Chapter 46

134 6 4
                                    

Kasama ko parin si Leksy nasa harap kami ng isang fast food chain ngayon ang sabi niya dito daw nagttrabaho si Justin. Hindi ako naniniwala sakanya hanggang sa nakita mismo ng dalawang mata ko. Ngayon naiintindihan ko na kung bakit palagi siyang busy.

"Pasok tayo?"

Hindi ko alam kung bakit pero hindi ko maigalaw ang mga paa ko. Naramdaman ko ang pagtulo ng luha galing sa mata ko. Hindi ko matanggal ang tingin ko sakanya. Mukhang pagod na siya pero ngumingiti parin siya sa mga customers.

"Bakit?" tanong ko kay Leksy.

"Ha?"

"Bakit niya ginagawa yan?"

"Mas maganda kung sakanya mo itanong yan" sabi ni Leksy. Nakangiti siya sakin pero makikita mo parin sa mukha niya na malungkot siya. "Oh iwan na kita ah?" tinap niya ako sa likod. Hinawakan ko ang kamay niya bago pa siya makalakad.

"Ha? Teka!" napakagat labi ako. Hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi ko rin alam kung anong sasabihin ko.

"Kaya mo yan!" tinanggal niya pagkakahawak ko sakanya. "Ah oo nga pala wag mo sabihin sakanya ako nagsabi sayo"

Tumango ako tapos umalis na siya. Kinabahan ako bigla. Anong gagawin ko? Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko habang nakatingin ako sakanya. Lumabas siya para magunat.

Buti na lang nasa kabilang part ako ng daan kaya hindi niya ako makikita. OMG!! Humarap siya kung nasan ako. Automatic akong napaupo. Buti na lang may kotse na pwedeng humarang sakin. Bumilis ang tibok ng puso ko.

Incoming Call from Justin Natalicio

"Ah..Hello?" nangnginginig ang kamay ko nung sagutin ko ang tawag niya.

"Where are you now?"

Sinilip ko siya nasa labas parin siya. Poker face lang siya habang kausap niya ako. Tsk! Nangaawit na ako. Gusto ko ng tumayo.

"Sa bahay. Bakit?" pagsisinungaling ko.

"Ahh anong ginagawa mo?" may pagkasarcastic ang pagkakasabi niya nung 'ahh' nakita ba niya ako? Sa tingin ko naman mabilis naman akong nakaupo.

"Ahm.. ano.. matutulog na. Akala ko ba busy ka?"

"Yes I am but I think I saw you.." nagpause siya. Wala akong maisagot sa sinabi niya. Malapit ng lumabas ang puso ko sa sobrang bilis ng tibok nito!!! "..and I'm right"narinig ko ang boses niya mula sa likod ko.

OMG! Nahuli ako. Hindi ako makatingin sa likod. Yumuko ako dahil sa kahihiyan. Oh lupa lamunin mo na ako!! Hindi ko siya kayang harapin!! Narinig ko siyang tumawa.

"What are you doing?" kahit hindi ko siya nakikita nararamdaman ko nagpipigil siya ng tawa.

Huminga muna ako ng malalim tska tumayo pero hindi parin ako humaharap sakanya. Yinakap niya ako from behind. Hinawakan ko yung kamay niya lalong humigpit ang pagkakayakap niya sakin.

"I'm just gonna charge for a minute so please stay still for a while." Hindi ko mapigilan hindi mapangiti.

"Ano ako charger?" pagloloko ko sakanya. Gusto ko maging light lang ang atmosphere naming dalawa. Natawa naman siya sa sinabi ko. HAHA!

"Hmm.. Power bank" pinatong niya ang chin niya sa ulo ko. How I wish we can stay like this for a very long time. I miss him so much.

"Sana tumigil muna ang oras" pagkasabi ko nun binitawan na niya ako. Humarap na ako sakanya.

"Uwi ka na 11pm na oh. Pagabang kitang taxi"

Hindi ko siya sinagot. Nakatingin lang ako sakanya. Ayaw ko pang umuwi. Gusto ko pa siyang makasama. Hinawakan niya ang kamay ko. Lumipat na kami ng daan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 10, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon