Chapter 4

764 19 5
                                    

Sad si Joshh! ---> :(

Chapter 4

"Past"

[Sophia's POV]

Pagkabalik namin sa classroom nakita ko ang panget nakaupo sa chair ko. Naghahanap nanaman ata to ng away.

“HOY PANGET! Umalis ka nga diyan sa upuan ko!”

Tumayo ang panget at bigla akong sinigawan. See pumapatol sa babae bakla siguro to.

 “BAKIT BA? HINDI MO BA MASASABI YAN NG MAAYOS AT MAHINAHON?”

“Gusto mo sabihan ka pa ng mahinahon! Sus! O sige uulitin ko para sayo.” Choosy pa edi magpakasweet HOHO! “Mr. Joshua Sy pwede po bang tumayo na kayo sa upuan ko?” nagpacute ako kitang kita ko sa mukha ng panget na nagulat siya. HAHA! Effective! Lumipat agad ng upuan.

[Joshua’s POV]

Huh? Ano bang feeling nung babaeng un maganda siya? Sabagay maganda naman talaga siya. Pero bat ganun siya parang mas barako pa sakin siguro tomboy un? Sigaw siya ng sigaw sakit sa tenga. Bigla naman kasing umepal ung exchange student na un edi sana nakascore ako kanina. Nagulat din ako kasi sobrang ganda niya kaninang nakiusap siya ng maayos sakin. Ano ba tong iniisip ko? Hindi dapat ako nahuhulog sa mga ganung bagay. Parapareho lang ang mga babae mga manloloko. Naalala ko nanaman ang kasumpa sumpa kong ex.

*flashback*

Last year December 24, 2011

Napagusapan namin na sasalubungin namin ang pasko at sabay kaming magsisimba ng girlfriend ko. Exited ako kasi first time ko hindi kasama family ko sa pagsalubong sa pasko at higit sa lahat my surprise ako para sa babe ko syempre. Pinareserve ko ang isang buong restaurant nagpagawa ako ng heart shaped petals of roses na may necklace sa gitna. Meron na rin mga violinist na tutugtog pagdating niya. Candle light dinner para romantic.

“when I clapped once tumugtog na kayo ah” sabi ko sa mga violinist.

“Yes sir”

Parang magppropose na ako sakanya pero hindi pa pwede bata pa kami pero alam ko siya na ang gusto ko makasama habang buhay. Tinawagan ko siya..

[Calling Babe]

“Babe? 8pm Sunduin na kita sainyo ah?”

“Ako na lang ang pupunta diyan”

“Ha? Bakit?”

“May pinapabili pa kasi si mama”

“Ah sige. Hintayin kita ah? Sige ingat! I love you so much BABE! Mwuaah”

“I love you too”

==End Call==

Binaba ko na ang phone at hinintay siya. 9pm na wala pa rin siya. Hindi rin niya sinasagot phone niya. May nangyari na kayang masama sakanya? Maghihintay pa ako after 1 hour kapag wala pa siya hahanapin ko na siya. Umabot ng 10pm at wala parin siya. Nagpunta ako sakanila para itanong siya sa mama niya pero ito lang ang sinagot niya..

“akala ko ba kasama mo siya? Kanina pa siya umalis.”

Lumabas ako sakanila at hinanap ko siya halos maikot ko na lahat ng pwede niyang puntahan pero hindi ko parin siya nakita. Last na to kapag wala pa siya dito irereport ko na sa pulis. Pagpunta ko sa park nakita ko siya nakatayo nakikipagusap sa isang lalaki at bigla niya itong hinalikan.

“B-babe?” Kailangan ko munang siguraduhin sa siya un.

“J-j-jo-JOSH?!?!” SIYA NGA P*T@#G !#@! At ung lalaki.. UNG EX NIYA! MGA GAGO! Hinila ko siya at sinuntok ung lalaki. Napahiga ang lalaki tumayo sabay takbo. Akala ko papalag pa ang T@R@#T@DO! Gusto ko ring saktan tong isang to!

“Pasalamat ka mahal kita at hindi kita kayang saktan. Tandaan mo itong araw na ito! ito ang araw na sinaktan mo ang isang ‘JOSHUA SY’ pagsisisihan mo ang ginawa mo.”

“J-josh! Let me explain!”

“EXPLAIN? ANO PANG IEEXPLAIN MO? ANO GAGAWIN MO PA AKONG TANGA AT IDEDENY MO UNG MGA NAKITA KO? Minahal kita ng higit pa sa buhay ko pero anong ginawa mo?!”

Nakita ko siyang umiiyak. Tumalikod ako at tumakbo papunta sa kotse ko. Hinabol niya ako. Kinakatok ang window ng sasakyan ko at nagmamakaawang buksan ko ito. Gusto kong lumabas.. gusto kong punasan mga luha niya pero sinaktan niya ako ng sobra sobra..

Bumalik ako sa restaurant..

“Sir nasan na po si mam?”

“Hindi na siya darating iligpit niyo na lahat yan at baka sirain ko pa mga gamit niyo dito”

“Pero sir..”

“SABING ILIGPIT NA YAN! HINDI KA BA NAKAKAINTINDI?!?! BEER NGA!”

Lulunurin ko na lang ang sarili ko sa alak. I will drink until this pain is gone! At nagpatugtog pa ang mga hinayupak na to!!

 Over You by Chris Daughtry

♫Now that it’s all said and done. I can’t believe that you were the one.

To build me up and tear me down like an old abandoned house.

What you said when you left, just left me cold and out of breath.

I felt like I was in a way to deep, guess I let you get the best of me.

Well, I never saw it coming, I should have started running

A long, long time ago♫

“PATAYIN NIYO NGA YANG TUMUTUGTOG NA YAN!”

Naligpit na nila ang lahat, pinatay ung tumutugtog at binigay nila sakin ang necklace. You don’t deserve my heart you crumpled it like a piece of paper. Bigla na lang tumulo ang mga luha sa mga mata ko. A-a-ano ba yun? Mahal ko siya.. mahal na mahal higit pa sa buhay ko.. bakit niya nagawa un? May pagkukulang ba ako? P*tang *na!!! Lecheng buhay! Sinuntok ko ng sinuntok ang pader baka sakaling mabawasan ang sakit na nararamdaman ng puso ko.. hanggang sa dumugo na ang kamay ko. Wala na akong ibang maramdaman na sakit kundi ang sakit nung iniwan niya ako.. ipinagpalit.. simula ngayon hindi na ako maniniwala sa kahit anong sasabihin ng mga malalanding babae!! MGA MANLOLOKO!!

*present*

[Sophia’s POV]

Haaay nakakaboring naman walang magawa puro orientation lang this day. Mainis ko nga tong si Josh.

“Josh! Huiiiii!” ano ba tong hinayupak na to hindi ako pinapansin. Hinipan ko batok niya nakaupo kasi siya sa harap ko. ^__^

“ANO BA!?”

“Nakakagulat ka naman may itatanong lang ung tao eh..” Hindi ako pinansin O_O

*brriiiiinngggg*

“YES! Dismissal na!”

“TSS!” Sabay tadyak sa upuan sa harap niya tumayo at lumabas ng classroom.

Problema nun?

=====

Highly appreciated po ang comments. Gusto ko malaman insights niyo.. Vote ka if nagustuhan mo ang chapter na to. thank you! Love.Love.Love. :D

The PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon