Kabanata 8

27.5K 1.4K 181
                                    


Kabanata 8:

NAPAKASABUNOT sa ulo si Teagan nang mamatay ang tawag sa kanya ng secretary niya sa maliit na airport niya na ipinatayo sa clark. Kakabalita lang nito na nagkaruon ng magsabog sa labas, may isang kotseng sumabog sa mismong abangan pa ng nga lumalabas sa private airport kaya may mga nasugatan.

Kailangan niyang pumunta sa roon.

Magdadalawang araw pa lang sila sa isla nila Maiko at Tristan, nakuha na niya ang loob ng bata pero si Maiko, tuwing nagkakausap sila ay laging nauuwi sa sagutan.

Hindi pa sila pwedeng umalis, naipangako niyang aalis lang siya kapag mahal na ulit siya ng babae.

Mariin siyang napapikit.

Ayaw ko na iwan si Maiko, ayoko na mamili ulit.

**

NARINIG ni Maiko ang usapan ni Teagan at sekretarya nito. Kitang-kita niya ang pagkabalisa sa mukha ng lalaki, tuluyan niyang binuksang ang pintuan kaya napalingon sa gawi niya si Teagan.

Ang problemadong mukha nito ay napalitan ng ngiti.

"Hey, gutom na ba kayo? Magluluto na ako, ano bang gusto niyong almusal?" tanong ng lalaki sa kanya saka mabilis tumayo.

Alam niyang nagpapanggap lang itong ayos.

"You don't have to pretend, stop pretending Teagan. It's okay."

Unti-unti ng nawala ang ngiti sa labi ni Teagan, dahan-dahan napaupo ang lalaki sa kama at doon napayuko.

Parang may kumurot sa kanyang puso nang unti-unting namula ang mata ni Teagan, nasapo nito ang sariling mukha. Mabilis siyang lumapit sa binata, sumubsob ang lalaki sa kanyang tiyan at mahigpit niyakap ang kanyang beywang.

"T-Teagan..."

"Maiko, hindi ko na alam ang gagawin ko. N-Natatakot akong may mapahamak na naman dahil sa akin." Mas humigpit ang yakap ng lalaki sa kanya.

Unti-unti niyang inangat ang kamay upang haplusin ang buhok ng lalaki.

"Don't say that, aksidente iyon."

Marahas umiling ang lalaki habang yakap pa rin siya.

"My Mom died because of me, Maiko. A-Ako talaga ang may kasalanan. K-Kung hindi kami nangielam sa kusina, kung hindi ako nagmagaling sana ay buhay pa si Mommy. Sana hindi sinisisi ng ibang tao si Reagan. P-Pakiramdam ko ako lahat ang may dahilan, k-kung bakit miserable si Daddy sa lumipas na panahon. P-Pakiramdam ko obligasyon ko iyon. H-Hanggang ngayon dala-dala ko iyon, hindi ko kakayanin kung may mamatay na naman dahil sa akin. N-Natatakot na ako."

"Walang mamamatay, walang napapahamak, Teagan. Fix yourself okay?" Masuyo niyang hinimas ang likod ng lalaki.

Nag-angat ito ng tingin sa kanya.

"U-Uuwi na tayo sa Pampanga. Pwede ba kayong sumama sa akin ni Tristan? Please don't leave me. I need you."

Sandali niyang tinitigan ang lalaki bago tumango. "Sige, sasama kami. Ayusin mo na ang sarili mo. Kakausapin ko lang si Tristan."

Mabilis niyang pinuntahan sa sala ang anak, ipinaliwanag niya ang nangyayari. Nang makababa si Teagan ay alam niyang balisa ito dahil abala ito sa telepono.

"May problema ba, T?"

"Wala nga pala ang helicopter dyan, kinuha kaninang madaling araw ng pinsan ko dahil gagamitin papuntang Davao. Ngayon ko lang naalala." Kinamot nito ang noo habang may pinupindot sa telepono animong may tinatawagan. "Hello dude? Yeah, this is Teagan. Hmm, nandyan ba ang chopper mo?—ah, inarkila?—hmm okay thanks bye."

Mariin napapikit si Teagan, alam na niyang wala silang masasakyan pauwi gamit ang himpapawid.

"Pupunta ako sa kabila, baka may masasakyan bangka at—" Kaagad niyang pinutol ang sinabi nito.

"No!"

"Ha?"

"H-Huwag bangka. Huwag sa tubig. Pahiram ako ng phone mo." Inilahad niya ang kamay sa harap ng lalaki.

Kahit nag-aalinlangan ay inabot sa kanya ng lalaki ang telepono. Mabilis niyang tinipa ang isang numero doon, wala pang tatlong ring ay sumagot na ang tinatawagan niya.

"Hello? Sino 'to?" boses ng isang babae. Awtomatikong naka-loudspeaker iyon kaya alam niyang maririnig ni Teagan.

"This is Maiko, pwede ko bang makausap si Don Agusto?" sabi niya habang hindi inaalis ang tingin kay Teagan, nakita niyang kumunot ang noo nito.

"Oh, Maiko! Sige teka lang, tawagin ko lang si Daddy."

Sandaling natahimik sa kabilang linya bago nagsalita ang matanda.

"Maiko, iha?"

"Papà, I need your help. Kailangan ko ng helicopter na magsusundo sa amin sa—" Sinabi niya ang lugar kung nasaan sila, sinabi iyon ni Teagan kagabi. "I'm with my son and Teagan. May emergency po."

"Okay, give me thirty minutes. Ano pa, anak?"

"Wala na po, saka na lang po ako magku-kwento sa inyo. Bye, Papà."

"Bye iha, and oh... please say hi to Captain Flavier for me." Namatay na ang tawag ng ama.

Nagkatinginan sila ni Teagan na naguguluhan. Tumingin siya sa anak. "Tristan, kunin mo na mga iuwi mo sa kwarto. Susunduin tayo ni Lolo Papa."

Mabilis sumunod ang anak, ibinalik niya ang telepono kay Teagan.

"Don Agusto? The businessman? Papa? Anong ibig sabihin—hindi ba patay na ang magulang mo?" takang tanong ni Teagan.

Tipid siyang ngumiti.

"Mahabang istorya, my Mom got married to my Dad but she was pregnant that time... si Don Agusto ang totoo kong Daddy and yeah, I discovered everything a year after our break up."

"K-Kung gano'n mayaman ka?" Hindi makapaniwalang sabi ni Teagan.

Humalakhak siya. Mayaman? Ang ama niya, hindi siya.

"Bakit, iniisip mo bang papakasalan mo dahil sa pera? Kung iyon ang tingin mo, nagkakamali ka. May iba akong dahilan."

Sumama ang mukha ng lalaki. "Alam ko naman hindi ka gano'n."

"Mabuti." Mabilis siyang tumingkayad at hinalikan ang lalaki sa labi.

Kitang-kita niya ang panlalaki ng mata nito, napatakip pa ito sa sariling bibig pagkahiwalay ng labi nila kaya natawa siya.

"W-What..."

"Remember me, husband."

***

SDSS 5: GreedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon