Chapter 43

610 19 20
                                    

Dedicated sayo ate. Please become a fan. Hehe! Thank you po :)

Chapter 43

“Smile”

[Sophia’s POV]

Maaga ako gumising ngayon kasi tinutulungan ko si Mama at Tita Baby magluto para sa mga bisita namin mamaya. Kinakabahan ako kasi ipapakilala ko na si Justin mamaya bilang boyfriend ko. Sana magustuhan siya ni mama.

*dingdong*

“Ako na po”

Huh? Sino naman to? 8am pa lang ah? Super excited naman ata niya. Sinilip ko muna sa window. Si Lis! Kaya kaagad kong binuksan ang pinto at lumabas papunta sa gate tapos bumaba mula sa sasakyan si Justin nakashades pa siya tapos may dalang cupcakes.

“Ang aga niyo naman?” Ako

“Dapat nga 11 pa lang ako pupuna eh kaso may gumising sakin ng 6am! Excited masyado! Pinapauna ko na nga kaso nahihiya daw siya baka hindi mo kausapin. Bakit kasi di pa kayo magbati?” Lis

“Give her time to think..” Justin

Mas okay na rin to atleast maaga ko siyang maipapakilala kay Mama habang wala pa ang iba. Kanina pa siya nakatitig sakin tapos nakasmile. Ang gwapo niya hihihi!

Oh! Oh! Oh! Bigla siyang lumapit sakin na parang tinatakpan ako. Naglalakad siya papasok samin habang ako nakaharap pa sakanya kaya nababangga ako sa dibdib niya! Ang bango niya. My GOSH! (>_<)

“O-oy ano ba?” Ako

Akmang itutulak ko siya pero nahawakan niya dalawa kong kamay at linagay sa likod niya kaya kung titignan mo parang nakayakap ako sakanya.

“AHEM! Nandito ako oh? Ito naman kasi bakit di na lang niya sabihin. Iya ung damit mo..” Lis

Tinignan ko suot ko nakasleeveless top ako at short shorts ung pangbahay ko lang talaga. Oo nga pala hindi pa ako naliligo! Dalawang beses na ako nakita ni Justin ng nakaganito ah? Kaya pala kung makasmile siya wagas.

“ohh no!” Nakakahiya grabe. Naramdaman ko namula ako kaya tumakbo ako papasok ng bahay baka my iba pang makakita. “Pasok na kayo! Paki lock na lang ung gate.”

Pumasok na sila. Pinaupo ko muna sila sa sala. Ako naman umakyat sa kwarto ko para maligo at magbihis. After ko bumaba na ako at hinatak ko si Justin papunta sa kusina. Ayaw ko na magpaligoy ligoy pa ipapakilala ko na siya kay Mama.

“Ma!”

Humarap silang dalawa ni Tita Baby samin ni Justin na parang gulat na gulat pa. Hinahawakan ko kasi sa kamay si Justin habang ung isang kamay niya nakahawak sa batok niya para siyang nagugulahan sa mga nangyayari.

“Oh anak bakit?”

“Si Justin Natalicio po boyfriend ko” sinabi ko ng nakatingin sa mata ni Mama parang hindi pa ata siya makapaniwala.

“Good Morning po” Justin

“Baby hindi ba parang may kamukha siya? Hindi lang un kapangalan pa niya. Malabo naman un diba?” sabi ni Mama kay Tita Baby

“Ah hindi ko po alam mam” Tita Baby

“Galing ka ba ng America iho?” Mama

WAAAHH! Paano nalaman ni Mama un? Hindi kaya pinaimbestigahan niya si Justin? MALABO! Ngayon pa lang niya nakita si Justin.

“Opo..” Justin

“Patay!” Tita Baby

“Ano pong patay Tita?” Ako

The PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon