WAKASKINAGAT ni Teagan ang kanyang labi habang nasa dulo ng eroplano habang pinapanuod ang asawa na naglalakad papalapit sa kanya. Ginanap sa loob ng private airplane ang kanilang kasal.
Halos bumaon na ang ngipin niya sa ibabang labi para pigilan maiyak, masiyadong mababaw ang kanyang luha.
Naramdaman niyang tinapik ng bestman ang kanyang balikat, his brother, Reagan.
"You can cry, if you want."
"Sayang make up," biro niya sabay silang napa-halakhak.
Hindi niya maiwasan mapangiti kahit nangingilid na ang luha, sinabi niya kahapon na kahit anong mangyari ay hindi siya iiyak.
Lalaki siya! Matigas!
Pero kapag nasa mismong sitwasyon na pala ay iba na, kahit ayaw mo ay maiiyak ka dahil unti-unti mong maalala lahat ng pinagdaanan niyo, lahat ng sakripisyo, lahat ng mali.
Sabi nga nila, hindi naman kailangan laging maging tama. Sa buhay ay makakagawa tayo ng mga desisyon na labag sa kalooban natin pero kailangan natin gawin para sa makakabuti.
Pinagsisisihan niya noon na iniwan niya si Maiko, pero habang tumatagal naisip niyang tama lang. They need to grow without each other.
Kung para kayo talaga para sa isa't isa ay pagtatagpuin pa rin kayo ng tadhana.
"Huwag kang umiyak, maiiyak na rin ako nyan," ani Maiko nang magtapat sila.
Sabay silang natawa, mahigpit niyang hinawakan ang kamay ng babae
"Ang ganda mo."
"Ikaw rin naman, ang gwapo mo sa suot mo bagay na bagay sa'yo. I can't imagine I'll marry a Pilot." Hindi niya alam kung bakit sa simpleng salitang iyon ay para siyang nabuhayan.
Mas lalong gumuwapo ang tingin niya sa sarili niya.
Hinalikan niya ang kamay ng babae. "I love you, Maiko."
"Mahal din kita, Teagan. Kayo ni Tristan ang lakas ko at ang magiging baby natin."
**
"Shit!" Malakas na sigaw ni Maiko nang pumutok ang panubigan niya.Napasinghap siya at napahawak sa pinaka malapit na upuan. Humahangos na pumasok si Soul, she's Kaden's wife. One of Teagan's cousin.
Kasalukuyan sila nasa bahay ng mag-asawa dahil kaarawan ng isa sa mga anak nito. Wala pa si Teagan dahil galing pa itong trabaho, hindi niya alam na manganganak na siya, malayo pa ang due date niya.
"What anong nangyari?" tanong ni Soul saka siya nilapitan.
Kinalma niya ang sarili. You can do it, Maiko. Nagawa mo na noon, magagawa mo ngayon. "My water broke."
Bumaba ang tingin ni Soul sa paanan niya, mahina itong napasinghap saka sumigaw. "Kaden! Ready the car!"
Wala pa mang segundo ay nakarinig na sila ng mga yabag papunta sa kanilang gawi, unang pumasok sa kusina si Mia, Teagan's cousin.
Nanlaki ang mata nito saka nawalan ng malay, mabuti at nasalo ito ng isa sa mga Kuya niya.
"Shit, Deign. Wake up, huwag kang agaw eksena. Hindi ikaw ang manganganak!" Gising nito sa kapatid.
Lumapit si Anika sa kanya at hinawakan ang braso niya. "Can you walk? Naka-ready na ang kotse sa labas."
Umiling siya, hindi niya kaya. Pakiramdam niya ay baka mahulog ang baby niya.
"Sadi, Neos. Please paki-bantayan muna rito ang mga bata, I'll call Teagan. Buhatin niyo si Maiko papunta sa kotse," si Anika ang nagsalita.
Nagkatinginan ang mga lalaking nandoon, walang gustong bumuhat at alam niya kung bakit. Teagan will be a mad cave man again, napaka seloso ng asawa niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/207893822-288-k544196.jpg)
BINABASA MO ANG
SDSS 5: Greed
Художественная прозаSEVEN DEADLY SINS SERIES 5: 𝐆𝐑𝐄𝐄𝐃 After Maiko's parent death, she decided to live on her own and not rely to her other relatives. Everything is fine. She's a working student and she has a sweet and responsible boyfriend - Teagan Flavier. Destin...