Chapter 20

661 15 1
                                    

Chapter 20

"Boo"

[Justin’s POV]

Asan na ba si Pia.. ang bilis niya maglakad.

“Hi Kuya!”

Huh? Sino naman to? Alam ko ang kapatid ko nasa America.

“Hello po”

“Weee ang gwapoo”

“I’m Allie!”

Hindi ko na namalayan ang dami na palang babaeng nakapalibot sakin. I hate these kind of situations kung sa US sana ayos lang kaso nasa Pinas ako isa pa andito din si Pia kaya hindi pwedeng bumalik sa dating ako..

“Sorry but I’m looking for someone”

“Ako ung hinahanap niya”

“Anung ikaw? Ako kaya!”

“Mangarap kayo!”

“Ako pinaka maganda sainyo”

“Ako yan!”

Tssskk! TT_TT Baby Girl san ka na ba? Please save me! Too many temptations..

[Lis’ POV]

May nakita akong nagkukumpulang mga babae kaya hinila ko si Iya papalapit sakanila.

“Anong meron dun? Teka.. SI PINSAN UN AH!”

Hala! Anong gagawin ko! Lagot! PINSAN! Wag mong isiping gumawa ng kababalaghan kung hindi ako ang mapapagalitan!!

Pinatapon kasi yang si Justin sa Pinas kasi sumosobra na ang pagiging playboy sa US! Kaya sakin pinabantay. Kaya nga hindi siya hinayaan tumira sa sarili niyang condo at sa bahay siya tumutuloy ngayon..

Nagrerebelde ata siya dahil ayaw siya pauwiin dito para hanapin si Pia niya. Nagulat nga ako nung nalaman kong nililigawan niya si Sophia. Nakoo subukan lang niya lokohin un at itatapon ko siya sa Pacific Ocean.

Oh well back to reality. Anong gagawin ko? Panic mode na ako. Iniwan ako ni Sophia at dumeretso kung nasan si JUSTIN?!?! GO GIRL! Ikaw ang pagasa ko!!

[Sophia’s POV]

Hinila ako ni Lis may nakita kaming nagkukumpulang mga babae na tili ng tili.

“Anong meron dun? Teka.. SI PINSAN UN AH!”

Pagkatingin ko nakita ko si Justin pinagkakaguluhan ng mga lower year levels. Iniwan ko si Lis. Hindi na ako nagdalawang isip lumapit ako at sumiksik sa mga babaeng nakapalibot sakanya.

Ng maabutan ko na siya hinawakan ko kamay niya..

“Boo nandyan ka lang pala..”

Tumingin silang lahat sakin. Ang sasama ng tingin na para bang isang wrong move lang sasabunutan na ako ng mga to.

“Oh bakit ganyan kayo makatingin? Boyfriend ko nga pala ang pinagkakaguluhan niyo.. Please excuse us”

“aww my girlfriend na pala siya..” TALAGA AT AKO UN! Ang lalandi ng mga to!

Hinila ko siya papalapit kina Lis na kasama na pala sina Trish and Mark.

O__O Justin

(_ _”) Ako

“WOOOOOOOOOOOOOOH!” \(^o^)/ Lis. Trish. Mark.

Pumapalakpak pa tong tatlong to! Binitawan ko na kamay niya double kahihiyan na to! Bakit ko naman kasi ginawa un..

“THANK YOU IYATOT!” Lis

“Huh? Bakit ka nagpapathank you?” Ako

“Linigtas mo ako!” Tumingin siya kay Justin “Humanda ka papalipat ako ng section para mas mabantayan kita”

The PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon