Chapter 42

546 13 7
                                    

Chapter 42

“Cool Off”

[Sophia’s POV]

First day ng cool off namin ni boo este Justin pala.. buti na lang Saturday ngayon. Kanina pa nga siya tumatawag pero hindi ko sinasagot. Nagtetext naman siya gusto daw niya makipagkita pero ayaw ko kasi magkikita kami ni Leksy. Papunta na ako ng mall medyo late nga ako kasi hinintay ko pa si Mama. Ihahatid daw niya ako.

“Anak.. invite mo si Mark bukas satin ah?”

Crush ata ni mama si Mark? Lagi niyang binabanggit this past few days. Hahaha!

“Bakit po? Anong meron?”

“Gusto ko pa makilala future son-in-law ko..”

Ano daw? Di naman ako nagkamali ng pagkakarinig diba? SON-IN-LAW daw?!?!

“MA! Di ko siya boyfriend!”

“Oh bakit sinundo ka niya nung isang araw? Sige anak pinapayagan na kitang magkaboyfriend.”

Pwede na ako magkaboyfriend?! Ibig sabihin pwede ko ng ipakilala si Justin?! Pero cool off kami.. PERO! Eto na opportunity. Iggrab ko na.

“po?”

“ang bingi naman ng baby iya ko! Basta invite mo friends mo bukas! Magluluto ako para sakanila”

“Sige po..”

Ano nakain ni Mama bakit parang pabigla bigla siya ngayon? Nakarating na kami sa mall kaya nag goodbye kiss na ako kay mama at dumeretso na sa loob ng mall.

Kaagad ko naman nakita si Leksy nangiibabaw kasi suot niya. One of a kind halatang galing sa America. Kaagad din naman niya akong sinalubong at yinakap.

“IYAAAAAAAAAAA! Bakit ngayon ka lang? Sayang di mo nakita boyfriend ko. Hinatid niya ako eh” Leksy

Nagsmile lang ako. medyo nahihiya kasi ako matagal na kaming hindi nagkikita eh. Wala parin siyang pinagbago madaldal parin. Sayang hindi ko nakita boyfriend niya.

“Uyyy! Bakit di ka nagsasalita? Kumusta ka na? Anong gusto mo? Tara libre kitang yogurt!” Leksy

Paano ako makakapagsalita eh tuloy tuloy siya sa pagsasalita. Hinatak niya ako papunta sa White Hat. Favorite ko dito ung Lovers Hat! Sarap! Yum! Yum! After namin magorder umupo na kami at busy ako kumakain ng yogurt.

“Bakit di mo sinama boyfriend mo?” Leksy

“Cool off“ Matipid kong sagot.

“Ay? Bakit anong nangyari?” Leksy

“Wala.. wag mo na intindihin un. Ikaw bakit di mo sinama boyfriend mo?” Ako

Mas maganda ng hindi ko sinagot tanong niya. Samin na lang ung pinagawayan namin. Baka lalo lang ako maguluhan kapag marami na ang nakakaalam at nagaadvice sakin.

“Bitter sakin un” Leksy

“Bitter? Bakit naman?” Ako

“Sabi niya break na daw kami. Di naman ako pumayag kaya nga umuwi ako dito para bantayan siya pero parang may other woman na” Leksy

Other woman? Uso ba talaga un ngayon? Lahat ng babae ganun na ang problema. Bakit kasi hindi na lang makuntento sa isa ang mga lalaki.

“Umuwi ka para sakanya? Mahal mo talaga no?” Ako

“Oo! Kaya gagawin ko ang lahat maibalik lang siya sakin.” Leksy

*bzzt!bzzt!bzzt!bzzt!*

Tumatawag nanaman si Justin. Rineject ko lang. Ayaw ko muna siyang makausap sa ngayon. Ayaw ko madala sa inis ko at makipagbreak sakanya.

The PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon