Kabanata 3

30.2K 1.5K 540
                                        

Kabanata 3:

Naka-krus ang mga hita at sumisimsim ng kape si Maiko nang pumasok sa kusina ang lalaking akala niyang hindi na niya makikita pagkaraan ng sampong taon. Napataas ang kanyang kilay nang makitang maitim ang ilalim ng mata nito.

A Pilot huh? Good for him.

Ang totoo ay nabigla siya sa pagsulpot nito kagabi kahit pa alam niyang anak ito ni Benedict.

Naalala niya kung paano sila binalot ng katahimikan habang kumakain kagabi, hanggang matapos ay gano'n. Wala rin naman siyang sasabihin at gusto niyang bigyan ng oras ang mag-ama na mag-usap.

Maybe Teagan is uncomfortable because she's his ex. Yeah, kahit naman siguro sino ay maiilang. Normal lang na reaksyon kaya naiintindihan niya.

Nagtama ang mata nila ng lalaki, mas lalong nalukot ang mukha nito.

"Wake up on the wrong side of the bed huh?" Maiko commented then sipped her black coffee.

"I haven't slept yet," he replied with the tone of accusation.

Para bang kasalanan niya iyon, napataas ang kanan niyang kilay. Ten years had passed, he's still blaming other people. That's his attitude that he can't avoid. Until now.

"Hmm."

"What hmm, Maiko?" mahina ang boses ng binata animong natatakot itong may makarinig sa kanila. "What's the meaning of this? Bakit hindi ko 'to alam?"

Humigop siya ng kape. "Hindi ko alam na kailangan kong sabihin sa'yo, Teagan."

Napamaang ang lalaki, inilagay nito ang dalawang kamay sa beywang.

"Of course! I need to know. You're my ex and my Dad is older—"

"That's it. I'm just your ex and your Dad is in his right age. We can decide on our own," kalmadong sagot niya sa lalaki.

"So alam mo na anak ako ni Daddy?"

"Malamang." Tumawa si Maiko. Anong klaseng tanong 'yan? "Nagkita na kami ni Reagan, akala ko nga ikaw siya pero no'ng hindi niya ako pinansin nalaman kong hindi. Madaming tanong si Teagan, tahimik lang si Reagan. I noticed."

Gumalaw ang panga ng binata na para bang may nasabi siyang masama. "Dapat umpisa pa lang alam mo na hindi ako 'yon." Para bang nasaktan ito.

Nagkibit-balikat siya. "Magkamukha kayo."

Sasagot pa sana ang lalaki nang may kumalabit sa likod nito. "Padaan po."

Tumabingi ang ulo niya nang makita ang anak na si Tristan, kunot ang noo nito habang kinukusot ang mata.

"Good morning po, Kuya Teagan."

Nakita niyang umawang ang labi ng binata bago gumilid upang makadaan ang anak niya, dumeretsyo ang anak sa kanya saka siya niyakap at sumiksik sa kanyang leeg.

Napangiti siya saka hinimas ang ulo nito.

"Good morning Mama. Hindi ba po bawal sa'yo ang kape? Bawal kay baby  natin?" tanong ni Tristan sabay himas sa tiyan niya.

Hindi iyon gano'n kalakihan, maliit lang kumpara sa iba.

Kapag nga nagsusuot siya ng dress na maluluwag ay hindi naman halata lalo't may kalusugan ang kaniyang dibdib at balakang.

Natawa siya sa sinabi ng anak, mula sa gilid ng mata ay alam niyang pinapanuod sila ng binata.

"Pwede naman basta naka-sukat 'yong kape na ilalagay, anak. Hindi naman madami, moderate amounts are safe," paliwanag niya.

Napatango ang anak animong tinatandaan nito ang sinabi niya.

Lumikha ng ingay ang paghila ng upuan ni Teagan. "So you're pregnant."

Hindi siya nagsalita, ayaw niyang pag-usapan ang bagay na iyon ngayon.

"Yes po, Kuya Teagan. May baby kami nasa tiyan pa siya ni Mama, doon kasi nilagay ni Papa Jesus, binigay niya sa Daddy ko tapos nilagay ni Daddy ko sa tiyan ni Mama para lumaki tapos kapag okay na lalabas na siya, parang nagluluto sa oven pero tiyan ni Mommy ang oven namin pero 'yong baby namin bawal kainin," paliwanag ng anak niya na may kasama pang kamay.

Lumamlam ang kanyang mata. I hope my son will stay innocent and pure. Gosh, I can't imagine him someone breaking him.

Napatingin siya kay Teagan, he looks so amused and thrilled.

"K-Kuya?" ani Teagan.

Masayang tumango ang anak niya saka tumakbo papalapit sa lalaki, parang may kumurot sa puso niya nang yumakap ang anak sa beywang ni Teagan. "Anak ka po ni D-Daddy Benedict hindi ba? So Kuya na po kita?"

Napakurap-kurap si Teagan saka tumikhim animong hindi alam ang sasabihin.

Doon naman pumasok sa kusina si Benedict, lumawak ang ngiti nito nang makita silang tatlo sa kusina.

Umalis sa pagkakayakap ang anak niya kay Teagan saka sinalubong ang lalaki, hindi nakatakas sa paningin ni Maiko ang pag-iwas ng tingin ni Teagan.

"Daddy!"

Tumawa si Benedict saka binuhat ang anak niya kahit pa malaki na ito. "Benedict, huwag mo na kargahin si Tristan. Mabigat na 'yan."

"Hayaan mo na, hindi ko naman 'to nagawa noon. Kumain ka na ba Tristan, anak? What do you want for breakfast? Rice or bread?" Kumuha ito ng isang upuan at inilapag doon ang anak bago tumingin kay Teagan. "Oh, Teagan. You wake up early huh?"

"Hmm."

"Dito ka ba mag-i-stay? Hindi ka ba uuwi sa condo mo o bibisitahin sila Kuya mo at Anika sa Tagaytay?"

"Am I not welcome here anymore?"

Humalakhak ang lalaki. "Of course you're always welcome here, anak. Hindi lang ako sanay na nandito ka, kadalasan kasi ay abala ka sa iba't ibang babae."

Lumapit si Benedict sa kanya, nagtama ang mata nila ni Teagan nakita niyang gumalaw ang panga ng binata saka sumandal sa upuan.

"Ang aga mo naman nagising, Hon? Wala ka na nang magising ako," ani Benedict sa tabi niya, malambing ang boses nito.

Hinimas pa ng lalaki ang kanyang buhok.

"Nagugutom na kasi ako, natakam ako sa kape kaya bumaba na ako. Nakapagluto na rin si Manang ng almusal, nasa likod siya at naglalaba na."

"You're sleeping together?" Sabay silang napalingon kay Teagan, nakakrus na ang mga braso nito sa harap ng dibdib.

"Uh? Yes. Why?" ani ng ama ni Teagan.

"Hindi pa kayo kasal, Daddy."

Malakas na natawa ang ama. "Pero may dalawa na kaming anak."

Hindi nagsalita si Teagan bagkus ay tumango lang ito at lumabas sa kusina. Hinigop niya ang huling natitira sa kape hanggang tuluyan mawala sa paningin nila si Teagan.

Nagkatinginan sila ni Benedict saka parehas natawa.

Dumb.

***

SDSS 5: GreedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon