"Hindi! Dito ka lang! Wag kang aalis!"
"I have to know the truth! Unawain mo naman ako Daisy, hindi lang ito tungkol kay Alona, kundi kay Rene," paliwanag ni Migz. Mahigpit ang pagkakahawak ni Daisy sa braso niya. Pinipigilan siya nitong konprontahin ang ex at ang matalik niyang kaibigan.
"Hindi! Ayoko! Magkakabalikan kayo ni Alona kapag nagkausap na kayo at nagkalinawan! Iiwan mo 'ko! Dito ka lang!" umiiyak na pagsusumamo ni Daisy.
Wala na roon ang pamilya ni Migz dahil binigyan sila ng mga ito ng privacy upang makapag-usap.
Miguel sighed at tinanggal ang mga kamay ni Daisy sa braso niya. "I have to do this Daisy. I'm sorry!" Pagkasabi niyon ay mabilis na nilisan ni Migz ang restaurant at hindi niya na nilingon ang dalaga.
Tinanaw pa siya ni Daisy habang patawid ito sa kalsada patungo sa restaurant na kinaroroonan nina Alona at Rene.
Halata ang pagkagulat sa mukha ni Rene nang makita ang palapit na sa kanilang si Migz. "Bro?"
Napalingon si Alona sa dereksyon ni Migz. Nakita ni Migz ang takot sa mga mata nito.
"Ito ba ang nililihim mo sa 'kin, BRO?" Pinagdiinan nito ang huling salita.
"Bro, wait, let me explain!" Tumayo si Rene at humakbang palapit kay Migz.
"Sige, makikinig ako. Magpaliwanag ka. Ayusin mo ang pagpapaliwanag para maintindihan ko."
"Bro, pwede bang lumipat tayo ng lugar, ayokong magiskandalo rito," pakiusap ni Rene sa kanya. Pinagtitinginan na kasi sila ng ibang mga taong naroroon sa loob ng restaurant.
"Ano bang sinasabi mong iskandalo, bro? Bakit, meron ba?"
"Bro, please!"
"Sabihin mo na, p*tang ina! Ang dami mo pang pasakalye, deretsuhin mo na ako!" sigaw ni Migz na tila wala nang pakialam sa mga matang nakatingin at mga tengang nakikinig sa kanila. "Ano?!"
Humugot ng lakas ng loob si Rene at bumuga ng malakas na hangin.
"Nabuntis ako Miguel!" si Alona ang nagsalita. "Si Rene ang— si Rene ang ama!" bunyag nito.
"Ano?!" tila niyugyog ng pagbubunyag na iyon ang buong mundo ni Migz. "Nagkaroon kayo ng relasyon? Pinagmukha ninyo akong tanga parehas?" naghuhurumintado na ang binata. "Tinalo mo ang babaeng minahal ko Rene? Ang kapal ng mukha mo hayop ka! Itinuring kitang kapatid!"
Isang malakas na suntok ang dumapo sa mukha ni Rene. Hindi ito natumba pero dumugo ang bunganga nito. "Wala kaming relasyon, bro! Hindi ko siya tinalo sa 'yo!" paliwanag nito.
Mapait na tawa ang naibuga ni Migz. "Sinong tinatanga mo Rene? Nabuntis mo si Alona pero wala kayong relasyon?"
"Hindi namin sinasadya ang nangyari, bro!"
"Pwede ba, huwag mo na akong tawaging bro, traydor!"
"Aksidente ang nangyari, bro, hindi namin ginusto!"
"Miguel, listen to me! Rene is telling the truth, hindi kami nagkaroon ng relasyon! Aksidente ang nangyari! The night na pinuntahan kita sa apartment ninyo to surprise you for our anniversary. I wanted to celebrate with you, but you weren't there. Nasa trabaho ka, at nakalimutan mo ang anniversary natin. You weren't there, but Rene was there. We drink til we're drunk! The next thing we knew, we did the most stupid thing that we could ever imagine. We had sex! Sex Miguel, nothing but pure stupid sex! And the next morning, we both regretted it! And of course, you wouldn't have to know, we kept what happened between us," paliwanag nito habang hindi na napigilan pa ni Migz ang lumuha. It was a double betrayal. Twice the hurt.
BINABASA MO ANG
Fix Me, I'm Broken
عاطفيةFollow for everyday update. 😉 "I'm sorry Miguel, I'm tired. Maghiwalay na tayo." Iyon lamang ang sinabi ni Alona, kasintahan niya ng halos tatlong taon, nang magpasya itong makipaghiwalay sa kanya pagkatapos ay umalis ito patungong ibang bansa nang...