Kabanata 9:Six months ago...
DAHAN-DAHAN lumuhod si Teagan sa harap ni Maiko, kita niyang namumula ang mata nito.
Dalawang linggo pa lang simula nang magkita sila sa Italy pagkaraan ng ilang taon. May pinuntahan siyang business doon kasama ang totoo niyang ama, gano'n na lang ang gulat niya nang makita ang Piloto ng sinasakyan nilang ereplano.
Simula nang araw na iyon ay kinukulit na siya ng lalaki, hindi lang iyon. Kung saan silang building naka-stay ay roon din ito naglagi, katabing-katabi ng kwarto niya.
Ilang beses na niya itong tinulak palayo, ayaw niya.
Masaya na sila ng anak niya kaya hindi niya alam kung bakit bigla na lang itong susulpot.
"Can you understand what I've said? Ayoko nga makipagkaibigan sa'yo! Bakit ba ang kulit mo?!"
"Edi jowain mo na lang ako please!" ani Teagan, may kasama pang kamay.
Pilit niyang hinihila ang lalaki patayo, he's too drunk.
"Ano ba Teagan! Nakakahiya. Hindi natin 'to bansa, umayos ka nga! Lasing na lasing ka na. Iiwan talaga kita rito!"
"Don't leave me please! Baby. Ano pa ba dapat ko gawin para patunayan sa'yong nagbago na ako?" Naduwal ito, saka pagapang na pumunta sa gilid ng yacht kung nasaan sila at doon sumuka.
Napangiwi siya saka kumuha ng tubig sa lamesa, sino ba naman kasing tangang nilaklak ang buong case.
Naabutan na lang niya ang lalaki sa Yatch na umiinom, kung hindi pa siya tinawagan ng ama ay hindi niya malalaman.
Nag-usap sila kanina at sinabi niyang ayaw na niya, masakit talaga ang ginawa ng lalaki at hindi pa siya handa. Hindi naman niya alam na maglalasing 'to.
Inabutan niya si Teagan ng tubig, sumandal ito sa railings habang mapungay ang mata na nakasalampak.
Lumuhod din siya upang magpantay silang dalawa.
"Tingin mo ba babalikan kita kung ganyan ang ginagawa mo?"
Malungkot itong umiling. "I-I already explained baby. Hindi ba, sinabi ko naman sa'yo ginawa ko lang 'yon kasi kailangan ko. M-Mahal na mahal kita, pero kailangan kong mamili. Your real father threatened me, h-hiwalayan kita at mapapaganda ang buhay mo. Makakapag-aral ka nang maayos, magkakaruon ka ng bahay na maayos, ng pamilya. I-I'm not that bad, hindi ko kayang ipagdamot ang bagay na 'yon sa'yo para lang sumaya ako. Okay na magmukha akong masama sa'yo kaysa magkasama nga tayo hindi mo naman nakuha ang mga bagay na deserve mo... please... believe me."
Parang may kumurot sa puso niya sa sinabi ni Teagan, ang totoo ay nasabi na iyan ni Teagan noon nakaraan silang nag-usap.
Alam niya.
Her father, confessed to her.
Hindi rin daw alam ni Teagan na si Don Agusto ang totoo niyang ama, dahil noon pinagbabantaan niya ang binata ay laging ang alalay lang nito ang pinapapunta sa binata.
Sobra siyang nagalit noon sa ama, pero unti-unti ay naisip niya lahat ng ginawa nito.
Hinawakan ni Teagan ang kamay niya saka masuyong niyakap, kinagat niya ang ibabang labi upang pigilan ang mapaiyak.
"Huli na ba ako? S-Sinubukan ko naman Maiko. Ikaw pa rin kahit lumipas na ang panahon, sa'yo pa rin tumitibok ang puso ko. Please take me back. I promised, I won't hurt you again."
"Saka na tayo mag-usap kapag hindi ka na lasing, ang daldal mo na."
"Pero m-mahal kita. Mahal nga kita, baby? Can't you hear me? Mahal nga kita."
BINABASA MO ANG
SDSS 5: Greed
General FictionSEVEN DEADLY SINS SERIES 5: 𝐆𝐑𝐄𝐄𝐃 After Maiko's parent death, she decided to live on her own and not rely to her other relatives. Everything is fine. She's a working student and she has a sweet and responsible boyfriend - Teagan Flavier. Destin...