Chapter 41

554 8 3
                                    

Chapter 41

“I can’t understand”

[Mark’s POV]

Pagbalik namin ng classroom nina Josh at Trish. Nakita ko si Iya nakasimangot nanaman tapos katabi si Justin. Lalapitan ko na sana sila pero pinigilan ako ni Trish.

“hayaan mo muna silang magusap” Trish

“Chill! Mainit nanaman ulo mo” Josh

Sino bang hindi iinit ang ulo kapag nakikita mo ang babaeng mahal mo malungkot nanaman! Ano nanaman ba ginawa ng ugok na un!

Natigil ang paguusap nila dahil dumating na ang teacher namin kaya umupo na kami sa kanya-kanya naming upuan.

Hindi na ako makapaghintay ng lunch break. Gusto ko na malaman kung ano nangyari. Kung nagaway nanaman ba sila o ano.

Discuss lang ng discuss ang teacher namin pero kahit isa wala akong maintindihan. Hindi kasi mawala sa isip ko si Iya.

Tinignan ko ang watch ko 2 minutes na lang bago maglunch time since nagaayos na lang ng gamit ang teacher namin bago pa magbell linapitan ko na si Iya.

“Oh Mark?” Iya

*brrriiiinnnngggg*

Hinila ko na siya palabas ng classroom baka kasi umeksena pa si Justin. Mahirap na.

“Ano ba? Mark bakit ka ba tumatakbo? Saan tayo pupunta?” Iya

Dinala ko siya sa lugar na ako lang ang nakakaalam. Sa lugar na kaming dalawa lang.. sa rooftop ng school. dito ako nagpapalipas ng oras kapag kailangan ko magisip. Umupo ako na nakastretch paa ko habang nakasandal sa pader habang siya nakatayo parin.

“WOOOH! Napagod ako! Ano bang meron?” Iya

“Upo ka” Ako

Umupo siya sa tabi ko. Hinihingal siya napagod talaga siguro siya sa pagtakbo namin.

“Oh anong ginagawa natin dito? Dalian mo gutom na ako” Iya

Nginingitian niya ako habang hinahawakan niya kamay niya. Gutom na nga siguro talaga siya.

“Fake smile ba yan?” Ako

“Hindi ah! Pag kasi kasama kita parang nawawalan ako ng problema! Cool ka lang kasi lagi. Hindi pa nga kita nakitang nagalit eh” Iya

Kusang ngumingiti ang labi ko sa mga sinasabi niya. Kinikilig ako. Ano ba! Para akong bakla. Pero masaya talaga ako sa sinabi niya.

“Talaga? Edi kapag may problema ka sakin mo na lang sabihin?” Ako

“Haaaayyyy! Bakit kaya sunod sunod dumarating mga problema?” Iya

Pumikit siya tapos huminga ng malalim. Kasabay ng pagdilat niya ang pagtulo ng luha niya na kaagad niya pinunasan.

“Ano baaaaaaa! Bakit ako umiiyak!!! WOOH!” Iya

Sinusubukan niya pigilan pagiyak niya pero tumutulo parin ang mga luha niya.

“Wag mong pigilan. Kawawa yan oh” tinuturo ko puso niya tapos ngumiti siya.

Sinubsob niya mukha niya sa tuhod niya habang yinayakap niya mga paa niya.

“Mark thank you” Iya

“Saan?” Ako

“Dito sa pagcomfort. Tsaka alam ko na kung bakit ka nakipagsuntukan” Iya

Kahit ano naman gagawin ko para sayo. Sabihin na nilang tanga ako dahil naghihintay ako sa taong may mahal ng iba pero wala namang masama kung susubukan mo diba?

The PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon