CHAPTER ONE

338 13 3
                                    

"T*ngna bro! Anong ginawa mo?" Hinampas ni Rene ang kaibigan na kagigising pa lamang. Ni hindi pa nga nito mamulat ang mga mata nang maayos at naduduwal duwal pa. "Iyong babae mo pa ang naghatid sayo rito kagabi. T*ngna! Ang ganda pa naman, tas sinukahan mo lang?"

Naupo sa gilid ng kama si Miguel habang sapo ang ulong nananakit pa. Hirap siyang matandaan ang nangyari sa nakaraang gabi. "Nasaan na siya?" Nagpalingalinga ito sa paligid.

"Si Shandy? Malamang umuwi na pagkatapos kang ihatid, ugok! Na-badtrip iyon sa 'yo!" Napapakamot sa ulo na wika ni Rene.

"Bakit daw?" Tila wala talaga itong matandaan.

"Bakit? Tsk! Bro! Date 'yon! Hindi iyon inuman ng barkada! Lumagok ka bro! Tapos no'ng malasing ka, puro pangalan ng ex mo ang lumabas diyan sa bibig mo!"

"Gano'n ba? Tsk!" Ito naman ang napakamot sa ulo.  Nakakahiya naman kay Shandy!"

"Aba, talagang nakakahiya ang ginawa mo! Niyaya yaya mo siyang makipag-date sa 'yo tapos iyon lang ang gagawin mo? Ang bastos no'n bro!" naiiling na wika ni Rene.

"Tama na Rene! Masakit pa ang ulo ko. Please 'wag mo na muna akong sermonan, ha? Para kang nanay ko kung makatalak" anito habang hinahagod ang batok. "Isa pa, ikaw naman 'tong nag-suggest sa 'kin na subukang makipagkilala sa ibang babae. Na subukan kong makipagdate at baka makalimutan ko rin si Alona! Bro, sinasabi ko sa 'yo ngayon pa lang, ha?" umiling iling ito. "Imposible 'yon! Magkakabalikan pa kami ni Alona! You will see bro! You will see! Kaya ikaw, I'm telling you, si Shandy na ang huling babaeng irireto mo sa 'kin. Ayokong humanap ng babaeng gagawin kong panakip butas lang."

"Hay ewan ko sayo Migz! Iniwan ka na ni Alona! 'Wag mo na siyang habulin pa! Save your pride, bro! "

"Walang pride pride pagdating sa pagmamahal Rene! Hangga't kaya mong magpatawad, magpapatawad ka. Hangga't mahal mo pa, ipaglalaban mo!"

"Ug*k! E, wala ka na ngang ipinaglalaban! Iniwan ka na nga!"

"Hindi! Babalik pa siya sa 'kin. Alam ko 'yon. Ako lang ang pwedeng magmahal sa kanya! Kahit sino pang lalaki ang makilala niya, wala nang makakapantay pa sa pagmamahal na binigay ko sa kanya."

"Baliw ka na, Migz!"

"Siguro nga! Rene, si Alona lang ang minahal ko ng ganito!" Parang bata itong biglang napahagulhol sa pag-iyak. Rene tapped his shoulder. "Gagawin ko ang lahat para bumalik siya sa 'kin. Kahit ano bro, gagawin ko para sa kanya!"

Napailing na lamang si Rene.

Masyado talagang dinibdib ni Miguel ang pakikipaghiwalay sa kanya ng kanyang almost three years na karelasyon na si Alona. Nagbabalak na ngang magpakasal ang dalawa pero isang araw ay bigla na lang nakipag-break ang babae rito.

Maayos naman ang naging takbo ng kanilang pagsasama bilang magkasintahan. Wala naman silang masyadong 'di napagkakasunduan. Gusto sila pareho ng pamilya ng bawat isa. Legal sila sa kani-kanilang pamilya.

"I'm sorry Miguel, I'm tired. Maghiwalay na tayo."

Iyon lamang. Pagod daw ito! Saan? Humingi siya ng iba pang mas mabigat na dahilan upang maging katanggap-tanggap ang pakikipaghiwalay nito sa kanya ngunit wala itong maibigay. Nakita lamang niya sa mga mata nito ang pagiging desidido sa pakikipaghiwalay sa kanya. Hindi nga ito nagpapigil.

Ilang araw rin niya itong binabalik balikan sa bahay nito, araw araw, walang mintis upang suyuin ito. Pero napakatigas nito.

Bakit ang bilis namang maglaho ng pagmamahal nito sa kanya? Parang bula lang iyong nawala!

Tanda niya pa, isang linggo bago ito makipaghiwalay sa kanya, napakalambing pa nito.

Labis na ang kanyang pangungulila kay Alona. Ang ngiti nito. Ang mga mata. Ang kanyang mga halik at mga yakap.

Fix Me, I'm BrokenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon