Chapter 7

688 21 6
                                    

Hinug ni Justin si Iya. Sweet :"> ---->

 Chapter 7

"Concern"

[Justin’s POV]

Pinark ko na ang kotse ko at naglalakad na papunta sa room pero may napansin akong pinagkakaguluhan sa bulletin board ng Journalist Club. Lumapit ako at tinignan may picture ni Sophia at ni Joshua at sa ilalim ‘An Ordinary student got the heart of our MVP?’ may naririnig din akong nagbubulungan.

“Hindi naman siguro totoo yan”

“Maganda naman ung girl..”

“Ang landi di ba nung isang araw kasama niya rin ung gwapong exchange student?”

“na PDA pa sila.”

“What a slut”

“Hula ko siya ang humalik kay Joshua”

Huh? Sila ba ni Joshua? Bakit nahuli silang naghahalikan? Akala ko bang magkaaway ung dalawang un? Kaya ba umuwi ng maaga kahapon si Sophia? Pumasok na ako sa room at nakita si Sophia nakaupo sa place niya linapitan ko siya.

“Sophia?”

Humarap siya sakin kitang kita ko na namamaga ang mga mata niya. Iniwasan niya ako tumayo siya at lumabas ng classroom. Nakita ko si Trish papasok pa lang ng classroom hindi na ako nagdalawang isip at tinanong ko siya.

“Ah Trish!”

“Oh Justin!”

“Anong nangyari kay Sophia?”

“Un ba? Akong may kasalanan nun.”

Siya ang may kasalanan? Paano nangyari un?

[Trisha’s POV]

Tsk! Naguguilty ako sa nangyari. Alam kong ako ang may kasalanan kung bakit napunta sa ganung situasyon si Iya. Hindi ko alam gagawin ko.. Pagpasok ko ng room nakita ko si Justin  tinawag niya ako..

“Ah Trish!”

“Oh Justin!”

“Anong nangyari kay Sophia?”

Wow! Concern siya kay Iya ang sweet naman..

“Un ba? Akong may kasalanan nun.”

“Ano bang nangyari?”

“Kinausap kasi ni Iya si Josh para kausapin ako”

“Oh bakit sila naghalikan?”

“Napikon ata si Josh kay Iya kaya ganun nangyari. Ah teka nakita mo ba si Iya?”

“Si Sophia? Lumabas siya hindi nga niya ako pinansin nung linapitan ko siya”

ANO DAW? Siya? Hindi pinansin ni Iya? Ang labo ata nun. Lumabas ako at hinanap si Iya. Thank God nakita ko siya kaagad at nakaupo sa stairs. Linapitan ko siya at umupo rin sa tabi niya.

“Iya..”

“mm?”

“Sorry talaga. Nagkaissue ka pa dahil sakin”

“Hayaan mo na.. nandito na eh harapin na lang natin.”

“Alam mo bang tinanong ka ni Justin sakin?”

“talaga?”

“Oh bat malungkot ka diyan?”

“nahihiya kasi ako sakanya..”

“bakit?! Para namang di natin siya nakasamang maglunch nung Monday.”

“Para kasing wala na akong mukhang maihaharap sakanya.. tignan mo naman ang mga issue tungkol sakin daig ko pa ang isang artista..”

Lalo tuloy akong naguilty sa sinabi ni Iya. Naiiyak tuloy ako para sakanya. Lalo na Third day pa lang namin tapos ganito na agad.

“Sorry talaga. Hindi ko alam kung paano ako makakabawi sayo. Sikat kasi si Josh kaya ganyan mga issue sayo.”

“Ano bang nagustuhan mo dun?”

“Lahat ng di alam ng ibang tao.. mabait siya. Sweet. Gentleman. Higit sa lahat tinuring niya akong parang prinsesa niya. Yung looks niya bonus na lang un”

“Ganun ba? Hindi halata sakanya. Oh siya pupunta na ako sa principal’s office. Wag ka ng magalala ako ng bahala.”

[Sophia’s POV]

Iniwan ko na si Trish dumaan muna ako sa room nina Lis bago dumeretso sa principal’s office.

“LISSYTOT” (_ _”)

“Iyaa! Hindi naman siguro kayo maeexpell no?”

“Hindi ko alam..”

“Hindi yan..”

Yinakap ako ni Lis. Naiyak ako.. kinakabahan ako kasi first time ko maoffice dahil sa violation tapos principal’s office agad!

“Thank you Lis.. I needed that”

Naglalakad na ako papunta sa principal’s office nakasalubong ko si..

si..

si..

si..

si Justin! Nakasmile sakin.

“Kanina pa kita hinahanap” (^__^)

*blush*

Pagkatapos nun h-h-HINUG NIYA AKO!!! OMG! OMG! Biglang gumaan lahat ng problema ko..

“hmmmmmmmm! Ang payat mo!” ang sabi niya habang nakayakap parin sakin. WUUHHHH! Air! I need air! HIHIHI!

“Kaya mo yan.. Alam kong naiipit ka lang sa situation sinabi ni Trish sakin.” Binitawan na niya ako. Awwww I want more!

“T-thank you” ^u^

“Ayan nagsmile ka na! Effective ang sinabi ni Trish” (^__^)v

Ha? ANO DAW!

“A-ano?”

“Nakita ko kasi sa stairs kanina si Trish tapos nakiusap siya sakin na ihug daw kita para magsmile ka na sympre gusto ko rin na magsmile ka na kaya pumayag na rin ako tska isa pa hindi mo kasi ako pinansin kanina”

TSK! Adik talaga si Trish. Pero kinikilig parin ako kahit ganun. HAHA!

“Sorry kung di kita pinansin nakakahiya kasi sayo.”

Ginulo niya buhok ko at sinabing “Ikaw talaga!”

HAAAAAAAAAAH! Kinikilig talaga ako to the bones! HAHAHA! Ang saya ko ngayong araw na ito.. Weeeeee!

=====

Highly appreciated po ang comments. Gusto ko malaman insights niyo.. Vote ka if nagustuhan mo ang chapter na to. thank you! Love.Love.Love. :D

The PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon