapag review na din ako.

Maybe tomorrow na ako magbabasa ng Moon book ni Maxinejiji.

Marami akong wattpad book yung iba nakalagay sa box. Ilalagay ko na lang sila sa wattpad book shelf ko kapag tapos ko na basahin yung mga naunang nakalagay.

Habang kumakain ay nag twitter muna ako. Naka private account lang ako dahil para lang yung mga social media ko kapag may update yung mga favorite artist at kpop group na idol ko.

ENEMY | ✓Where stories live. Discover now