Chapter 6

699 19 3
                                    

Si Iya na nakasandal sa wall --->> :)

Chapter 6

"PDA"

[Sophia’s POV]

Kawawa naman tong si Trish. Ung panget naman ang kitid ng utak hindi muna pinakinggan si Trish. Tsk! Hindi ko lubos akalain na ang laki pala ng problema niya hindi naman kasi halata eh. Naglalakad na kami pabalik ng classroom ng biglang tumigil sa paglalakad si Trish.

“Ah teka..”

“bakit?”

“hindi ba si Justin un? Tignan mo may kasamang babae. Parang hindi naman natin kaklasi un ah”

Babae? Hindi kaklase? Paano nangyari yun eh transferee lang si Justin? Paanong may kilala siya hindi kaya nakita na niya ang hinahanap niya? Ah ewan ayaw kong makita kung sino man un.

“tara na trish..”

“Hui di mo man lang ba titignan kung sino un?”

“ah wag na..”

---

Pagbalik namin ng classroom nakita ko si Josh. Gusto ko siyang kausapin para kay Trish.

“Ah Trish upo ka na kakausapin ko lang si Josh”

“ah sige”

Linapitan ko si Josh.

“Josh pwede ba tayong magusap?”

“Tungkol saan? Magtatapat ka na ba sakin?”

Psh! Kailangan kong pigilan ang temper ko para kay Trish. Ano ba naman kasing nakita ni Trish sa panget na to!

“Dun tayo” hinila ko siya papunta sa likod ng classroom. Napansin kong may mga nakatingin na masama sakin. Huh? Problema nila? Maguusap lang eh.

“Oh ano?!”

Kung di lang talaga para kay Trish kanina ko pa sinigawan to!

“hindi niyo ba kailangan magusap ni Trish?”

“SUS!” ang sama ng tingin sakin. Parang gusto na akong sapakin. Paalis na siya pero hinila ko siya.

“Pakinggan mo lang siya! Wala naman mawawala sayo..”

Humarap siya sakin tinulak ako sa wall ung dalawang kamay niya nasa side ng mukha ko. Tinititigan niya ako galit siya nakikita ko sa mga mata niya.

“ANO BANG ALAM MO!!”

“Lahat! Kinwento na sakin ni Trish.”

“Wala kaming dapat pagusapan.”

“Meron! Makinig ka lang kahit sandali lang. pakinggan mo lang explanation niya”

Nagulat ako sinuntok niya ang pader. Nagtinginan samin ang mga kaklasi ko. Nakita ko si Trish na naluluha nanaman.

“Bakit ka ba nakikialam? Kapag hindi ka pa tumigil magsalita baka hindi ko alam kung ano magagawa ko sayo.”

Paalis nanaman siya. Ang tigas ng ulo ng isang to! Mahirap bang makinig. Tss. Masigawan nga. Kung hindi madaan sa pakiusap edi sa dahas!

“WALA NAMAN KASI SIYANG KASA--“

Bumalik siya at..

at..

at..

at..

 H-Hi-HINALIKAN NIYA AKO! !#@!$#@%$#!!! BWISETTT! TINULAK KO SIYA! AT TINADYAK SA PAA.

“BASTOS!!”

Umalis ako at tumakbo papunta sa CR habang may tumutulong luha sa mga mata ko. Pinupunasan ko ang labi ko para maalis ang germs! TAKTE! BAT NIYA GINAWA UN! BWISET! NAKAKAGIGIL!!

“I-I-iya..”

“ANO!!”

Pagkatingin ko si Trish pala..

“Sorry..”

“Ah wala ka naman kasalanan.”

“P-p-pe-pero may nakakitang teacher sainyo. Pinapapunta kayo bukas sa principal’s office..”

“A-a-ANO SABI MO??!?!”

Second day pa lang bakit parang 1 week na. wala akong nagawa kundi umiyak. Sinamahan ako ni Trish sa clinic at sinabing masama ang pakiramdam ko kaya pinasundo ako kay mama. Pagdating namin sa bahay..

“Anong masakit sayo Baby Iya ko?”

“wala po. Aakyat na po ako.”

Umakyat na ako humiga sa kama at walang ibang maisip kundi ang mga nangyari ngayong araw na to. Hinalikan ako ng panget! ARGH! HUMANDA SIYA SAKIN BUKAS!!

“Anak dinner’s ready!”

“Di po ako nagugutom” matutulog na lang ako.. tumunog ang cellphone ko  tinignan ko ito.

[Incoming Call from Lis]

“Hello?”

“HOOOOOY! ANONG NANGYARI SAYO?!?”

“LISSSS!” Naiyak nanaman ako ng marinig ko boses ni Lis.

“Un ba ang gusto mo? Infairness na PDA pa kayo ah”

“HINDI AH!”

“Oh bakit kayo naghalikan?”

Kinwento ko kay Lis lahat ng nangyari..

“Aba’t!! Sira ulo un ah!”

“Ah Lis magpapahinga na ako ah”

“Sige.”

==End Call==

Binaba ko na ang cellphone ko para matulog. Di ako makatulog ng maayos. Ano ba yan di rin kasi mawala sa isip ko ung kung sino man ung kasama ni Justin kanina. Sanang tinignan ko na. yan tuloy nagsisisi ako. Sino kaya un? Siya na ba talaga ung hinahanap niya at dahilan kung bakit siya bumalik ng Pilipinas? Haaay. Tanong ko na lang kaya kay justin kung sino yun? Eh baka mailang siya sakin kapag tinanong ko sakanya tsaka di ko siya kayang kausapin ngayon.. nahihiya ako.. T____T

=====

Highly appreciated po ang comments. Gusto ko malaman insights niyo.. Vote ka if nagustuhan mo ang chapter na to. thank you! Love.Love.Love. :D

The PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon