Kabanata 5

29.3K 1.4K 542
                                    


Kabanata 5

'How to seduce someone'

'Things to make her fall'

'Top 10 tricks to make her fall for you'

'Near me love poison shop'

Malakas na napabuntonghininga si Teagan habang kini-clear history ang google niya. Gabi na pero hindi pa siya bumababa ulit, hindi niya maintindihan ang sarili.

Ano naman ngayon? Kung naka-move on na si Maiko. For pete's sake, it's been ten long years.

Naka-move on na rin siya! Tama, naka-move on na siya e.

Matagal na 'yon, madami ng nangyari. Pero bakit gano'n? Bakit naiinis siya kapag iniisip na wala na lang iyon kay Maiko, na masaya na ito. Dapat ay hindi siya maghabol dahil siya naman ang may gusto nito pero hindi niya kaya dahil kahit bali-baliktarin pa ang sitwasyon, aminin man niya o hindi, may isang parte sa sarili niyang gustong angkinin ang dalaga ulit.

Sa kanya ito noon, sa kanya pa rin ito ngayon.

Madilim na nang lumabas siya sa kwarto niya, patay na ang mga ilaw. Tanging maliit na ilaw na lang sa gilid ng pader ang nakabukas. Hindi niya alam kung bakit dumeretsyo siya sa kwarto ni Tristan.

Dahil ba anak ito ng Daddy niya kaya magaan ang loob niya sa bata?

Dahan-dahan niyang binuksan ang kwarto. Kumunot ang kanyang noo nang maabutan itong gising pa, nakayuko ito habang yakap ang dalawang tuhod.

Maingat niyang isinarado ang pintuan at kinuha ang atensyon ng bata. "Tristan?"

Gulat na napatingin sa kanya ang bata. "D-Daddy?"

Siguro ay hindi siya nito kaagad nakilala kaya mas lumapit siya. "No, this is Kuya Teagan. Why are you still awake?"

Naupo siya sa gilid ng kama ng bata, nakita niya ang malakas na buntonghininga ng bata animong may dinadamdam.

Mas umusog siya, kumunot ang noo niya dahil nakabalot sa katawan ng bata ang  kumot nito.

"Are you feeling cold? You okay buddy?"

Tumikhim ang bata saka nag-iwas ng tingin sa kanya. "O-Opo."

"Then why are you still awake? Nanaginip ka ba ng masama?" Hindi pa rin nagsalita ang bata kaya kinabahan na siya. Alam niya ang pakiramdam na walang masabihan, maaga silang nawalan ng ina at hindi naman lahat nasasabi nila sa ama. "Pwede mong sabihin sa akin kung anong problema, hindi ko ipagsasabi." Nakangiting aniya saka hinimas ang buhok ng bata.

Kamukang-kamuka nila ng kakambal ang bata, parang noong bata sila. Ngayon niya lang mas napansin iyon nang malapitan.

"H-Hindi niyo po ipagsasabi? Kahit kanino? Kahit kay Mama?"

Nag-aalangan siyang sumagot, pero sa huli ay tumango siya.

Dahan-dahan inalis ng bata ang kumot saka nginuso nito ang short. "I-I think my friend has a problem."

Nagsalubong anh kilay ni Teagan, nagpalipat-lipat ang tingin niya sa mukha ng bata at sa short.

Nang unti-unting maisip kung anong problema ay nanlaki ang kanyang mata. "Patingin!" Bahagyang napalakas ang boses niya.

Tinakpan ni Tristan ang kanyang bibig gamit ang maliit nitong mga kamay.

"W-Wag ka pong maingay..."

Mabilis siyang tumango. "Oh, yeah. Sorry. What happened? Let me see."

"Pero nakakahiya."

"I'm a man too, I have a big friend. Huwag kang mahiya, lalaki sa lalaking usapan 'to." Pang-uuto niya sa bata.

SDSS 5: GreedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon