"O, 'di ba? Sabi ko sa inyo, e, saglit lang ako!",nakangiting bungad ni Rene na kadarating lang. "Anyare na?"
Ngumiti lang si Migz. Sige pa rin sa paglilinis si Daisy. This time, sa kubeta naman.
"Matagal ka pa ba riyan? Na-ji-jebs ako, eh!" ani Rene habang nakahawak sa tiyan. "Napauwi ako nang wala sa oras dahil sa tawag ng kalikasan!"
Lumabas sa kubeta si Daisy. "Mamaya ka na magbanyo. Kakalinis ko lang! Binabaran ko ng zonrox iyong bowl. Bawal munang gamitin!"
"Ha? Pambihira!"
"Ihiga mo lang muna 'yan. Tumaob ka, para mawala ang sakit! Subukan mong makatulog, pati pagtae makakalimutan mo rin!" seryosong sabi ni Daisy. "Basta 'wag mo munang gagamitin iyong bowl, masasayang lang ang pagod ko, OK?"
"Oo nga naman bro, libre pa naman!" nataawang sabat ni Migz.
Walang nagawa si Rene kundi sundin ang sinabi ni Daisy. Tuwing susubukan niya kasing pumasok sa kubeta ay hinaharang siya nito ng bomba ng bowl.
"Tama na 'yan Daisy. Magpahinga ka na. Pagod ka na niyan! Dami mong ginawa, e!" ani Miguel.
"Ang boring kasi sa taas mga kuya. Mag-isa lang ako. Wala akong makausap," nakasimangot na wika ni Daisy.
"Kung wala kang magawa, matulog ka na lang!"
"Ayoko. Nakakatamad matulog! Pwede bang dito na lang muna ako?" Mukha itong nagpapaawa.
"Naku hindi 'yin pwede!" mariing wika ni Migz. "Babae ka, lalaki kami. Naku! Hindi pwede 'yon. Baka masita na tayo ng may-ari ng apartment!"
"Gano'n ba.? Sige na nga! Alis na 'ko. Hmp!" Aalis na sana ito pero pinigilan siya ni Migz.
"O, sige, kung gusto mo, dito ka muna."
"Talaga kuya! Ayos lang?" masayang wika ni Daisy.
"Ano bang gusto mong pagkwentuhan wala na rin naman kasi akong gagawin buong maghapon."
"Hmmm..." saglit na nag-isip si Daisy. "Wala akong maisip, eh."
"Gusto mo, ipasyal na lang kita?"
"Talaga?" Ang laki ng ngiti ng dalaga! Nangislap ang mga mata nito.
"Oo, sige na, bihis ka! Antayin kita rito. Magbihis lang din ako saglit."
Ewan ba niya ngunit parang biglang gumaan ang loob niya kay Daisy nang mag-open up siya rito tungkol sa ex niyang si Alona.
Umakyat na si Daisy at mukhang sobrang excited ito. Napaatalon pa bawat hakbang. Natawa na lang si Migz.
"A, daya ninyo, ah! Kayong dalawa lang?" wika ni Rene na iniinda parin ang sakit ng sikmura.
"Next time ka na sumama, bro! 'Pag wala nang kalikasang tumatawag sa 'yo!" Tumawa ito.
"A, sige! Ganyan ka ha! Saan mo naman dadalhin si Daisy?," anito. Parang nanunukso ang paningin nito.
"Oy! Oy! Iyang utak mo ha, ayusin mo! Alam ko ang iniisip mo, buang! Ipapasyal ko lang sa mall para naman makakita ng ibang tanawin."
"A, sabi mo, eh!" nakangiting sabi ni Rene. Nanunukso pa rin ang paningin nito.
Kumuha ng unan si Migz at binato iyon sa mukha ni Rene.
"G*go!"
"TARA na!" Nasa bungad na si Daisy ng kanilang pinto.
"Ganyan ka na?" salubong ang kilay na usisa ni Migz.
Ang bihis ni Daisy ay katulad lang din ng bihis nito nang unang beses silang magkita.
"Mas lalaki ka pa pumorma sa 'kin, ah! Wala ka bang ibang damit?"
BINABASA MO ANG
Fix Me, I'm Broken
RomanceFollow for everyday update. 😉 "I'm sorry Miguel, I'm tired. Maghiwalay na tayo." Iyon lamang ang sinabi ni Alona, kasintahan niya ng halos tatlong taon, nang magpasya itong makipaghiwalay sa kanya pagkatapos ay umalis ito patungong ibang bansa nang...