CHAPTER ELEVEN

65 4 0
                                    


Magaan na ang kalooban ni Migz. Natitiyak na niyang kahit magkita pa sila ulit ni Alona ay wala na siyang mararamdaman pang sakit o panghihinayang. Hindi siya makapaniwalang magiging ganoon lang kadali ang makausad siya sa masalimuot na nangyari sa kanilang relasyon. Nang dahil lamang sa isang babaeng pinigilan siyang magpakamatay, ito na ngayon ang dahilan kung bakit nagkaroon siya ng bagong dahilan upang magpatuloy pa sa buhay.

Itinapon niya ang lahat ng mga maaaring makapagpaalala sa kanya kay Alona. Lahat ng mga pictures nito sa kanyang cellphone at computer ay binura na niya. Hindi na siya nakaramdam ng panghihinayang.

Siguro nga ay masaya na ito ngayon. Sabi nga nila, kapag may umalis, may dumarating. Kapag may inalis ang Diyos sa buhay mo, hindi iyon para sa 'yo at tiyak na may kapalit na mas maganda at mas karapatdapat para sa iyo. Kailangan lang maging matiyaga sa paghihintay at higit sa lahat huwag mawawala ang paniniwala mo sa pag-ibig.

"Bakit biglaan naman yata, bro?" gulat na wika ni Migz.

Nagpaaalam si Rene na mag-re-resign ito sa trabaho at uuwi na sa kanyang pamilya.

"Sinabi ko naman sayo noong nakaraan, 'di ba? Na-mi-miss na ako ng mga kapatid ko! Doon na lang ako sa amin maghahanap ng trabaho. Sabi sa akin ni Inay, merong bagong bukas na kompanya roon, maraming kailangang i-hire, mag-aapply ako!"

"Oo, naiintindihan naman kita. Parang masyado lang akong nabibilisan. Sabihin mo nga sa akin, Rene, ano ba ang tinatago mo sa 'kin? Meron ba? Ano ba talaga ang problema mo?" sunod sunod niyang tanong.

Nakikinig lamang sa kanila si Daisy. Hindi naman nito alam kung ano ang sasabihin niya o kung dapat ba siyang makisali sa pag-uusap ng dalawa.

"Wala, bro! 'Wag mo nang bigyan ng malisya ang pag-alis ko! Wala akong problema!"

"May tinatago ka, eh!" diin ni Migz.

"Bro, wala! Ano naman ang itatago ko! Sinasabi ko naman lahat sa 'yo, 'di ba? Kasi parang kapatid na ang turing natin sa isa't isa. Peksman Migz, wala akong tinatago sa 'yo. Gusto ko lang talagang umuwi."

"Hindi ako naniniwala sa 'yo!" ani Migz

"Bahala ka! 'Di kita pinipilit na maniwala sa 'kin. Basta, kailangan ko nang umuwi." Tumingin ito kay Daisy. "Alam ko namang aalagaan ka ni Migz. Siguradong 'di ka niya pababayaan," wika nito sa dalaga.

At hindi nga napigilan pa ni Migz ang pag-alis ni Rene. Wala naman talaga itong balak magpapigil. Punong puno siya ng pagtataka sa biglang pagbabago ni Rene at sa mga ikinikilos nito sa mga nakaraang araw.

Maski ang kanilang mga katrabaho sa opisina ay nagtaka rin sa biglaang pag-re-resign ni Rene gayong maganda naman ang performance nito sa trabaho. Bulungbulungan nga sa buong opisina na baka ma-promote ito sa susunod na buwan. 'Di nila maiwasang manghinayang.

"Intindihin mo na lang Migz. Bawat tao may personal na problema.. Lahat naman tayo may gustong itirang sekreto sa mga sarili natin. Irespeto na lang natin ang desisyon niya," wika ni Daisy. Medyo nabigla pa nga si Migz sa sinabi nito. Bigla din kasi itong naging seryoso.

"Mas lalong kailangan na kitang maihanap ng malilipatan. Hindi magandang tingnan na magkasama tayo sa iisang kwarto. Hindi naman tayo mag-asawa," ani Migz.

"Para sa isang lalaki, masyado kang konserbatib Migz! Kung wala ka naman talagang malisya sa katawan para sa 'kin, okay lang na dumito lang ako! Ako, okay lang sa akin na magkasama tayo sa kwarto, tiwala naman akong hindi moc'ko gagawan ng masama," ,anito

Kung alam mo lang Daisy. Mahihirapan ako lalong magpigil ng nararamdaman ko para sayo ngayong tayong dalawa na lang ang magkasama. Baka nga, may magawa pa akong labag sa kalooban ko. Sa isip-isip ng binata.

Fix Me, I'm BrokenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon