Kabanata 7

29.5K 1.4K 177
                                        


Kabanata 7

MALINIS at malaki ang bahay, modern ang design no'n at halos lahat ng gamit sa loob ay kulay puti at brown.

Inilibot niya ang paningin sa buong bahay habang hawak ang anak sa kamay. Nakakatakot na at baka may mabasag pa sila.

Tumikhim si Teagan, akala niya ay hindi na siya kakausapin nito pagkatapos ng sagutan nila sa labas pero parang ayos na ang lalaki dahil malawak na ang ngiti nito habang nakatingin sa anak niya.

Para bang nakalimutan na nito ang pinag-usapan nila.

"Do you like this place, Tristan?" ani Teagan.

Marahan tumango ang bata. "Opo, ang ganda! Lalo na po sa labas, ngayon lang po ako nakakita ng gano'n kapino na buhangin. Pwede po tayong maligo sa dagat mamaya?"

"Oo naman pero magpapahinga at kakain muna tayo ha?" Sinulyapan siya ng lalaki. "Baka kasi pagod pa si Mommy—mo. Hmm, maybe you should check your room and clothes there. May pinalagay na akong mga pwede mong suotin, 'yon ang kwarto mo buddy." Tinuro ni Teagan ang isang kwarto sa itaas na nakikita nila, kitang-kita niya ang saya sa mukha ng anak at mabilis na nagtatakbo papasok doon.

Malakas siyang napabuntonghininga, alam naman niyang hindi sila ibabalik ni Teagan. Kilala niya ito.

Makikisakay na lang siya sa gusto nito.

"Where's my room?" tanong niya sa lalaki.

"That's your room." Tinuro nito ang nasa kabilang gilid.

Mabilis siyang pumunta roon para makapagpahinga, saka na siya iisip ng paraan para makausap si Benedict.

Nang makapasok siya ay tumambad sa kanya ang malaking kamang puti, sobrang linis ng kwarto at mabango ang amoy.

Sinundan niya ng tingin si Teagan nang pumasok din ito sa kwarto niya at dumeretdyo sa cabinet doon.

"A-Anong ginagawa mo rito?"

"Huh? This is my room too. Dalawa lang ang bukas na kwarto rito." Walang hiya-hiya itong naghubad ng damit at nagpalit ng puting shirt. Halos lumuwa ang kanyang mata nang hubarin nito ang pantalon dahilan upang makita niya ang itim na boxer nito.

Kaagad siyang tumalikod, sobrang lakas ng kabog ng kanyang puso.

"Ano bang ginagawa mo?! Hindi mo ba alam na babae ako? Lalaki ka!"

"Nagpapalit lang naman ako ah?" Narinig niyang halakhak ng lalaki, nang humarap siya ay bihis na ito kaya nakahinga siya nang maluwag. Aatakin ata siya sa puso. "And you already see me naked, so what's the point? Mas lumaki lang ang kaibigan ko pero gano'n pa rin—ouch!"

Hindi niya napigilan at dinampon niya ang pinakamalapit na design sa lamesa sa ibinato sa lalaki, mabuti na lang at nakailag ito.

"Ang bunganga mo, Teagan!"

"What? Baby, this mouth... you begged for this mouth remember?"

Kaagad siyang humanap ng ibabato sa lalaki pero mabilis itong lumapit sa kanya at natatawang niyakap siya, hindi niya alam kung dahil buntis siya o ano pero kaagad nawala ang inis niya nang maramdaman ang init ng katawan nito na bumalot sa kanya.

"Hmm, nauubos mo na ang amoy ko. You like scent?" bulong ni Teagan saka hinimas ang buhok niya, mahigpit siya nitong niyakap.

Mariin siyang napapikit nang maramdaman ang munting halik nito sa kanyang sentido. "Why are you doing this to me, Teagan? Bakit ngayon ka lang bumalik kung kailan—"

"Sorry natagalan ako."

Nangilid ang luha niya, mabilis niya iyon pinigilan saka marahan tinulak ang lalaki palayo sa kanya.

Hindi dapat siya magpadala kaagad sa salita nito, ganyan ang mga lalaki. Alam nila kung paano ka papaikutin, kaya dapat marunong ka rin magpaikot.

"I want you back, Maiko. Ako na lang ulit, pangako. Aalagaan ko kayo ni Tristan at ang baby sa tiyan mo. M-Magiging mabuting ama ako. Ituturing ko silang parang sa akin, I'll make you happy."

"Napag-usapan na natin iyan sa labas kanina. Hindi ba?"

"Hindi ako magsasawang paulit-ulit na kulitin ka hanggang wala ka ng magawa at tanggapin mo na ulit ako."

Napailing siya. "Why you want me back? Bigyan mo ako ng dahilan. Is it about your ego? Konsensya ba? I am going to marry your Dad, I am happy now " she want to push his button.

Nakita niyang gumalaw ang panga ni Teagan.

"Hindi ako naniniwala."

"Edi huwag kang maniwala." Tumaas ang sulok ng labi niya upang mas inisin ang lalaki. "After a month, you will call me... Mom."

Tuluyan nagdilim ang mukha ng lalaki.

"After a month, you will be the mom of my child."

Natigilan siya sa sinabi ng lalaki pero hindi niya pinahalata iyon.

"A-Anong ginagawa mo, Teagan?!" gulat na sabi niya nang hinapit ng lalaki ang kanyang beywang at inilapit ang bibig sa kanyang tainga, sapat lang ang distansya ng katawan upang hindi maipit ang kanyang tiyan na hindi gano'n kalakihan.

Ang mainit na palad ng lalaki ay unti-unting gumapang pababa sa kanyang hita, gano'n na lang ang pagsinghap niya nang halikan ni Teagan ang kanyang panga.

"Can you still feel it? Hindi ko mapigilan, Maiko. I thought I moved on. Hindi ko rin alam bakit ko 'to nararamdaman ngayon. Bakit ngayon?" Ramdam niya ang kaguluhan sa boses nito.

Suminghap siya saka dahan-dahan niyakap ang binata. Mariin siyang pumikit. Nasasaktan na rin siya.

"Can't you remember what happened five months ago?"

Nakita niyang natigilan ang lalaki, ramdaman niyang bahagyang nanigas ang katawan nito. Tinapik niya ang balikat ni Teagan.

"Remember it, you'll know the answer."

***

SDSS 5: GreedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon