CHAPTER TEN

70 4 0
                                    


"Sayang, no, hindi nakasama si Rene?" ani Daisy habang nagdadrive naman si Migz.

"Bakit, ayaw mo bang kasama ako?" Kunyaring nagtatampo si Migz. Nagnguso pa ito.

"May sinabi ba 'ko? Ang sabi ko, sayang hindi nakasama si Rene! Hindi ko sinabing sana siya ang kasama ko!" depensa ng dalaga.

Paglingon niya kay Migz, nakangiti ito habang tumitingin sa kanya. "Bakit ka nakatingin nang ganyan sa 'kin? Siguro pinagtatawanan mo na 'ko sa itsura ko, 'no? Kasalanan mo to, eh! Binilhan mo 'ko ng masasagwang damit!"

"Naka-red light naman, kaya pwede kitang titigan! Ang ganda mo pala talaga!" nakangiti pa rin ito.

Nagsalubong ang mga kilay ng dalaga. "Tse! Kunyari ka pa riyan!" Tila ayaw pa rin nitong maniwala.

"Gusto ko ganyan ka araw-araw araw, para araw-araw araw rin akong nakangiti." Tila sinampal siya nang malakas nang mapansing namumula na si Daisy dahil sa mga pinagsasasabi niya.  "Ah, uhm, wala! Wala! Wala iyon! Huwag mong intindihin ang mga sinabi ko. Baka masaya lang talaga ako kasi nakabalik ka na, at OK ka na," aniya habang iniiwas ang tingin sa dalaga. Nag-green na ang stoplight kaya umusad na ang mga sasakyan. "'Wag mo na lang akong intindihin," anito. Maski siya ay napansin ang mga wirdong sinabi niya. Weird nga lang ba o may katotohanan na?

Ngumiti lang si Daisy pero naramdaman ni Migz ang pagkailang nito.

Ipinarada ni Migz ang kanyang kotse sa harap ng isang mukhang mamahaling restaurant.

Pagkapasok nila ni Daisy dlroon ay nagtinginan ang mga taong naroroon sa kanila- kay Daisy. Hinawakan niya ito sa bewang. Why does he feel so proud being with her? She's not even his girl!

Inalalayan niya ito patungo sa isang mesa hanggang sa pag-upo. "Bakit tayo nandito? Parang hindi naman yata ako bagay rito," ani Daisy.

"'Wag mong sabihin 'yan! Kita mo kanina nang pumasok tayo, naagaw mo ang pansin nila, ibig sabihin napakaganda mo! Be proud of yourself! Dahil ako, proud ako sa 'yo," anito at saka umupo na rin.

"Talaga?"

Tumango si Migz.

Nag-order si Migz ng pasta dahil gustong gusto ni Daisy ng mga ganitong klaseng pagkain.

Hindi niya maalis ang paningin niya kay Daisy. Pinipigilan niya ang kanyang sarili pero parang may magnet ito na humahatak sa kanya.

"Daisy..."

"Mmm... Bakit?"

Parang may naisip siyang ipahiwatug ngunit hindi niya kayang sabihin. "Ah, wala, sige kain ka lang!" aniya. "Sa'n mo gusto pumunta pagkatapos nating kumain?!+"

"Pwede ba sa mall ulit?" nakangiting wika ng dalaga.

"OK, sige."

Natapos ang kanilang pagkain nang walang gaanong pag-uusap. Walang katapusan ang paghanga ni Migz sa bagong bihis na Daisy na nasa kanyang harapan.

Tinupad niya ang hiling ni Daisy na magpunta ulit sila sa isang mall.

"HAWAK ka sa 'kin!" ani Migz habang inilalahad ang kamay kay Daisy. Paakyat na sila ng escalator.

"Hindi na, salamat!" ani Daisy. Nauna na itong humakbang pasakay ng escalator. Sumunod si Migz.

"Noong nasa Cebu pa kasi ako, madalas akong isama ni mam Christina sa mall kapag ipinag-sa-shopping niya si Steven. Kaya nasanay na rin akong gamitin 'to," paliwanag ng dalaga.

Nakaramdam ng panghihinayang si Migz. Hindi na kailangang alalayan pa si Daisy. Gusto niya kasi ang pakiramdam na inaalagaan ito.

Nagtataka na nga siya sa kanyang sarili, ngunit gusto niya ang nararamdaman niyang iyon. Gusto niyang protektahan si Daisy at gusto niyang maging dahilan upang sumaya ito..+

Fix Me, I'm BrokenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon