Kabanata 4:Tumikhim si Teagan upang kunin ang atensyon ni Manang Doris. Kabababa lang niya, hindi na siya kumain ng almusal. Paano siya makakakain kung gano'n ang makikita niya sa kusina?
He should be happy for his Dad, because finally, he's happy. But no, hindi niya magawang maging masaya lalo't si Maiko ang nagpapasaya rito.
Suminghap siya para iwasan mainis. He already made a plan.
"Manang, nasaan po sila?"
"Mahabagin Diyos!" Nasapo ng matanda ang dibdib saka tumingin sa kanya, abala ito sa paghihiwa ng kung ano. "Nakakagulat ka naman Teagan."
Tipid niyang nginitian ang kasambahay. "Hmm, pasensya na po. Where are they?" medyo hininaan niya ang boses, baka isipin pa nila hinahanap niya sila. Well, hinahanap naman talaga pero ayaw niya lang malaman ng mga ito.
"Ah. Si Sir Benedict at Tristan ay umalis, papagupitan daw si Tristan." Bumalik na sa paghihiwa ang matanda, hindi pa siya umalis. Tumikhim siya at nagkunwaring sinisipat ang mga prutas sa ibabaw ng lamesa.
Oh, ano 'to apple?
"Eh 'yong g-girlfriend ni Daddy? Ano kasi pangalan no'n, Maila?" kunwaring walang pakialam na sabi niya.
"May pangalan siya Teagan, Maiko."
"Oo nga, Manang."
"Nasa labas siya, sa pool. Mahilig ang batang iyon lumangoy."
Kumunot ang noo niya, lumangoy? Maiko can't swim, ilang beses na silang nag-beach kaya alam niya, hanggang beywang lang lagi ang pinupuntahan nito dahil natataranta na ang dalaga kapag hindi naitatapak ang paa sa sahig.
"But she can't swim," mahinang sabi niya.
Kumunot ang noo ni Manang Doris. "Huh?"
Umiling siya saka malalaking hakbang papunta sa labas. Let's start the plan.
**
MAIKO is having a peaceful morning. Warm water, hot sunlight. Tamang-tama lang sa kanyang balat, nagpapalutang siya sa swimming pool nang makarinig nang tunog ng tubig tanda na may lumusong.
Is it Benedict or Tristan? Nakauwi na ba sila? Ang bilis naman ata.
Sa isipin na ang anak iyon ay kaagad siyang dumilat pero bago pa siya makatayo ay may braso nang pumalupot sa kanyang beywang at hinila siya paangat.
Malakas siyang napasinghap nang makita si Teagan. "What the hell are you doing, Maiko?" sigaw nito.
Naramdaman niya ang mainit nitong katawan dahil sa suot niyang bikini. Malakas niyang itinulak ang lalaki palayo sa kanya.
"I-Ikaw ang dapat tanungin ko nyan, ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" Doon niya lang napansin na bihis na bihis pa ito.
Did he just jump into the pool?
Sinuklay ng lalaki ang buhok sa inis saka hindi makapaniwalang umiling at tumawa animong may nakakatawa saka bumuntonghininga.
Nababaliw na talaga.
Kinuha niya ang pagkakataon na iyon upang makalayo sa lalaki, lumangoy siya papunta sa kabilang gilid. Gusto sana niyang umahon pero kinakain siya ng hiya, naka-bikini lang siya at nasa malayo ang kanyang tuwalya. Bakit ba nakalimutan niyang kahit anong oras ay pwedeng pumunta rito si Teagan? Akala niya kasi ay magkukulong na ito sa kwarto.

BINABASA MO ANG
SDSS 5: Greed
Ficción GeneralSEVEN DEADLY SINS SERIES 5: 𝐆𝐑𝐄𝐄𝐃 After Maiko's parent death, she decided to live on her own and not rely to her other relatives. Everything is fine. She's a working student and she has a sweet and responsible boyfriend - Teagan Flavier. Destin...