Chapter 33

650 14 12
                                    

Chapter 33

“Focus”

[Sophia’s POV]

1week.. 1 week ko ng napapaniginipan ung dalawang bata na mahaharot. Dati nawala na un eh. Bakit bigla ko nanaman napapaniginipan? 1 week na rin since nung major away namin ni Boo kala ko nga maghihiwalay na talaga kami nun. Going strong parin naman kami. Lunch break nasa room kami kasama si Trish, Mark at Lis. Si Josh wala may practice parin kasi.

“Sa Friday na laban nina Josh ah?” Lis

“Oo nga. Balita ko open for all ang school natin nun?” Ako

Kapag kasi may tournament pwedeng pumasok sa school ang supporters ng ibang team.

“Manunuod ka ba babybubu? Oh my photoshoot ka?” Lis

“Di ko pa alam. It depends kung tatawagan ako” Mark

Bigtime na nga pala ngayon si Mark laging nanlilibre ng foods. Umaariba na kasi ang career may fans na nga rin siya parang si Boo.

“Lis invite mo si Enzo!” ako

“NO! May pasok siya nun” Boo

“Sus! Insan pati kapatid ko pinagseselosan mo?” Lis

Kanina pa tahimik si Trish. Ano kaya iniisip nito?

“TRISH!” Ako

“Oh?” Trish

“My problema ba?” Ako

“Iniisip ko lang paano ko papanuorin si Josh sa Friday” Trish

“Huh? Bakit?” Ako

“Same day kasi ng pautakan un eh” Trish

Lagot na baka magtampururut ung panget na un kay Trish. May pagkachildish paman din un.

“Sinabi mo na ba sakanya?” Lis

“Natatakot ako kasi baka magalit siya eh” Trish

“Mas lalo magagalit un kapag di mo sinabi sakanya..” Ako

“bahala na..” Trish

Dumating na ang araw na kinatatakutan ni Trish. Sinabi na kaya niya kay panget na ngayon din ang pautakan? Baka magaway nanaman sila.

Pagdating namin ni Boo sa school sinalubong kami ni Lis at ni Mark na nakacap, shades at nakaface mask pa! halatang nagtatago marami kasing ibang students na papasok sa school eh.

“Anong trip mo Mark?” Ako

“Baka marami makakilala sakin eh” Mark

“nagyayabang sikat na kasi” Lis

“HINDI AH!” Mark

“Tara na nga!” Ako

Umikot kami sa school ang daming food stalls para sa mga visitors.

“Weeeeeee dami pagkain!” Ako

“tara libre kita!” Mark

Hinahatak na ako ni Mark papunta sa mga food stalls pero hindi kami makaalis kasi nakahawak pala si Boo sa kamay ko tapos ang sama ng tingin sakin. (>_<)

“Siya lang?!?!” Lis

Binitawan ako ni Mark. Tinulak ko si Lis papunta sakanya.

“Ayan kayong dalawa na lang hiwalay na muna tayo ah. Kita kits sa gym!” Ako

Nagiikot parin kami ni Boo linilibre niya ako ng foods na gusto ko. Busog na nga ako pero ang dami kasing mukhang masarap.

“Dun tayo! Ako naman magbabayad!” Ako

The PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon