Kabanata 1:"Ladies and gentlemen, this is Captain Teagan Flavier; we have landed safely. Local time is five in the afternoon. For your safety and comfort, please remain seated with your seat belt fastened until the Captain turns off the Fasten Seat Belt sign. Thank you for choosing AirFlav Airline, thank you for flying with us. Have great night!" Hinilot ni Teagan ang batok pagkatapos patayin ang mikropono.
Sa wakas, makakapagpahinga na rin siya ng ilang linggo pagkatapos ng lipad na ito.
Masyado siyang naging abala sa mga lumipas na buwan. Ni hindi nga siya nakauwi nang manganak ang matalik niyang kaibigan na si Anika sa una nitong anak. He missed his nephew's christening. Gustong-gusto na rin niyang asarin ang kapatid, nakakamiss din pa lang makita ang inis na mukha ng kakambal.
"Captain, thank you for the safe flight," bati sa kanya ng isang matandang negosyante nang makasalubong niya ito sa labas.
Kakilala na niya ito dahil hinawakan din naman niya ang negosyo ng Ama na Travel Agency noon. Isa ito sa mga nakilala niya sa Davao.
"It's my job, Don Agusto." Nakangiting sabi niya habang hila-hila ang maleta.
"I met your Dad last month, he mentioned that you dropped your position in his company?" usisa ng matanda, ang buhok nito ay pinaghalong abo at itim na, halos kasing edad lang ito ng ama niya.
"Yes. Gusto ko sanang mag-focus sa pagiging Piloto. We already talked about this," sagot niya.
Hindi nakatakas sa kanyang paningin ang pagbaling ng ibang flight attendant na nadadaanan sila.
Oh, damn girls.
Tumaas ang sulok ng kanyang labi saka inalis ang suot na salamin, palihim niyang kinindatan ang isang babae na malagkit ang tingin sa kanya, nakita niyang namula ang mukha nito.
As expected huh.
Napalingon siya sa matanda nang humalakhak ito. "Ganyan na ganyan din kami ng ama mo noong kabataan namin. Nga pala, kailan ang kasal niya?" Nakangiting sabi ng matanda.
Kumunot ang kanyang noo. "Kasal po? Nino?"
"Ng Daddy mo? He informed me last month about this woman. Mukhang seryoso na siya." Tinapik ng matanda ang kanyang braso. "Matanda na rin ang ama mo. Ibigay niyo na ang gusto. Oh sige, mauna na ako sa'yo Captain Flavier nandyan na pala ang anak ko." Pinanuod niyang makalayo ang matanda, sinalubong ito ng isang babae.
Naningkit ang kanyang mata habang inuulit ang sinabi ng lalaki. Ang ama niya? Ikakasal? What the hell?
Nang makarating sa bungad ay nakita niya ang isang babaeng kumakaway. "Hi, Kuya T. Ang pogi naman, hehe. Wala ka bang kaibigan pogi dyan tapos single?" bungad sa kanya ng pinsan na babae na si Mia.
Ginulo niya ang buhok nito. "Ikaw ang sundo ko?"
"Bakit parang ayaw mo?" Humalukipkip ang pinsan kaya natawa siya.
"I'm just expecting Denver or Dexter, because Kuya Devon told me, not you, Mia Kaliah Deign Flavier," sagot niya. Mas lalo siyang natawa nang tumirik ang mata ng nakababatang pinsan dahil sa sinabi niya.
"Duh, ew. Kuya. Mia na lang, sila Mommy at Daddy lang naman tumatawag sa akin ng ganyan."
Tinulungan siya ng pinsan na ipasok ang dalang maleta sa kotse na dala nito.
"Speaking of your Daddy, how's Tito Dimitri?" tanong ni Teagan habang inaayos ang seatbelt.
Binuhay ng pinsan ang kotse. "Gano'n pa rin, lagi silang nasa bakasyon ni Mommy akala mong mga teenager well hindi ko naman sila masisi, sinusulit lang nila ang mga panahon na magkasama sila." Masayang pahayag ng pinsan habang nagda-drive.
Tipid siyang napangiti. Everyone around him is happy and contented. But him? Bakit gano'n, kahit nakuha na niya ang gusto niya ay parang may kulang pa.
Ipinikit niya ang mata upang maka-idlip. Hindi niya alam kung ilang minuto siyang nakapikit. Parang tulog siya pero gising ang diwa niya, napabalikwas siya sa pagkakaupo nang biglang prumeno si Mia dahilan para mapakapit siya sa seatbelt.
"Punyeta!"
"Holy fucking shit!" sabay nilang sabi ng pinsan.
Gulat na napatingin siya sa pinsan, nanlalaki ang mata nito habang nakatingin sa harapan kaya napatingin din siya roon.
Doon niya nakita ang isang bata na may hawak na bola na nasa gitna ng daan.
Mabilis lumabas si Mia, sinundan niya ang pinsan. Nakahinga siya nang maluwag nang mapansin malayo pa ang kotse sa bata.
Kung hindi, ang bakasyon niya ay baka igugol nila ng pinsan sa kulungan.
"Ayos ka lang ba? Ikaw naman kasi tawid ka nang tawid, walo ba buhay mo? Anak ng tipaklong naman." Narinig niyang wika ng pinsan habang sinisipat ang bata.
Mas lumapit siya sa batang lalaki. Nag-angat ito ng tingin sa kanya, kumunot ang kanyang noo habang nakatingin sa bata.
Bahagya siyang yumukod upang pantayan ang mukha nito. "Are you okay?" tanong niya, mga nasa sampong taon na ito.
"O-Opo, sorry po. H-Hinabol po kasi ni Tigan 'yong bola ko, kaya hinabol ko rin siya." Bumaba ang tingin niya sa tinuro ng bata.
Doon niya napansin ang isang puting aso, hindi pala ang bola lang ang hinabol ng bata.
Ginulo niya ang buhok nito. "Next time don't do that okay? Kung maglalaro ka ay huwag sa tabing kalsada, delikado."
Mabilis tumango ang bata at hinawakan ang tali ng aso.
"Sorry po, thank you alis na po ako baka hinahanap na ako ng Daddy ko." Nagtatakbo ito palayo.
Nagkatinginan sila ng pinsan. Iiling-iling na hinagis nito ang susi sa kanya. "Ikaw na nga mag-drive, Kuya. Ayoko na, nanlalambot tuhod ko."
Wala siyang nagawa kung hindi ang magdrive hanggang makarating sa bahay ng ama. Hindi na bumaba si Mia dahil pupuntahan pa raw nito ang kaibigan.
Hila-hila niya ang maleta papasok sa bahay.
Unang naabutan niya ay ang kasambahay ng ama na si Manang Doris. Lumawak ang ngiti nito saka siya nilapitan, nagmano siya sa matanda.
"Lalo kang gumanda, Manang."
"Nako, iho ikaw ha. Hindi namin alam na rito ka tutuloy, walang nasabi ang ama mo? Akala ko sa condo mo ikaw uuwi," ani ng matanda.
Ngumiti siya.
"Gusto ko sanang kausapin si Daddy." Bigla nagbago ang isip niya dahil sa sinabi ni Don Agusto sa Airport. Gusto niyang makumpirma sa ama.
Magsasalita pa sana ang babae nang may makarinig sila ng boses, sabay silang napatingin sa babaeng pababa sa hagdaanan.
"Manang, nakauwi na po ba si Benedict at Tristan?"
His mouth fell open when he saw a familiar woman-Maiko.
What the hell?
***

BINABASA MO ANG
SDSS 5: Greed
Ficción GeneralSEVEN DEADLY SINS SERIES 5: 𝐆𝐑𝐄𝐄𝐃 After Maiko's parent death, she decided to live on her own and not rely to her other relatives. Everything is fine. She's a working student and she has a sweet and responsible boyfriend - Teagan Flavier. Destin...