Chapter 45

359 9 7
                                    

Chapter 45

One month na kaming break. Gaya nga ng sabi ni Leksy kasama lagi ni Justin ang girlfriend niya.. or should I say girlfriends. Hindi ko maintindihan kung anong nangyari sakanya. Every other day may kasama siyang ibang babae.

Sabi niya hintayin ko siya pero bakit siya nagkakaganyan? My part sakin na sinisisi ko sarili ko kung bakit nangyari sakanya yun. Sabi kasi ni Lis nung huli siyang maging ganyan nabroken hearted din siya na ang dahilan naman ay si Leksy.

Galit na galit si Lis kasi hindi na niya macontrol ang pinsan niya. Sakanya kasi ibinilin to. Hindi tuloy siya makapagconcentrate sa play nila. Siya paman din ang lead actress dun. Dismissal na namin. Pinatawag kami ni Lis kaya pinuntahan namin siya sa canteen. Nagrereklamo nga siya samin ngayon.

“NAKAKAINIS HINDI NA SIYA NAKIKINIG SAKIN!!” Sigaw ni Lis. kakagaling lang nila sa away ni Justin.

“Baka naman lagi mo sinisigawan kaya hindi nakikinig sayo?” sabi ni Josh.

“Tinanong mo na ba kung bakit siya ganyan?” tanong ni Trish

“Dahil kay Iya” sagot ni Mark

Hindi ako umiimik sa usapan nila. Hindi ko kasi alam kung ano ang dapat kong sabihin sa ganitong sitwasyon. Ano bang dapat kong gawin?

“Paanong hindi ko sisigawan NAKAKASTRESS SIYAAAAAAAA!!”

“Hayaan mo na lang kasi.” Seryosong sabi ni Josh.

“Ngiti naman diyan! HAHAHA!” pilit pinapangiti ni Mark si Lis pero wa epek.

“Mark wala ako sa mood makipaglokohan” kinilabutan ako sa sinabi ni Lis at sa tingin ko hindi lang ako.. nanlaki rin kasi ang mata ni Trish, Josh at lalo na si Mark. Sa sobrang seryoso ng mukha niya ni hindi mo na maipinta.

“Wala ka bang practice Lis? Sa Saturday na performance niyo hindi ba?” segway ni Trish.

“Meron. Mamaya pang konti.”

“Wag mo na munang isipin pinsan mo” sabi ni Trish.

“Anong gagawin ko? Kailangan may gawin ako para mapatino siya.” Problemadong problemado ang mukha ni Lis. Wala akong magawa kundi makinig sa usapan nila.

“Wala ka naman dapat gawin. Matanda na yun alam na niya ginagawa niya”

“JOSHUA!!” inis na sabi ni Trish.

“Ano?!?! Eh sa totoo naman. Malamang may rason yun kung bakit niya ginagawa yang kabalastugan na yan at kung ano man yun respetuhin niyo na lang.” tumayo na si Josh. “hintayin kita sa labas” sabi niya kay Trish at tuluyan na siyang umalis.

“Sorry Lis wag mo na lang pansinin yun.” Nagpeace sign si Trish kay Lis.

Hindi umiimik si Lis. May point naman kasi yung sinabi ni Josh. Awkward silence samin. Hanggang sa naisipan ko ng basagin ang katahimikan. Sa tingin ko kailangan kong gawin to.

“Kakausapin ko siya”

Nabigla ang tatlo sa sinabi ko. mukhang hindi nila inaasahan na sasabihin ko ang ganung bagay. Hindi ko kasi kayang isipin na nagkakaganyan siya dahil sakin parang feeling ko dinudurog ang puso ko.

Sabi niya sakin hintayin ko siya. Gusto kong maintindihan kung bakit siya ganyan ngayon. I think he has a good reason behind it.

“Hindi mo kailangan gawin yan” sabi ni Mark

“Please?” hinawakan ni Lis ang dalawa kong kamay. Tumango ako sakanya. Ngumiti na ng tuluyan si Lis.

Naghiwahiwalay na kami. Nagpunta ako ng mall magisa dahil may ipinapabili si mama sakin. Gusto nga akong tulungan ni Mark ang kaso ayaw ko kasi alam niyo naman medyo sumikat na yun baka mahassle lang siya sakin.

The PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon