Chapter 12

682 13 1
                                    

Sino bang di matutunaw sa ganyang tingin? Justin ---->

Chapter 12

"Pareho kayo ni Pia"

[Sophia's POV]

Bago pa ako makasagot lumabas na siya sinundan ko siya. Kanina pa kami umiikot hindi naman niya ako kinakausap or pinapansin pero sabay kami naglalakad. Ano bang iniisip niya? Naiinis ba siya sakin kasi dumilat ako? PERO BAKIT?!?! Bigla siyang umupo. Tumayo lang ako sa tabi niya. Eh kasi naman naiilang ako.

“Upo ka..”

*dug.dug.dug.dug.dug.dug.dug.dug*

Umupo ako sa tabi niya pero medyo umusog ako papalayo. Hindi dapat kami magka-ilangan. Hindi pwede to!

[Justin’s POV]

Kakausapin ko na lang siya na kalimutan na ung nangyari. Ayoko naman na magka-ilangan kami. Gusto ko pa siya makilala ng mabuti. Magsasalita na sana ako ng biglang..

“Ang ganda nung movie no? Nakakainis ka naman eh! Bakit ka ba lumabas? Sayang di natin natapos. Paano kaya natapos un?”

Hindi ko alam ang isasagot. So hindi niya napansin un? Pero nakita ko siyang namula at gulat na gulat. Oh baka ayaw na niyang isipin un? Magsosorry na lang ako.

“Sorry”

“TSK! DAPAT KA LANG MAGSORRY NO!”

Nagalit siya sa ginawa ko? Sabagay sino ba namang hindi magagalit. T___T

“Sorry talaga Sophia. Hindi ko kas—“

“Lumabas ka kasi agad di tuloy natin natapos un! Tara na nga uwi na tayo. Late na oh!” ^_^

*sigh*

“Tara ihahatid na kita dala ko ang sasakyan ko.”

“Wag na. nakakahiya naman sayo dami mo na nagastos”

“ayos lang un. Ako nga ang dapat mahiya sayo kasi kanina sa si--“

“Osige na nga ihatid mo na ako”

Ngumingiti pa rin siya na para bang walang nangyari. Hindi ba siya nababahala? Bakit parang ayaw niyang banggitin ung kanina. Tsk! Tinawag ko ang valet driver.

[Sophia’s POV]

WOW! Bongga! Valet driver may ganun pala dito. Di ba may extra bayad un? Yaman talaga nitong si Jus. So ayun sumakay na ako lagi naman niyang gustong banggitin ung nangyari sa sine. Bakit ba paulit-ulit niyang binabanggit un? Paulit-ulit ko rin naman siyang binabara para hindi niya matuloy ang sinasabi niya. Hindi ba pwedeng kalimutan na lang niya un?

“Sophia..”

“Oh?”

“ung sa si--“

“Uy ang ganda nun oh!” ANO BA? Kalimutan mo na lang un pleaseeee.

“Sophia.. Please pakinggan mo muna ako.. kanina mo pa ako binabara hindi naman pwedeng hayaan na lang natin un. Alam ko apektado ka rin dun sa nangyari.. ayos lang kung magalit ka sakin kasalanan ko naman eh”

Tinititigan niya ako.. kulang na lang matunaw na ako. Nakalimutan ba nito na nagddrive siya. Tsk! Kinakabahan na naman ako.

*dug.dug.dug.dug.dug.dug.dug.dug*

“Wag mo ng alalahanin un.. wala un.. w-wag m-mo akong titigan ng ganyan sige ka baka mainlove ka sakin.. HAHAHAHAHA! JOKE! Tingin na sa daan..”

“Pero..”

“Kalimutan na lang natin un ha? Kapag binanggit mo pa un magagalit na talaga ako. Okaay?”

“Okay”

Nakarating na rin kami sa bahay bago ako bumaba nagulat ako ng may inabot siyang chocolate sakin. Favorite ko to! ^__^

“Oh para saan naman to?”

“Wala naisip ko lang na baka gusto mo ng sweets”

“Thank you! Favorite ko to!”

“Talaga? Parehong pareho talaga kayo ni Pia”

Bumaba na ako at nagwave sakanya. Pumasok na ako sa bahay. Wala pa si mama si tita baby naman mukhang busy sa kusina. Si tita baby pala ung maid namin since bata ako nandito na siya samin.

“ah tita. Si mama po?”

“Wala pa iha.. kumain ka na ba P.. Iya?”

“Ah hindi po ako nagugutom sige po aakyat na po ako.”

Naligo na ako at humiga. Naalala ko ang huli niyang sinabi na paulit ulit kong naririnig kahit wala na siya.

Parehong pareho talaga kayo ni Pia

Parehong pareho talaga kayo ni Pia

Parehong pareho talaga kayo ni Pia

Parehong pareho talaga kayo ni Pia

Parehong pareho talaga kayo ni Pia

Haaaaaaay! Ano ba yan di ako makatulog kapag pumipikit ako pagdilat ko mukha ni Justin ang  nakikita ko.. Tsk. Dapat pilitin! Kailangan ko na matulog nakakapagod ang araw na to.

=====

Highly appreciated po ang comments. Gusto ko malaman insights niyo.. Vote ka if nagustuhan mo ang chapter na to. thank you! Love.Love.Love. :D

The PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon