Chapter 44

238 4 8
                                    

[A/N: SORRRYYYYYYY NGAYON LANG ULIT NAKAPAGUPDATE, Busy sa school. Medyo mahirap ang course hehe. Anyway enjooooyyyyyy (=^_^=) MAJOR EDITING AFTER I FINISHED THE STORY]


[Sophia’s POV]
Bakit hindi ko man lang nahalata na si Leksy at Alex ay iisa? Para akong tanga. Tinapos ko na lahat ng connections namin ni Justin since that day. Nagpalit ako ng number. Hindi na rin ako nagoonline. Everything is just so unbearable. Hindi man lang siya tumanggi.

First day ni Leksy ngayon sa school at wala siyang ideya na alam ko na lahat. Hindi rin pala niya alam na naging kami ni Justin. Pagdating kasi namin sa condo nun wala siya kaya pictures na lang pinakita ni Justin.

Pinakilala na sa buong klase si Leksy bilang transferee. Nagsmile siya sakin at umupo sa tabi ni Justin. Mabilis naman siyang nakapagadjust. Pagkatapos ng klase nagmamadali akong lumabas. Hindi kasi ako komportable sa loob ng classroom. Feeling ko anytime pwede akong masuffocate. Naglalakad na kami ni Trish malapit sa gate ng biglang tumawag si Leksy.

*bzzt!bzzt!bzzt!bzzt!*

[Incoming call from Leksy]

“Iyaaa! Saan ka? Puntahan kita.”

“Malapit sa gate. Palabas na. Bakit?”

“Wag kang aalis diyan pupuntahan kita”

==End of Call==

Binabaan niya ako. Wala akong choice kundi hintayin siya. Tumabi kami ni Trish sa tabi ng gate. Naalala ko yung sinabi niya sakin dati na ipaglalaban niya ang taong mahal niya. Umuwi pa nga siya sa pinas para lang kay Justin. Ano pang laban ko? Si mama, parents niya at kababata ko anti sa relationship namin ni Justin. Mas maganda na ngayon pa lang iwasan na namin ang sakit na pwede namin maramdaman in the future.

“Sino yun? Hindi pa ba tayo uuwi?”

“Si Leksy yung friend ko.” sabi ko. hindi pa pala alam ni Trish na ex ni Justin si Leksy. Sasabihin ko pa ba?

“Sino yun? Hindi ko ata kilala”

“Yung transferee” pagkasabi ko nun nanlaki ang mata ni Trish. Problema neto?

“Tara na uwi na tayo!” sabi ni Trish habang hinahatak niya ako palabas. (-_-“)

“Teka! Una ka na” tinanggal ko pagkakahawak niya sakin. Huminga siya ng malalim. My tumapik sa likod ko. pagkaharap ko si Leksy kasama si Justin. Kumabog dibdib ko. nagsmile ako sakanilang dalawa. Tinititigan naman ako ni Justin. Nakakailang!! Hindi ako makatingin ng diretso sakanya.

“Iyaaa. Siya yung sinasabi ko sayo!!” yinakap niya si Justin. Hinayaan lang siya ng bwisit! Hindi man lang pumalag. Gustong gusto naman. Inisnob ko nga nung hindi nakatingin si Leksy.

“Ganun ba? Goodluck sainyo” pinilit kong ngumiti sakanya. Ang plastic ko. Sheesh! Sorry. Nagsmirk si Justin. Tinignan ko nga ng masama.

“Tara na Iya! My lakad pa tayo db?” sabi ni Trish sakin. THANK YOU LORD! SAVIOR! I love you Trish! 

“Ah oo nga aalis pa kami. Una na kami ha?”

“Saan punta niyo? Gusto niyo sumabay?”  nakahawak si Leksy sa braso ni Justin na nageenjoy naman. UGH! Nakakainis! Sabi wala daw something sakanila pero ano to? SUS! Tama lang na nakipagbreak ako.

“Hindi na. mukhang may date pa kayo eh. Bye” pagkasabi ko nun naglakad na kami ni Trish palabas.

Ng makalayo na kami sakanila. Bigla na lang may tumulong luha sa pisngi ko. yinakap ako ni Trish habang hinahaplos ang likod ko. yinakap ko siya ng mahigpit. Ang sakit lang na makita ko silang ganun. Parang kahapon lang sinasabihan ako ni Justin na mahal niya ako pero bakit ganyan? Ganun ba siya kabilis makalimot?

The PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon