Chapter 8

668 18 3
                                    

Sinuntok ni Iya si Josh. wahaha! ---> :)

Chapter 8

"Community Service"

[Sophia's POV]

“HOY!”

Sino naman un? Pagkatingin ko si Joshua. Oo nga pala! Muntik ko ng makalimutan na kailangan ko palang magpunta ng principal’s office.

“Jus sige ah pupunta na ako sa principal’s office. Thank you for making me happy!”

“Your welcome. Just look for me when you have problems” *wink*

I wave then humarap na ako sa bwisit na pangit.

“TARA NA!!”

“Oh bat ang sungit mo? Kanina kung makangiti ka konti na lang mahihimatay ka na sa kilig mo”

“Ano bang paki mo?”

“Sa iba ang bait sakin ang sungit..”

“EH GANUN TALAGA! TARA NA NGA!”

Hinila ko siya papunta sa principal’s office. Bakit ba kasi sa principal’s office na agad hindi ba pwedeng detention muna? Tsk! Eto na un.

*dug.dug.dug.dug.dug.dug*

“Upo muna kayo. Maghintay lang kayo diyan”

“Sige po. Thank you po”

“Sus! Saan na ba siya? Paki sabi bilisan niya at nasasayang oras ko” Wala talagang sinasanto tong lalaking to!

“HOY! Hindi kaba natatakot? Baka ma-expell ka pa sa ginagawa mo!”

“Hindi ako kayang iexpell niyan”

Bumukas na ang pinto. Yun na nga  ang principal tumayo ako para magbigay galang sinipa ko si Joshua eh pano nakaupo lang siya pero hindi parin siya tumayo.

“Please take your seat Ms. Meneses”

“Yes mam”

“Oh nandiyan na pala ang dakila nating principal”

“HOY! Ano ka ba! Matanda satin yan hindi mo ba alam ang word na RESPECT? Sorry po sa mga inaasal niya”

“Kayo ba?” WOAAAAAAH! Direct to the point agad?! T____T

“Ano bang pakialam mo?” O___O WALA TALAGANG GALANG TO!!

“Hindi po kami mam. Sorry po talaga sa mga inaasal niya”

“Alam mo naman kung bakit nandito kayo di ba? Pwede ko kayong iexpell!”

“Bakit di mo gawin? Dami pang sinasabi eh” Bakit ang tapang nito? Pati ako mapapahamak pa sa ginagawa niya.

“Mam excuse me po. Babalik po kami agad kakausapin ko lang po siya” Hinila ko si Joshua at lumabas.

“ANO BANG PROBLEMA MO?!?!?!” Aba hindi pa ako sinasagot. “Josh.. please ayaw kong maexpell.. nakikiusap ako sayo..” this time nagpacute ulit ako sakanya alam ko effective to eh.

Sana naman kahit konting guilt lang maramdaman nito. Dahil sakanya kaya kami nandito.

“FCK!” sinipa niya ang pinto at pumasok na siya sa office. Sinundan ko siya umupo ulit kami.

“Mam sorry po wag niyo kaming iexpell please.” Sinenyasan ko si Josh para magsorry din.

“s-s-so-sorry..” After niya sinabi un lumabas siya at naiwan ako magisa.

Kitang kita ko gulat na gulat principal namin.

“Mam I’m really sorry for the way he is acting..”

“Hindi ako nagulat dahil umalis siya.. nagulat ako dahil nagsorry siya.. Thank you”

HUH? Bakit parang ang labo? Gets mo ba? Ako hindi eh..

“Po? Hindi ko po kayo maintindihan”

“dahil dun hindi ko na kayo ieexpell but you will do a community service for 2 days starting tomorrow.”

“TALAGA PO?? THANK YOU PO!!”

“No. Thank you! Because of you my son said sorry to me.. you may be wondering kung bakit siya galit sakin. Nung bata kasi siya iniwan ko sila ng papa niya to work abroad. He grew up hating me”

SON? Tama naman narinig ko diba? Anak ng principal si Josh?

“son? As in anak po?”

“Yes iha.. Do you like him?”

“OF COURSE NOT MA’AM!”

“Does he like you”

“HINDI RIN PO! Lagi nga po kami nagaaway nun eh”

TSK! Ano bang klasing mga tanong yan.. T___T

“I like you. Your personality.. kakaiba”

“I would take that as a compliment po. Thank you po”

 Umalis na ako sa office hinanap ko si Josh para sabihin sakanya ang punishment namin. Nakita ko siya sa canteen kasama ang mga iba pang mga varsity. Lunch time na pala gutom na ako mamaya ko na siya kakausapin. So ayun bumili na ako ng food at umupo magisa..

“Miss may nakaupo ba dito?”

“Ah wala..”

“Miss anong pangalan mo?”

“Sophia”

“Miss 4th year ka na ba?”

“Oo”

“Miss ano section mo?”

Ano ba yan kumakain ka nagiistorbo to! Sino naman tong hinayupak na to. Grr.

“BAKIT BA ANG DAMI MONG TINATANONG NAKITANG KUMAKAIN ANG TAO E!”

“Sungit! Ikaw na nga ang sinasamahan diyan”

Pagkatingin ko si Josh! Kahit kalian talaga istorbo ang lalaking to!

“Bakit mo tinatanong pangalan ko eh kilala mo naman ako! Tska hindi mo ba alam na kaklasi kita?!?!?!”

Tinakpan niya ang bibig ko.

“Ang daldal mo!”

Sinipa ko siya sa paa at binitawan na niya ako. Haayy nakahinga rin ako.

“Mag community service daw tayo for 2days starting tomorrow”

“Eh kung ayaw ko?”

“ANONG AYAW?!?! IKAW NA NGA ANG MAY KASALANAN IKAW PA ANG AAYAW ABA’T NAMIMIHASA KA NA!!!”

“Tss bat kaba sigaw ng sigaw? Halikan kita diyan eh”

LOKO TO AH? Di na natuto! Sinipa ko ulit siya at tumahimik na lang. Ayaw ko na kayang mahalikan ulit nito. Ano ako hilo??

“Nakakarami ka na ah! Bakit ba ang hilig mong sumipa? Pinaglihi ka siguro sa kabayo”

“ANONG SABI MO?!?!?!?” napatayo ako sa sinabi niya! KABAYO? Ako? Eh mas mukha pa siyang kabayo keysa sakin!!

“Ang sabi ko pinaglihi ka ba sa KA-BA-YO??” Tumayo rin siya at tumawa.

At inulit pa talaga ng pangit na hinayupak na to ah! Bumwelo ako at sinuntok ko siya ng malakas sa tiyan.

“ARAY!!” napayuko siya at hinahawakan niya ang tiyan niya. Oppssiieee napalakas ata masyado. HAHAHA!

“Kapag hindi ka nagcommunity service bukas hindi lang yan ang matitikman mo sakin!!”

Tumakbo ako papalayo sakanya. HAHAHA! Baka gumanti pa eh ^__^

=====

Highly appreciated po ang comments. Gusto ko malaman insights niyo.. Vote ka if nagustuhan mo ang chapter na to. thank you! Love.Love.Love. :D

The PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon