Kabanata 10Napabalikwas ng bangon si Teagan dahil sa isang panaginip. No, that was not just a dream, it's his memory with Maiko.
They met in Italy, Maiko gave him a chance after weeks of chasing. God knows how he waited for her, alam ng Diyos kung paano niya pinagdadasal si Maiko gabi-gabi habang magkalayo sila.
Called him greedy, for wanting more for them. Pero iyon ang naiisip niyang tama sa panahon na iyon.
After that make love, they got married. Tinulungan sila ng kakilala niyang abugado. Civil wedding lang.
Sa gabi ng kasal nila, habang nasa laot sila ni Maiko ay bumagyo. Tandang-tanda pa ni Teagan paano siya natumba nang tumama ang kanyang ulo sa railings ng yacht.
Mariin siyang napapikit.
He forgot his wife at the day of their wedding. Damnit!
Kaya pala nagising siya no'n sa isang hotel ay parang may kulang, parang may nawawala sa kanya. Kaya nga ginawa niyang abala sa mga biyahe ang sarili bago umuwi ng Pilipinas dahil kakaiba ang pakiramdam niya.
And then, pagkauwi niya... nasa bahay na nila si Maiko.
Ibig sabihin sinundan lang siya pauwi ni Maiko, wala talagang relasyon ang ama niya at si Maiko?
Nasapo niya ang ulo dahil sa mga impormasyon na bigla na lang niya naalala, mga pangyayari na nakalimutan niya. Bakit naman sa dami ng makakalimutan... bakit 'yong nangyari pa sa Italy?
Unti-unti niyang naisip ang lahat. Kaya pala, hindi sila hinahanap ng ama... Alam ni Daddy niya ang lahat, si Don Agusto ang ama ni Maiko.
Holy shit!
Sa kanya si Tristan, sa kanya rin ang dinadala nito. Sa kanya si Maiko.
Alam din ni Tristan, of course! Oh God.
Suminghap siya nang bumukas ang pintuan at sumilip si Maiko, kakauwi lang nila galing sa airport. Buong araw nilang inayos ang problema, mabuti na lang at walang nasaktan.
Nakaidlip siya sandali sa sobrang pagod, hindi niya alam na babalik lahat.
Kinalma niya ang sarili habang taimtim na nakatingin sa asawa...
Asawa, God! I'm so lucky to have her.
Gusto niyang sabihin kay Maiko na naaalala na niya lahat, na naaalala na niya ang nangyari sa Italy. Kaya ba ito masungit? Kaya siya nito tinutulak palayo dahil gusto ng babae na makaalala muna siya?
Gusto na niyang lumuhod sa harap nito at humingi ng kapatawaran pero inayos niya ang sarili.
Sabi nga ni Maiko, walang magagawa ang sorry. Kailangan niyang itama ang lahat ng mali.
"H-Hey, baby." He greeted her.
Bahagyang tumabingi ang ulo ni Maiko bago umupo sa gilid ng kama, kasalukuyan silang naka-check in sa isang hotel.
"Naka-idlip ka? Um-order na ako ng pagkain, hinihintay ka ni T-Tristan..." Gusto na niyang sunggaban ang babae.
Kaya pala gano'n na lang ang reaksyon niya nang makita niya ito sa bahay nila. Pero teka, hindi ba't sa isang kwarto lang sila natutulog ni Daddy? O palabas lang nila 'yon?
What the fuck?
How about Reagan and Anika? Alam ba nila?
"Hey, ayos lang ka lang ba? Tulala ka dyan."
"A-Ah, ayos lang ako. May naisip lang ako. H-Hmm. Hindi ka kaya hanapin ni Daddy, ilang araw na tayong wala sa bahay parang walang ginagawa si Daddy para mahanap kayo." He tried her.
![](https://img.wattpad.com/cover/207893822-288-k544196.jpg)
BINABASA MO ANG
SDSS 5: Greed
Genel KurguSEVEN DEADLY SINS SERIES 5: 𝐆𝐑𝐄𝐄𝐃 After Maiko's parent death, she decided to live on her own and not rely to her other relatives. Everything is fine. She's a working student and she has a sweet and responsible boyfriend - Teagan Flavier. Destin...