Kabanata 6

29.4K 1.4K 288
                                    


Kabanata 6:

"Saan ba tayo pupunta, Teagan? Akala ko ba pinapatawag ako ni Benedict sa opisina?" takang tanong ni Maiko habang nagda-drive si Teagan.

Dalawang araw na ang lumipas noong huli silang nagkausap sa pool, simula no'n ay pansin niya ang pagkalapit naman ni Teagan at ng anak.

Natatakot siyang baka isa na naman ito sa mga laro ni Teagan.

At ngayon umaga ay nagising siya sa katok ni Teagan, maaga raw umalis ang ama papunta sa opisina at pinapasundo siya dahil may kailangan pag-usapan pero nagulat siya nang hindi sila huminto sa lugar kung nasaan ang Travel Agency.

Hindi siya pinansin ng binata bagkus ay pumito-pito pa ito habang binibilisan ang pagpapatakbo ng kotse.

Hinawakan niya ang tiyan sa sobrang kaba, sasapakin niya talaga ang lalaking 'to kapag may hindi nangyari sa kanila.

"Teagan ano ba? This is not funny!"

"Tsk, kung hindi pa kita kikidnapin ay hindi mo pa ako kakausapin."

"A-Ano?"

"Bakit hindi mo ako kinakausap sa bahay huh? Kung daan-daanan mo ako ay gano'n lang. You know, you're hurting me."

Napapantastikuhan niyang tinitigan ang lalaki.

"Wala naman tayong dapat pag-usapan, dapat ba makikipag-apir ako sa'yo kapag makakasalubong kita?"

Hindi siya nito sinagot, kinabig nito ang manibela pahinto sa isang gasulinahan, kinuha ng lalaki ang telepono at may tinawagan.

Mariin siyang napapikit, she left her phone. Damn it.

"Hello, we're here-what color? Kuya's sport car? Okay oh-I saw it. Bye." Kunot-noo na lang siya habang hinihintay ang gagawin ng lalaki.

Pinaandar nito ang kotse papalapit sa isang sport car na kulay pula. Napakurap-kurap siya nang bumaba ang bintana no'n at makilala niya ang sakay.

Anika and Reagan. Teagan twin brother and bestfriend, they are already married.

Mabilis niyang binaba ang bintana.

"Anika!" tawag niya sa babae, kahit papaano ay nakapalagayan na rin niya ito ng loob.

She's nice and sweet.

Kumaway ito sa kanya. "Hi, Maiko. How's the preggy girl?"

"I-I need to go home, nababaliw na ata si Teagan. Kinidnap niya ako at-what the hell?" mahinang sabi niya nang buksan ni Reagan ang backseat.

Doon tumambad ang anak niya na may hawak na cellphone, napangiwi si Anika sa naging reaksyon niya.

Bakit nandito ang anak? Ang alam niya ay sinama ito ni Benedict.

"Sorry Maiko, my bestfriend asked me this favor." Sinara na nito ang bintana.

Hindi makapaniwalang napatingin siya sa kambal na nag-uusap sa labas.

"Daddy will surely kill you for this." Rinig niyang sabi ni Reagan.

"Ayos lang, panahon na para sumuway sa kanya. You know, I tried. For the past years, sinunod ko lahat."

"Should I call Kuya Devon? In case na kasuhan ka ni Daddy sa gagawin mo ay may abugado ka," ani Reagan habang may ngisi sa labi, nilingon siya nito bago ibalik ang tingin sa kapatid.

Humalakhak si Teagan."Yeah, I need a best lawyer."

"Hmm, I did my part. Do your part brother. Have a great vacation." Tinapik nito ang balikat ng kapatid at may inabot na susi saka sumakay sa sport car at mabilis umalis sa lugar na iyon.

SDSS 5: GreedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon